Chapter Seventeen ~
TYLER's POV
Nagising na lang ako nang nakangiti. I don't know where that smile came from pero alam ko, masaya ako. After that night on Aria's house, kinaumagahan ay sumama na sa akin pauwi si Tynnie. I'm really happy that she's now back! Okay na kami and it was because of Aria.
I really thank Aria for everyting. Noong una ay parang binabalewala ko lang ang mga ginagawa niya pero even those simple act that she do, malaki pala ang naitulong noon sa akin. If it wasn't because of Aria, malamang ay namatay na ako sa pag-aaalala sa kapatid ko. It it wasn't because of her, baka sumuko na lang ako sa buhay. Because of Aria, I realized that you should not be drowned in pain and sadness kasi may mga tao sa paligid mo na mas masasaktan kung magiging malungkot ka. Kaya stand up! Move on!
"Kuya, pwede bang daaanan muna natin si Aria sa bahay nila? Gusto ko kasing sabay-sabay tayong pumasok."
Ngumiti ako sa kanya. "No problem."
"B-bakit kayo nandito?" nagtatakang tanong ni Aria.
"Sinusundo ka! Sumabay ka na sa amin." mukhang hindi pa papayag si Aria kaya naman hinila na kaagad ito ni Tynnie. Ang kulit eh! "Ikaw talaga, tatanggi pa!"
Ang ingay sa kotse, kwentuhang kwentuhan ang dalawa habang ako ay napapangiti na lang. Iba talaga ang dala ni Aria, naiisip ko tuloy, paano na lang kung hindi namin siya nakilala? Ano na lang kaya ang mangyayari sa amin ni Tynnie? Lalong lalo na sa akin.
"Ooops, sayang nandito na ako sa school. Bye for now Aria, see you later. Goodluck sa play niyo" at niyakap niya ito.
Kami na lang ang natira ngayon ni Aria. Nagkatinginan muna kami sa Rear mirror, nag-iintayan kung sinong unang ngingiti at ako na nga ang nauna pagkatapos ay ngumiti na rin siya.
"Thank you, Aria." sabi ko sa kaniya.
"For what?"
"For making us, happy."
Bigla siyang natawa. "Wala pa nga akong nagagawa."
"Haha. Paano pala kaya kung may gawin ka na?"
Nagtawanan kaming dalawa. Bigla kong hinawakan ang kamay niya na siya namang ikinagulat ko. "Just stay beside us, Aria." bulong ko.
ARIA's POV
Hindi pa rin ako nakakaget over sa sinabi ni Tyler. Kulang na lang sabihin niya sa akin, Just stay beside me Aria. Kinikilig ako! Kinikilig talaga ako ng bonggang bongga! Kahit naman hindi niya yun sabihin ay gagawin ko pa rin yun.
Last minute call for our last practice. Mamaya na kasi ang contest, lahat kami tensyunado. Nanginginig na nga ako e!
Lumapit sa amin si Charrie, hinawakan niya kami sa balikat ni Tyler. "Wag kayong kakabahan ha, isipin niyo na lang na kayo talaga yung mga characters,"
Tumango lang kami at nagsimula na ang practice. Pero shete! Sobrang kinakabahan ako kaya putol-putol ang mga salita ko.
"GOD, ARIA! NAKIKITA KO NA ANG PAGKATALO NATIN!" sigaw ni Valerie. Pagkatapos ay nag walk out na siya.
"Sorry guys." sabi ko na lang sa iba kong kaklase.
Ilang minutes na lang ay magsisimula na ang contest. Hindi ako mapakali. At ang mas nagpapakaba sa akin ay baka kami ang unang magpresent. Ngayon pa lang kasi namin malalaman ang sequence.
"For our first presentor, Group number 1, representatives from III-A and IV-B." at mas lalo akong kinabahan ngayon. Namamanhid na nga ako sa sobrang kaba.

BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Teen FictionIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?