Chapter Seven

769 10 1
                                        

Chapter Seven ~

Nasa Boutique ako ngayon. Pinapunta ako ni Mama para magsupervise for the mean time Magpapahinga muna raw sya sa bahay. Haaays. Akala ko pa naman makakaligtas na ako katulad nang kahapon.

Maliit lang naman dati ang boutique na'to. Pero dahil na rin sa mataas na demand mula sa customer ay napa-expand agad namin ito in just one year. At ngayon, nagbabalak na si Mama at Tita na magtayo ng ibang branch.

Ang mga products namin dito ay puro handmade. Mga bag na gawa sa mga shells, abaca at iba't iba pang materials. Mayroon din kami ditong mga hats, pamaypay, accessories, figurines at kung anu-ano pa. Pero ang best selling product talaga namin dito ay ang mga cross stitch na si Mama mismo ang gumagawa. May mga ready-made na at mayroon din namang personalized.

May mini sala ang buotique namin at nandito ako ngayon, nagkakape habang nakatingin sa glass wall. Medyo maaga pa kaya wala pa masyadong customer. Pagkatapos kong uminom ng kape tumayo ako at nag ikot-ikot para pagmasdan ang mga produkto namin.

Hindi ko akalain na ang hobby ni Mama ay magiging daan para sa business na ito.

"How much is this?" napalingon ako.  Isang babae na nakaloose shirt and mini maong short ang bumungad sa akin. She looks familiar!

"P1,430. 00 Ma'am." sagot ko sa kanya at biglang "Waaaahh!" napasigaw ako nang biglang may pumulupot sa paa ko.

"What are you doing, Lala!" sigaw ng babae at doon ko lang napansin ang aso na kasama niya. Agad niya itong binuhat.  "I'm really sorry for that." sabi nya.

Napangiti naman ako nang makita ang Shihtzu! Napaka-cute!

Bigla na lang umilaw ang bumbilya sa ulo ko at naalalang siya yung babaeng nakita ko noon! At ito nga yung Shihtzu na pinag-iinteresan ko. Hahaha. Bigla na lang akong napangiti. Haha. Sumunod lang ako dun sa babae at napatigil ako nang biglang dumating si Tyler at lalapitan nya yung babae.

"What ha -- " napatigil siya ng makita ako.

"Si Lala kasi, nanggulat!" sumbong nito kay Tyler. "By the way, I already found something!"

Tinuro niya ang bag na tinanong niya sa akin kanina.

"Georgous, right?" nakangiting sabi nito kay Tyler.

Teka, sino ba siya? Bigla akong napangiwi nang maisip na baka siya ang girlfriend ni Tyler.

"You're girlfriend is right,Tyler. Bagay nga sa suot nya yung bag." napilitan kong sabi.

"Excuse me?" pagtataray sa akin ng babae. May mali ba sa sinabi ko?

"Aria, she's not my gf!" singhal ni Tyler.

Tinitigan ko silang dalawa. At doon ko lang napagtanto na --

"Hahaha!" tumawa ang babae. "I really can't believe this!"

"Kapatid ko siya." sabi ni Tyler.

"Twin sister to bs exact!" nangingiting sabi pa ng babae.

"Ahhh." sabay iwas ng tingin sa kanila. Parang gusto ko nang mabaon sa lupa sa sobrang kahihiyan! Ang tanga ko naman para hindi mapansin yun!

"May iba pa ba kayong product?" tanong ni Tyler.

"Why? You don't like this? This is so pretty!" pagmamaktol ng kapatid nya.

"Marami nang ganyan si Ritsu." sabi pa ni Tyler.

Ritsu? So yung Ritsu ang girlfriend nya?

"Sayang naman!" nalulungkot na sabi ng kapatid ni Tyler. "Uhmm. Do you still have something here for monthsary gift?"

Runaway PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon