BEAUTY'S POV
Nakaputing tuxedo si Romeo, at... Nasa garden kami na maraming flowers, at may table for two?!
"Ui, Kapre.. Ano na naman 'tong pakulo mo?" napatingin ako sa suot ko.. NAKABISTIDA AKO! Nakabistida akong floral na pink. "Beauty." lumapit siya sa akin, at sinabitan ako ng Yellow Bell sa tenga ko. WOAH! Alam na niya ang favorite flower ko?!
"Beauty... Mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal rin kita."
"What?" wahhhh! Napaupo ako, at.. SHETE! Nananaginip pala ako! At umaga na, at.. Nandito si Romeo sa kwarto ko, at.. SINABI KO 'YON! WAHHHHHHHH!
"Anong sabi mo?" nakatawang tanong ulit ni Romeo. Omigosh.. Ano ang ginagawa niya dito?!
"Hoy, anong ginagawa mo dito?! Bakit ka nandito sa kwarto ko, ha?! Panaginip pa rin ba ito?!" napatakip ako sa dibdib ko no'n ng kumot. Nakamanipis na sleeping gown lang kaya ako, excuse me!
Napatingin si Romeo sa pagtakip ko ng kumot, at ayun, namula na. TSK. "Umm.. HAHA. Hindi panaginip 'to, ungas." parang kinakabahan niyang wika sa akin. "Ano.. Uh.. Pumunta ka na sa kusina kapag nakabihis ka na. Nagluto ng almusal Mudra mo." matulin siyang lumabas ng kwarto ko, at naiwan akong nakanganga dito.
SHETS!! AWKWARD! Nananaginip pala ako kanina, and worse is.. Narinig niya 'yong sinabi ko! HUHUHUHU.. Pero, hindi naman niya alam kung sino ang napanaginipan ko, eh. :P
Makapagbihis na nga lang muna, at ng makakain na. Nagsuot lang ako ng T-shirt na Pikachu, at jogging pants, naghilamos, at napatingin ako sa orasan dito sa kwarto.. 9 AM pa lang, ah? Bakit nandito na kaagad 'tong si Kapre?
Pumunta na ako sa kusina, at kumakaing KAPRE ang tumambad sa akin. Kumakain siya ng niluto ni Mudra na tuyo, sinangag, at sunny side up egg! :O At.. Nagkakape pa siya!
"Ui. Kain na." aba.. May nakahanda ng plato for me, kutsara't tinidor, at kape. "Kumakain ka ng ganyan?" tanong ko, halata ang gulat malamang sa boses ko. Tumango siya. "Sarap kaya. Kain na!"
Aba.. Nice, ah. Akala ko hindi nakain ng ganyan 'tong si Kapre. Naupo ako no'n, kumuha ng pagkain ko, at napatulala lang sa kanya. Hayy.. Naiimagine ko na siya kapag mga nasa 30 years old na siya. Siguro magpapaluto siya ng ganyan sa future wife niya.. :( Ang swerte ng mapapangasawa niya.. Ay, naku! Anong pag eemote ito?! Erase erase! Umagang umaga, nag eemote ako.
"Kumain ka na, at aalis tayo." nabalik ako sa realidad no'ng sinabi niya 'yon. "Eh?!"
"Oo, aalis tayo. Kaya nga nandito ako, eh." "Eh ang aga aga pa, ah. Saan ba tayo pupunta?"
"Basta ubusin mo na 'yan." ngumiti siya sa'kin, at kumuha na naman ng take two. Takaw, ah. "Nauna na kumain si Mamu Jackie, at mga ninang mo. Nasa baba na sila. Dami palang customer kapag sabado ano?" ah oo nga pala! May project kaming gagawin sa bahay niya ngayon! Pero.. Ang aga naman masyado nito?! Usapan kaya ay 3. "Saan ba kasi tayo pupunta?" kumakain na rin ako no'ng tinanong ko 'yon. "Ubusin mo 'yang pagkain mo." ang tangi niyang sinabi.
Matapos ko kumain, hugasan ang pinagkainan namin, at magsepilyo, hinila na ako ni Kapre. "Teka naman! 'Yong cell phone ko pa, at saka baka pwede akong mag tsinelas ano?" irapan ba naman ako? Kalalaking tao, nang iirap?! Langya!
Matapos ko kunin ang cp ko, at makapag tsinelas, ay bumaba na kami. Ang dami ngang tao sa salon. Busy sila Mudra, pero, lahat ng tao ngayon dito nakatingin sa amin ni Kaps. "Aba, 'yan ba ang bagong boy friend ni Beauty?" tanong ni Aling Miranda, suki ni Mudra na kasalukuyang minamanicure niya. "Ay, oo, mare. Si Romeo, ang future son in law ko."