Chapter Twelve ~
Nakahiga na ako sa kwarto nang makarinig ako ng kotse sa labas. Sino naman kaya ang dumating? Wala namang sinabi si Mama na mayroon siyang bisita ngayon. Hindi ko na lang pinansin at nanatili na lang akong nakahiga sa kama.
"Aria!" napabangon ako nang marinig ko ang pangalan ko. Hindi pa man ako nakakatayo ay tumakbo na kaagad siya sa akin at niyakap ako. "How are you?"
Nakita ko naman na nakasilip si Mama sa pinto at tinatanong kung sino daw yun. Sinenyasan ko naman siya na bumaba na at saka ko na lang ike-kwento.
"Okay naman ako. Bakit ka napasugod dito?" tanong ko sa kanya.
"I heard what happened. I really got worried about you." at nakita ko namang super worried nga siya.
Napangiti ako. "I'm okay Tynnie. Thanks for your concern." ngumiti ito at niyakap ako.
"Tyler called me earlier and told me what happened. Pero pagpunta ko kanina sa school, kaaalis mo lang daw."
"Oo, nang magising ako ay umalis na rin ako."
"Thank God! Atleast for now, mababawasan na ang problema ni Tyler. You know what, he really got worried about you." nataouched naman ako sa sinabi niya. Gusto ko nang makita si Tyler! I want to thank him!
"Super siyang na-guilt nang iwan ka niya kanina at alam mo bang pinag-awayan namin ang ginawa niyang yun sa'yo?"
Natigilan ako. W-hat? Then sino ang nagdala sa akin sa infirmary?
"Dumating kasi bigla si Ritsu and she saw that Tyler gave you CPR. Namisinterpret niya yun at lalo lang lumaki ang away."
"W-haaat?" nagulat ako sa narinig. Shocks! For the second time! Parang ako na lang palagi ang dahilan ng pag-aaway nila. Hindi pa nga sila nagkakaayos ay eto na naman ang panibagong problemang dala ko.
"Wala kang kasalanan." ngumiti ito pero nawala din agad. "Naiinis na nga ako dyan kay Ritsu! Sumusobra na sya e! She always think of herself. Hindi siya nakikinig sa mga paliwanag ni Tyler!" nakita ko ang galit at inis sa kanya.
"I already told Tyler na hiwalayan na ang babaeng yun dahil puro pasakit na lang ang dala nito sa kanya. Pero he ang tigas ng ulo niya! He really loves Ritsu that much."
Bigla na lang kumurot ang dibdib ko sa narinig. Ganoon ba talaga ang pagmamahal niya kay Ritsu? Kahit sobrang nasasaktan na siya nito?
"Ganun naman siguro kapag nagmamahal. Nagbubulag-bulagan. Kahit masakit na, patuloy pa ring nagmamahal. " sabi ko at biglang napatingin sa bintana.
"But that's too much!" she exclaimed. "Hindi na pagmamahal yun, katangahan na!"
Siguro nga tanga na rin ako na lihim na nagmamahal kay Tyler. Patuloy ko siyang minamahal nang palihim kahit na may mahal naman itong iba, kahit na alam kong wala naman akong pag-asa sa kanya.
"What's wrong Aria?" tanong niya na marahil ay napansin ang biglaang pananahimik ko.
"W-wala." pagtanggi ko. "Nasaan na ngayon si Tyler?" bigla kong naitanong.
"Bumalik uli siya sa bahay nina Ritsu. Hindi talaga yun titigil hangga't hindi sila nag-uusap ng girlfriend niya. Sabi ko tumigil na siya pero hindi siya nakikinig sa akin." nakita ko ang lungkot sa kanya.
"Ang swerte pala ni Ritsu no?"
"Sobra pero parang binabalewala na lang yun ni Ritsu. Tine-take advantage na niya ang sobrang pagmamahal sa kanya ng kapatid ko." nakita ko ang lungkot at galit kay Ritsu. "Honestly, mabaet naman si Ritsu. Pero lately, parang nagbago siya. I don't know why but know there's something."

BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Teen FictionIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?