Chapter Three

944 12 0
                                    

 Chapter Three ~

Hanggang ngayon ay nakaupo pa rin ako sa sahig. Hindi na ako makatayo after akong ibagsak nang walangyang lalaking yun! Nakakainis. Buti na lang at wala nang dumadaan na estudyante kasi nga time na at marahil nasa pool area na lahat.

 Siya ba ang Prince Charming ko? Jusko, kahit wag na lang.

Ang sakit kasi ng balakang ko, ng pwet, ng binti. Hindi ko mai-stretch tong binti ko para naman makatayo ako kahit papaano.Inislide-slide ko yung pwet ko sa sahig. Naiimagine nyo ba? Wag na! Matatawa lang kayo. Mukha kasi akong tanga.

Ganun lang ang ginawa ko hanggang makarating ako ng pool area. Nang mahawakan ko ang doorknob ay pinilit kong tumayo kahit sobrang sakit. 

Pagkabukas ko ng pinto, lahat nakatingin sa akin, especially si sir Nathan na masama talaga ang tingin sa akin.

“Miss Aria, anong nangyari sayo?“ galit na galit na tanong ni Sir sa akin. Pero nang tingnan nya ako mula paa hanggang ulo, nawala ang galit nito.

“Nadulas lang po dyan sa hallway. “  sabi ko habang hawak-hawak ang balakang ko.

“ HAHAHAHAHA“ yung mga pigil na tawa kanina, nagburst out na.

“Class, quiet."  saway ni Sir  “ How're you? Okay ka na ba?" tanong nito sa'kin.

“Sa lagay kong to, mukha ba akong okay?“   Bulong ko. Sorry na, badtrip lang talaga!

“Again Miss Aria? “

“I said, I’m okay Sir. “

“Hindi ka mukhang okay e.“  Yun naman pala e. Alam naman palang hindi ako okay, nagtatanong pa? Bakit kaya may mga ganyang tao?

“Can someone please accompany Miss Aria to the Infirmary?" tanong nya sa klase. Obviously, wala namang magtatangkang tumulong sa akin.

“No Sir, I can manage.“  sabi ko.

Umiling lang ito at tumingin uli sa klase. “Hey! I said, help Miss Aria!“

Biglang nabasag ang katahimikan nang marinig namin ang ingit ng pinto. Napatingin ang lahat dito.

“Okay, Tyler! Help this girl to go to Infirmary! “sabi yun ni Sir dun sa lalaki na nagbukas ng pinto na aktong papasok na.

No, sya nga ang may dahilan kung bakit nagkaganito ako tapos sya pa ang maghahatid sa akin sa Infirmary? Siya si Tyler? No way! Baka madoblehan pa ako.

“Hindi Sir. Kaya ko pong pumunta sa Infirmary mag isa.“  I insist.

Runaway PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon