BEAUTY'S POV
Pagkaalis na pagkaalis ni Kapre ay umakyat ako sa kwarto ko. Today was.. Today was a fairytale. HEHE. ="> Lubos akong napasaya ng boyfriend kong cheesy. :3
Sinunod ko ang sinabi niya. Binasa ko na muna 'yong mga letters sa akin ng mga classmates/friends ko. Natouch naman ako kasi talagang naalala rin nila ang special day ko. Matapos ko mabasa 'yong mga sulat nila, kinuha ko na ang pink na envelope na naglalaman ng sulat ni Kapre para sa akin. Masyadong mabilis 'yong pintig ng puso ko habang binubuksan ang sulat. (Excited ba naman, eh.) At kinuha ko na rin sa tukador 'yong cookies na siya pa mismo ang nagbake. Ang cute nga, eh! Rainbow. (*O*) Hehe, wait.. Picturan ko nga muna, hehe.
Pinicturan ko muna lahat ng bigay ni Kapre sa akin.. 'Yong letter, cookies, stuffed toy, yellow bells, Dvd, kahit 'yong can ng tuna, at box ng posporo. XD Next time ko na iuupload sa instagram ketch. (A/n: Asensado! May instagram na amp!) For now, babasahin ko na muna 'yong letter niya.. Habang nginangata ang cookies na binake niya for me. :'3
Dear Bubwit,
Happy heart's and happy birthday to you! Sana sinunod mo yung sinabi ko na basahin to kapag wala na ako. :) Hihiya kasi ako kapag binasa mo to sa harap ko kasi ang baduy ko eh hehehe!
This day is special to me as it is to you.. all because pinanganak ka ng araw na to. Pinanganak sa araw na to ang babaeng mamahalin ko forever. Grabe noh? Napaka unexpected.. Twist of fate talaga tong nangyari satin, Bubwit. Akalain mong tayo na nagsimula sa pagbabangayan, ay dito ang uwi. Heto at nagsusulat pa ako ng makabagbag damdaming love letter sayo. :D
I thank God for bringing you into my life. I also would like to thank your MUDRA for raising you into the girl that you are now. (My thanks also goes to your fairy god mothers, lol)
Thanks also sa tunay mong mommy dahil pinanganak ka niya na maganda, sintunado, hanep sumayaw (grr) at matakaw. But it's you I want to thank most for loving me. Thank you for loving me for ME. For seeing what's inside, and hindi lang ang panlabas ko na kagwapuhan. (Although alam ko naman na patay na patay ka na saking mala adonis na physique nung una pa lang tayong nagmeet.) ;D
Tinanong mo ako kung kailan ko narealize na mahal na kita. Lemme tell you something.. Narealize ko ngayon lang na sinusulat ko to na nahumaling na ako sayo nung una nating pagkikita pa lang.. nung nabangga kita, at naka silver ka na damit. (Oh! Naaalala ko pa :P)
Mabilis ang tibok ng puso ko nung nakita kong nakaupo ka sa classroom nung first day. (Maniwala ka sa hindi!) Nung naglilinis tayo ng cr, nung nagpunta tayo ng Pearly White, nung nakita ko profile picture mo (Hahahaha.. lagi na lang nasisingit yan.) , yung nagpapanggap tayo na mag bf/gf tayo (Deep inside wish ko totoo yun and now..!) nung hinalikan kita sa football field (first kiss natin), nung nasa mall tayo nila Juliet, nung binigyan mo ko ng isaw, nung pinakilala kita sa parents ko.. at basta marami pa. (Tinatamad na ako. Hahaha! Joke)
So para isummarize: You have captured my heart ever since day 1.
At ngayon, hinding hinding hindi ako magsasawa na sabihin sayo to.. I love you. I love you, I love you, I love you, I love you. Ikaw ang pinakaunang babae na gumanito sakin you know. (You unman me.) And ikaw na ang last na gaganito sakin. Kasi I plan on having you forever.
Sana hindi ka magsawa sa kacornyhan ko.. Sana hindi mo ko pagsawaan kahit kailan.
Yun lang.
Passionately Yours,
Kapre
(TToTT) (TT___TT)
HUHUHUHUHUHUHU. Ang putsa.. Parang semento 'tong binake ni Kapre na cookies. </3 HUHUHUHU. Sakit sa ngipin. :'(((((((
Pero, HAHAHA. XD Naiyak rin naman ako sa letter. :'3 Ano ba 'tong Kapre na 'to.. Ginawa na akong sissy. Nakakaemote, ah. HAHAHAHA.
(A/n: Nakatulog si Beauty na yakap 'yong sulat ni Romeo, at masakit ang mga ngipin.)
____
February 15 today. Prom namin. Pero, hindi kami umattend ni Kapre. Huehuehue. :3 Nag homecoming na nga kami, prom pa? Kaya nagspend na lang kami ng time together na kami lang. (Ay, kasama pala si Juliet, HAHAHA.)
Dinala namin si kyooot na bata sa Manila Zoo, at nagpicture picture, at tumingin ng iba't ibang animals. Enjoy nga, eh. Parang mas nag enjoy pa ako sa kanila, hahaha! And once again, napagkamalan na naman kami ni Kapre na parents ni Juliet. ENEBE. ="> Kapag kasama ko talaga si Kapre, napagtitinginan kami, eh. (Artista lang! WEHHHHH.)
And 'yong isang fun part pa, eh 'yong gusto ni Juliet ng ice cream, tapos siya mismo ang pinabili ni Kapre do'n sa mama. IN TAGALOG. HAHAHHA. Laftrip kami ni Romeo kasi halos mag nosebleed si Manong ice cream no'ng kinausap ni Juliet. Mapatagalog, or english kasi ng batang 'yon, eh nakakanosebleed. XD
Kaya ayun, medyo tinuruturuan namin ni Kapre magtagalog no'ng kumakain kami ng ice cream. HANGKYOOT nga kasi bulol siya magtagalog, and napapahagikgik kapag nahihirapan siya magpronounce. :3
FAST FORWARD>>>
Lumipas ang isang bwan.. March na malamang! HAHAH. >:D< Natapos na kaming lahat magtake ng final exmas. Magchecheck check na lang kami, at maghihintay ng results, at syempre ang graduation practice namin, pati ang graduation, tapos bakasyon na!!!!! Tapos.. College na kami!!!! Grabe, ang bilis! Sobraaaaaa.
Okay, isa pang Fast Forward>>>>>>
Nakuha na ang results! SHETTTTT! Gagraduate akong WITH HONORS! HAHAHAHHA. OMAIIGULAYY! >:D< (Okay lang kahit WITH HONORS lang.) At kahit walang honor si Kaprelicious ko, athlete of the year naman siya. (NUXX!)
Bakasyon na ang freshmen, sophomore, at junior students. Kami na lang ang pumapasok everyday para magpractice para sa graduation namin.
9 am to 12 pm ang iniispend namin sa iskulembang ketch. (Namimiss ko na kaagad ang school na ituu, ha. </3)
Pagkatapos ng practice, either gagala kami ni Kapre, o pupunta sa bahay ng isa't isa at magbabond. Today ay gala naming magkakaibigan, ako, siya, si Jam, Kaizer, Paloma, Brix, Nelson, at Patrick. Nandito kami sa mall today. Pero, parang may something kay Kapre ngayon, ah.. Parang ang tamlay. Hindi siya malamig sa akin. Panay hawak nga sa kamay ko, eh, at tingin na malagkit, pero, ang tahimik niya, at matamlay. No'ng napagod na kaming lahat sa gala, arcade, kain, at kwentuhan, ay nagsiuwian na kami.
No'ng nasa kotse na kami ni Kapre, nakayakap lang siya sa akin. Tahimik. Nag aalala na ako, ah. Hinagod ko ang buhok niya sa noo, at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Bakit?"
"Ha? Anong bakit?" "Bakit kanina ka pa tahimik? Bakit parang wala ka sa wisyo?"
Nagkibit balikat siya, "I don't know." tapos yumakap na naman sa akin.
Magtatanong pa sana ako ulit sa kanya, pero, pinikit na niya ang mga mata niya habang nakayakap sa akin. Siguro masama ang pakiramdam.. Siguro nahihilo, or naaantok.. Osha siya.. Kiniss ko siya sa noo, at humilig na lang din sa kanya.
Hindi ko napansin na nakatulog na rin pala ako, tsk! Napansin ko lang no'ng tumigil na ang kotse. "Ma'am, nandito na tayo." ani kuya Fernan. Napabalikwas kami ng marahan ni Kapre, at dahil naalimpungatan nga ako, bigla akong bumaba. Natigilan lang ako no'ng tinawag ako ni Kapre.
AY, hindi nga pala ako nakapag babay, hehehe!
"Ay, sorry. Naalimpungatan kasi ako, eh." lumakad ako pabalik hanggang sa nasa tapat na ako ng bintana ng kotse. Nilabas niya ang ulo niya sa bintana, at kiniss ako sa noo. "I love you."
Napatingin ako sa mukha niya, at hindi ko alam kung anong meron.. Something is off. "Okay ka lang?" tanong ko. Tumango lang siya. Hayy. Nag aalala na ako, ah.
"Sige, see you bukas." wika ko sa kanya, kiniss ko siya sa tip ng ilong niya. "I love you, too." dagdag ko pa. Kumaway ako sa kanya no'n, at siya rin. Umandar na paalis ang kotse niya.