Chapter Twenty One

611 5 2
                                    

Chapter Twenty One ~

Nahuli ko ang sarili na nakangiti. Anong meron? Kagigising ko pa lang pero parang ang saya-saya ko ata. Siguro may magandang mangyayari ngayon. 

Tumayo na ako sa aking kama at inayos na rin ito. Dumaretso ako sa banyo para maghilamos at sipilyo. Pagkalabas ko, saka ko lang narealized na nasa kwarto pala ako. T-teka, paanong .. Di ba nasa Enchanted Kingdom kami kagabi? Sinong nagdala sa akin dito?

What I only remember is that, I was on his back. Hinatid kaya ako ni Tyler? Napangiti na lang ako sa bigla kong naisip.

Bumaba na ako para mag almusal. Nasa hagdan pa lamang ako ay naririnig ko na ang malakas na tawa ni Mama. Ang aga naman ata ng bisita niya. Pinagpatuloy ko ang aking pagbaba. Dahan-dahan lang para hindi nila ako mapansin. Pero siguro tanga talaga ako, nagsala yung isa kong paa kasi nga nakasilip ako sa may sala. 

Nalaglag ako at ang sakit ng pwet ko. Tumalbog-talbog ako na parang bola. Agad na lumapit sa akin ang dalawang lalaki. Inalalayan nila akong makatayo. Shem, Tyler?  Ba't sila nandito?

 "Okay ka lang ba?" sabay nilang tanong habang hawak ang magkabila kong kamay. 

Napatingin naman ako kay Mama, napakalapad ang ngiti nito at hindi ako natutuwa doon. Alam ko kung anong ibig niyang sabihin. -___-"

Inalalayan ako ng dalawa na makaupo sa may couch. Hindi na ako nakaangal kasi nagtataka pa rin ako kung bakit sila nandito. Nang makaupo ako ay tsaka ako naglakas-loob na magtanong, "What makes you here?"

"Gusto ko lang masigurado kung inuwi ka ng maayos ng kasama mo"  sagot ni Shem na para bang nagpaparinig siya kay Tyler. 

" .. and she's okay. You're now free to go home."  sabat naman ni Tyler na parang naghahamon pa.

Kumunot naman ang noo ko sa mga narinig. 

"Napakalamig ng panahon pero ang init ng mga ulo niyo"  Mama said, sounded disappointed. "Teka, kukuha lang ako ng maiinom." 

Pagkaalis ni Mama ay tinaasan ko ng kilay ang dalawa. "May problema ba kayong dalawa?"

"Wala!"  mabilis nilang sagot. Hindi naman ako convinced sa sinabi nila.

"Ano yang hawak mo?"  tanong ko kay Shem nang mapansin ko ang hawak niyang parang invitation letter. 

"Invitation letter."

"W-wait!" napatingin kami kay Tyler. "Sorry Aria, I really have to go. May nakalimutan lang ako" at dali-dali na itong lumabas. Anong problema non? Nakita ko namang napangiti si Shem nang umalis ito. Mayroon ba akong hindi nalalaman?

"Ano nga ulit ito?" tanong ko.

"18th birthday ng kapatid ko. Gusto ka niyang makita."

"Bakit? Kilala ba niya ako?"

"Nababanggit lang kita, minsan."  sabi niya.

Dumating na si Mama at may dala itong tinapay at juice. 

"Nasaan na si Tyler?" tanong ni Mama at inilapag ang dala nito.

"May nakalimutan daw."

"Sayang, gusto ko pa naman makipagkwentuhan sa kaniya. He's really funny."

Napatingin ako kay Shem at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Nagseselos ba siya? Napailing ako. Ba't naman siya magseselos. We're just friends!

"Ma!" pagpigil ko kay Mama, gustung gusto na talaga niya si Tyler kahit dati pa. 

"What? He already said that he's single. Wala ka nang dapat ipag-alala."

"Mama naman eh!" 

Hindi ko alam na sinabi ni Tyler kay Mama na wala na siyang girlfriend. Yun kasi ang pagkakaalam ni Mama noon eh. Kaya pala ang saya niya nang malamang wala na itong girflriend. Jusko, wag lang sana niyang maririnig kina Tita Tess na kami ni Tyler kahit hindi.

Runaway PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon