Chapter Thirty Five ~
RITSU's POV
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala kagabi sa kakaiyak. Kapansin-pansin tuloy ang pamamaga ng mata ko ngayon. Hindi dapat ito makita ni Tyler, alam kong mag-aalala lang siya. Halos isang taon nang naging anino ko siya. Palaging nakasunod sa akin. Laging inaalagaan at binabantayan. Nakakalimutan na nga niya ang sarili maging ang kapatid nang dahil sa akin.
Biglang may kumatok.
"Ritsu, gising ka na ba?" boses iyon ni Tyler. Agad akong pumikit at nagtulug-tulugan.
Pumasok siya sa kwarto at naramdaman kong umupo siya sa may ulunan ko. Nilalaro niya ang buhok ko at kahit hindi ko man nakikita ay alam kong nakatitig siya sa akin. Bakit? May gusto ba siyang sabihin?
Pero hindi naman siya umimik at umalis rin pagkatapos. Nararamdaman ko, mayroon siyang gustong sabihin sa akin. Binuksan ko na ang aking mga mata at inayos ang sarili. Pagkalabas ko ay wala na si Tyler.
"Nasaan si Tyler?" tanong ko kay Tynnie.
"Lumabas siya." sagot niya na hindi man lang lumilingon sa akin.
"Sinisisi mo pa rin ba ako kung bakit hindi nagkatuluyan si Tyler at Aria?" ngayon ko na lang ulit nakausap si Tynnie. Hindi kasi kami nagkikibuan. Pinipilit kong wag na siyang patulan dahil ayaw kong makita ni Tyler na nag-aaway kami.
"Sino pa bang sisihin ko?" matapang niyang sagot.
"We both know that it was Tyler's decision. I never asked him to leave Aria."
"But you asked him to live with you!"
" at kasalanan ko 'yon?"
"Of course, nagpapaawa ka kasi. Lagi mo na lang dinadahilan yang sakit mo. Naiintinidihan naman kita eh, ang sa'kin lang, wag mo sanang alisin ang karapatan ni Kuya na maging masaya."
"Why? Isn't he happy being with me?" I asked, almost a whisper. I don't want to cry in front of her. I don't want to make her think I'm just begging for her sympathy.
She's been honest to me all the time. At kahit masakit na ang mga sinasabi niya sa akin ay tinatanggap ko 'yun kasi 'yun ang nararamdaman niya. But now, for the last time, I want her to be honest with me.
"Tell me, Tynnie." pero hindi niya ako pinakinggan. Umalis siya na hindi man lang ako sinasagot.
I want to know the truth. Hindi ba masaya si Tyler sa akin? Ganoon na ba ako ka-insensitive para hindi mapansin 'yon? I know Tyler has sacrificed everything and I thought, he's been doing all of these because he cares for me, because he loves me. Ni hindi ko man lang naisip na baka ginagawa niya ang lahat nang ito, dahil may sakit ako.
--
Naisipan kong magluto for breakfast. Ngayon na lang ulit ako nagluto. Gusto kong akong ang mag-aalaga at mag-aasikaso ngayon kay Tyler.
Pagkarating ni Tyler ay may dala itong supot, malamang ay bumili siya ng almusal namin. Ganoon naman kami tuwing umaga eh, instant food lang. Nagmamadaling lumapit sa akin si Tyler at halos maitapon na nga nito ang dala niya.
"Anong ginagawa mo? Alam mong bawal kang mapagod." at kinuha niya ang plato na hawak ko.
"Wag kang Oa Tyler ha." natatawa kong sabi. "Gusto ko lang na pagsilbihan ka ngayon. You'd been doing this for almost a year. It's now my turn."
"You don't have to do this, Ritsu." at pinaupo niya ako sa upuan pero tumayo din ako.
"No, you sit down."
BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Fiksi RemajaIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?
