Chapter Fourteen

680 8 0
                                    

 Chapter Fourteen

I never knew how it happened pero nagising na lang ako na nasa isang unfamiliar na kwarto at katabi si Tyler. Kung paano niya ako yakapin kagabi ay ganun din ang pagkakayakap niya sa akin ngayon, mahigpit na mahigpit na para bang ayaw na niya akong pakawalan pa. 

Ang mukha ko ay katapat ng mga labi niya. Napakagat tuloy ako sa labi ko nang wala sa oras. Paano kaya kung halikan niya ako? Alam ko, naglapat na ang mga labi namin nang C-ni-P-R niya ako. Pero iba pa rin kung hahalikan niya ako pag mayroon na akong malay. Shocks! Ano ba itong iniisip ko?

Mahal na mahal kita. 

Iyon ang sabi sa akin ni Tyler. Alam kong hindi para sa akin ang mga katagang yun pero ramdam na ramdam ko ang bawat salitang ito na para bang sa akin talaga niya ito inaalay. 

Biglang gumalaw ang mga niya na siyang kinatakot ko. Alam kong sa oras na gumising siya ay nasa katinuan na siya at pag nakita niya ako sa tabi niya, magwawala siya!

Pero nang sinubukan kong kumawala sa kanya ay mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin. "Wag kang umalis. Dito ka lang." 

Bigla namang tumalon-talon ang puso ko pero may part pa rin doon na KJ at nagsasabing wag daw akong assuming dahil hindi naman yun para sa akin.

Hindi na lang ako umimik at hinayaan na lang siya. Pumikit na lang ako at nilulubos ang pagkakataong ito. Pero biglang nawala ang mga ngiti ko nang tinulak niya ako. Napamulat ako at nakita ang galit na galit na si Tyler.

"What are you doing here?"  tanong niya.

"I-I don't know either!"

"Anong hindi mo alam? Paano ka nakapunta sa kwarto ko?"  napatingin ako sa paligid. Ito pala ang kwarto niya. "Don't tell me bigla ka na lang lumitaw dito?" 

"Hindi ko talaga alam. Ang huli kong naaalala ay nasa Hard Rock Cafe ako at ibinigay ko sa'yo yung pinurchase mo."  bigla itong natigilan siguro ay may naalala siya. 

Naalala niya yung mga ginawa niya kahapon? Pati ba yung mga sinabi niya sa akin naalala niya? Ibigsabihin .. 

"Di ko matandaan na dumating ka kagabi."  biglang nawala yung pag-asa ko. Kumunot na naman ang noo nito. "Umalis ka na dito!" utos niya sa akin. 

Natigilan naman ako at hindi alam ang gagawin. "Then, ako na lang ang aalis. I need to see Ritsu!" pagtayo nito sa kama ay muntik na siyang matumba. "Ahhh!"  sigaw nito at hinawakan ang ulo.

Lumapit ako sa kanya at inalalayan siya pero inalis niya ang kamay ko. "I don't need your help."  nakita ko namang pinipilit niyang lumakad kahit alam kong sobrang sakit pa ng ulo niya. Di ko na siya malapitan dahil alam kong magagalit na naman siya sa akin.

"S-sige na, magpahinga ka na lang muna. Ako na lang ang aalis."

"Walang aalis!"  napatingon ako sa nagbukas ng pinto. Napalingon rin naman dito si Tyler.

Lumapit si Tynnie sa kapatid niya at sinuntok ito sa sikmura. Nagulat naman ako sa inasal niyang yun. Hindi akalain na behind her sweet smile and bubbly face ay may other side pa pala siya. "Masakit ba? Matagal ko nang gustong gawin sa'yo yan!" 

"What the hell are you, Tynnie?" napatayo ito sa kanyang hinihigaan.

"Nakita mo na ang ginawa sa'yo ni Ritsu? Iniwan ka lang niya. Sinabi ko na kasing tigilan mo na siya e, anong napala mo ngayon?"  nagmamatapang na si Tynnie.

"So, masaya ka na?" sagot naman ni Tyler.

Nakita kong nangingiyak na si Tynnie. Tumalikod ito sa kanyang kapatid at sa akin na siya ngayon nakaharap. Tuluyan na ngang tumulo ang mga luha nito. "How would I be happy if you're hurting inside? Mas nasasaktan ako kapag nasasaktan kaya nga sinabi ko sa'yong lumayo ka na sa kanya dahil mas sasaktan ka lang niya, pero hindi ka nakinig sa akin." Tynnie said in-between sobs.

Runaway PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon