Chapter 19: Drama, drama, and more drama.

34 1 0
                                    

BEAUTY'S POV

Tama nga ako. Kalat na kalat na nga sa school ang pagkiss namin ni Kapre. -____-

Well, hindi naman lahat siguro. Pero, 'yong mga kakilala ko iba ang tingin sa akin, eh. Kahit nga 'yong iba na hindi ko naman kilala. Hayyyy. Ang balita, sa iskulembang na itey, parang kisses lang, nanganganak kasi, eh! (A/n: Kisses 'yong parang nanganganak na something na laruan. HEHE.)

At ang nakakabwiset pa, 'yong mga kaclose kong mga kaibigan, ang lalakas mangantyaw! Makaasar naman WAGAS! Lalong lalo na si Jam. Kaloka! Hindi nga ako pinapansin ni Kapre, tapos kilig kilig factor pa siya diyan. Hmmmf!

And, yeah. Mga ilang araw na ang lumilipas, pero no imik si Kapre sa akin. As in nanahimik nga siya bigla, at parang naging bugnutin na ewan. Lakas talaga ng amats no'n. Hayz.

Hinahatid sundo niya pa rin ako. Kaya nga lang, walang imikan kami sa kotse. Nakaearphones lang siya at natutulog, ako naman nakikipag usap na lang kay kuya Fernan. Sa harap na nga rin ako umuupo kasi naiilang yata siyang katabi ako. :\

Bakit kaya siya naging gano'n? Wala naman akong ginawa sa kanya, ah. Kung tutuusin nga siya ang may atraso sa akin, eh. Tsk!

Basta, gano'n lang kami ng gano'n. Hindi naman nagsususpetsa ang mga nasa school na hindi kami on speaking terms ni Kapre kasi plastican talaga kami sa harapan ng mga tao. Kunwari nag uusap kami pero ang pinaguusapan lang naman namin talaga ay 'yong mga tinalakay namin sa Economics. Awkward na nga, eh.

Isang linggo na nga pala ang lumipas. Gano'n lang kami ng gano'n. Naku, kakausapin ko na 'to talaga mamaya. Mamaya ka lang uwian sa akin, dedbols ka.

"Anggara." tinawag ako ni Ma'am Napoleon, Filipino teacher namin, na kakapasok lang ng room. Hala. Ano na naman ang ginawa ko?

"Bakit po, ma'am?" halatang may kaba kong tanong sa kanya. "Hanap ka ni Jean Rico. Head ng football cheer squad. Report to the gym raw. May practice na yata kayo." natatawa tawa pa si Ma'am no'ng sinabi niya 'yon sa akin. HAHA. Mukhang tanga naman kasi ako. Guilty kaagad ang mukha at boses. Nagtawanan ang buong klase, hinay payb ko 'yong mga nadaanan ko, at sumigaw ng "Go, Beauty!" halos lahat sila. Except si ano siguro.. si.. Never mind.

ROMEO'S POV

Ang boring talaga ng Filipino subject. Wala na akong ibang ginawa dito kundi humikab, eh. Alam ko na, lalabas na lang ako. Nagpaalam ako kay Ma'am Napoleon no'n. Tumango lang naman siya palibhasa kasi busy kakakwento ng love life niya no'ng highschool siya sa mga kaklase ko na obvious namang hinahayaan lang siyang dumaldal para maubos ang time.

Well, anyway.. Umm.. Ano ang gagawin ko dito sa labas? Hindi naman ako najijingle, eh. Umm, gagala na lang ako. Maganda siguro sa gym maglakad lakad ano? Ui, ha. Ngayon pa lang nililinaw ko na, hindi si Beauty ang sadya ko, ah. (A/n: WEH? Wala naman kaming sinasabi, ah. Defensib!!)

Wala lang. Maglalakad lang ako do'n paikot ikot. Exercise rin 'to ano.

Lakad lakad ako papuntang gym no'n. Naririnig ko na 'yong pinapatugtog. Lakas, ah. Rinig kaya hanggang sa classroom? Pagkaapak ko sa gym, ay.. Hehe. Wala lang. Akala niyo hinahanap ko siya ano? No, ah. Basta napansin ko lang na wala pa siya. NAPANSIN ko lang, sus naman.

"Oh my gosh! 'Yong boyfriend ni ate Beauty!" sigaw ng mukhang freshman pa yata 'yon na nasa cheer squad rin. Naks! Kilala nila ako, ah. WOAH. Mukhang kilala nila akong lahat! Lahat sila nakatingin sa akin, at nakangiti na ewan. Iba iba sila ng suot. May kanya kanyang get up pala sila sa practice, ah? An kaya suot ni... "Hi!" sumulpot sa harapan ko ang isang babaeng naka jogging pants na black na loose, at spaghetti top na gray. "Hello." bati ko sa kanya.

Miss BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon