Beautiful talaga ako kahit ano ang sabihin nila. Kasi Beautiful naman talaga ako. Kasi ang pangalan ko ay Beautiful Lady P. (Punzalan) Anggara.
Corny pangalan ko? Siguro para sa inyo, pero, para sa akin.. Maganda ang pangalan ko.
At gusto ko 'yan kasi mudra ko mismo ang nagpangalan sa akin niyan.
Hi, people of the universe! Beautiful Lady is the name. Beauty ang nickname ko. 16. Nakatira sa Jackie's Salon. (Well, hindi naman sa salon mismo.. I mean sa taas.)
Mudra ko ang may ari ng salon. Si Mudra Jackie.
Hindi ko siya tunay na mommy.. Pero, siya ang nagpalaki sa akin. And, yep. Bakla po ang mommy Jackie ko. Mudra talaga ang tawag ko sa kanya.
Laki ako sa salon na 'to. Tumulong sa pagpapalaki sa akin ang mga beloved ninangs ko na sila Ninang Faye, Ninang Lotlot, Ninang Madonna, Ninang Nina, at Ninang Sheryl. Mga baklush rin sila. Pero, love ko rin sila!
'Yong tunay ko na magulang... According to my mudra, ang tunay ko raw na nanay ay kaibigan niya dati. Umm.. Namatay raw sa pagpapanganak sa akin.. Tatay ko? Hindi kilala. Nabuntis lang raw 'yon, eh. Mga kamag anak ko? Aba'y ewan.. Naglayas raw kasi ang tunay kong nanay, at hindi kilala ni mudra. Kaya siya ang kumuha sa akin.
Pinalaki niya ako ng mabuti. Masaya ang childhood ko, hanggang ngayon pa nga, eh. I love my mudra, she loves me, and mga ninang ko rin!
Mag 4th year highschool nga pala ako sa Green Oak's Highschool. Isa siyang private school, na ubod ng ganda. Mayaman ba kami? No.
May salon si Mudra Jackie. And never matumal ang business niya, kaya afford naman niya. Unica hija naman ako, eh. Hahahahahaha! Pero, hindi po ako spoiled. Nagpapakapractical kasi kami para sa college ko. Marami lang talagang nagmamahal sa aking mga customers ni Mudra kaya ang dami kong damit na regalo nila, at syempre alaga ang kutis, buhok, at lahat lahat sa katawan ko sa salon. (Hindi na masama, davah?!) So, bottom line natin ay hindi ako SPOILED.. Pampered langss!
Ay, teka, ang daldal daldal ko naman. Back to reality muna mga sisterakas, and braderets!
Nagluluto kasi ako ngayon ng Miswa dito sa Safe Haven. (Pinangalanan ni Ninang Nina 'tong bahay namin sa taas ng salon, eh. Daming eklavoo, 'di ba?)
Naisipan ko lang kasi magluto.. Pagod na rin kasi 'yong mga 'yon sa dulo ng araw kaya nagkusa na ako. (Dito rin pala nakatira kasama namin ni Mudra sila Ninang Nina, at Ninang Lotlot. May sari sarili namang mga balurs 'yong iba kong mga ninang, pero dito talaga ang almusal, tanghalian, at hapunan sa Safe Haven.)
Okay, okay! Tama ng daldal. Oras ng ilagay ko ang hiniwang patola sa...
"Ay, beh! Bakit ka nagluluto?!" si Ninang Madonna 'yon, ang hitsura ay parang gulat na gulat.
"Wala lang po. Para hindi na po kayo magluluto mamaya." bait ko ano? HAHAHA.
"Nakuuu! Kami na diyan, beh! Masira pa 'yang mga kamay mo ano." pinatay ni Ninang Madonna 'yong kalan no'n, at pumunta sa ref.
"Wala po kayong customer sa baba?" tanong ko. "Meron, kaso nilagay ko muna sa *pugon 'yong si Maduur *Thundercats para makainom ako ng tubig."
(BEKI GUIDE: *Pugon= Hot oil / Thundercat(s)= Matanda)
"Ah, kk po." KK. Parang text lang ano? Anyways, highways, pumunta na lang ako sa room ko. Wala rin namang kwenta kung magrereklamo pa ako. Eh sa ayaw nilang paglutuin ako kasi kesho baka mabuhusan raw ako ng mantika which will cost a lot daw kapag ipaopera namin para ibalik ang balat ko sa tunay nitong ganda, and etcetera.. Basta, sundin na lang ang payo ni inay. Hayy.
Kinuha ko 'yong tagalog na pocketbook ko (Precious hearts, teh!) sa may tokador ko, at nahiga sa kama. Ang ganda lang ng story na binabasa ko, eh. Kilig to the bones! Nasa kalagitnaan na part na nga ako, eh. Basa basa lang ang drama ko ngayon ng!!!!!!!
*You are beautiful in every single way,'cause words can't bring you down..*
O teks.. Ringtone ko 'yon... Dali dali ko namang dinampot ang cellphone ko na de-fold pa rin (Hindi kasi updated ang mga gadgets ko, eh. Hehe..) , at tinignan kung sino ang tumatawag..
Ooh.. Si bes pala. Ano naman kaya ang drama sa life nito at talagang tumatawag pa? Hindi ba pwedeng text na lang?
"Haller, bes? Langhiya ka talaga alam mo 'yon? Pangalandakan pa talagang saksakan kayo ng yaman, eh 'no at may patawag tawag effects ka pa diyan." mainit kong pagbati sa kanya.
Rinig kong humalakhak siya sa kabilang linya, "Sira ka talaga, bes! Kaya ako tumatawag 'cause I need you to make sama sama sa pawelcome back party ni Mother dear sa nagbabalik loob, este nagbabalik bansa kong kuya."
Balik loob? Ano 'yon, isang beses nagrebelde sa kapatiran? Gagita rin magjoke 'tong si bes, eh.
"Kailan ba 'yan, bes?"
"Tomorrow. I'll make sundo sa'yo bukas, okay? And, do wear something nice, okay? 'Yong pamatay na attire. You know, in english, dress to kill." naku, kahit walang saplot pa akong dumalo do'n, nakakamatay na agad ang ganda ko. HEHEHE. Joke. Ang kapal lang ano?
"Okay, para makita ko na kung ano na ang hitsura ni kuya London. Kung gusgusin pa rin ba siya tulad ng huli kong naaalala." natatawa kong biro.
"Hmmp! You'll make sisi talaga when you see him na. As in.. Basta, you have to see him! Anyways, ciao na muna, bes! Luurrve ya! Xoxo." at ayun, naghang up na ang bruha.
Best friend ko nga pala 'yon, si Jamaica a.k.a Jam. Bunsong anak ng Delgado family. Mayaman, at halatang halata naman sa pagkaconyo niya magsalita na maarte siya. Pero, mabait naman 'yon.. Well, sa akin! Hehe.. Medyo may pagkastariray kasi 'yon sa iba. Galit sa mga mas maganda sa kanya 'yon, eh! Buti na lang ako, kasing hanay niya lang. Kaya pak na pak kami, eh!
JOKE. Mas maganda ako do'n! (HAHAHA. Pasensya na kayo, 'yong isang katauhan ko 'yan.. 'Yong makapal ang mukha.)
Paano nga ba naging mag best friends ang anak mayaman na tulad niya, at ako na hamak na anak ng parlorista lang? Matagal na kasing customer ni Mudra ang Mother dear ni bes Jam. Hindi pa nga ako pinapanganak, eh. Tapos, ayun.. Hanggang sa pinanganak nga ako, pinanganak rin si Jam, kaya tuwing pupunta ang mudra niya kasama siya at ang kuya niya na si London which is 3 years matanda sa amin. Kaya ayun, naging magkalaro laro kami, at naging magkakaibigan.
Umalis lang kasi si kuya London no'ng 2nd year highschool siya, at sumama sa Father dear nila sa US of A. At ayun, matapos ang ilang mga taon, nagbabalik nga. Dito na raw magpapatuloy magcollege at namimiss na raw ang Pilipinas. Nakuuu! Ano na kayang hitsura no'n? Nakakaexcite naman!