Chapter Thirty Four

566 11 0
                                    

Chapter Thirty Four ~

ARIA's POV

 

"Sinasabi mo bang si Tyler ang batang nakilala mo noon?"  kung nagalit si Anneth nang mabanggit sa kanya na nakita ko si Tyler ay mas nagulat siya nang ikwento ko sa kanya ang hinala ko. 

"Oo. Tinanong niya sa aking kung ako nga ba 'yun." at napabuntong hininga ako. Bakit ba parang pinaglalaruan kami ng tadhana? 

"Yan ba ang destiny?"  natatawa niyang sabi.

Destiny? Para saan pa ang destiny? Huli na ang lahat. Nandoon na siya kay Ritsu eh! Awts. Medyo bitter ang dating.

"Kalimutan na natin 'yun."  at tumayo na ako. "Teka, nasaan ba yung dalawa?"  ang tinutukoy ko ay si Shem at si Miley.

"Yun, naglalandian- este, tinuturuan ni Shem si Miley magbake."

Bigla akong napangiti sa narinig. "Himala, pumayag si Miley?"

"Alam mo namang dream 'yon ni Miley eh, ang matutong magbake."

Kilig na kilig kami ni Anneth habang lihim na pinapanood ang dalawa. Kung titingnan ay komportable naman si Shem sa ginagawa pero si Miley, nanginginig ang mga kamay nito at halos hindi na magkandamayaw sa gagawin. 

"I give up!" sigaw ni Miley at tinanggal nito ang suot na apron. 

"Wala pa nga eh, sumusuko ka na agad?"  ani Shem.

"Ni hindi ko nga maperfect ang dough. Next time na lang siguro ulit."  

If I know, hindi lang talaga siya komportable pag katabi na si Shem. Palagi na lang siyang nate-tense. Haha! Nakangiting sinalubong namin si Miley pero hindi pa rin maipinta ang mukha nito. Talaga bang hindi niya magawa ng ayos ang dough kanina?

Sinundan ni Anneth si Miley samantalang ako ay lumapit kay Shem. 

"Ano na namang ginawa mo kay Miley?" kunwari ay galit ako.

"Ano na naman? Nagprisinta lang naman ako na turuan siyang magbake tapos biglang nagwalk out nang hindi niya magawa ng ayos ang dough." 

Ang defensive naman masyado! Haha.

"Dapat kasi hindi mo hinayaan. Pinilit mo man lang sana siya na ituloy ang ginagawa niya."

"Alam mo namang hindi ako marunog mamilit di ba, kung ayaw edi ayaw." 

Iba ang dating sa'kin ng sinabi niya. Pinapatamaan ba niya ako? Alam kong ang tinutukoy niya ay yung tungkol sa amin noon, yung tungkol sa

"Wag mong sabihing gusto mo pa rin ako?"  diresto kong tanong. Pero natawa lang siya sa akin.

"Masyado nang mahaba ang buhok mo Aria. Tama na ang ilusyon."  at patuloy pa rin ang pagtawa niya. 

Runaway PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon