BEAUTY'S POV
So back to asaran na naman kami ni Kapre. Dating gawi. Bangayan na naman kami ng bangayan, and as usual nagkakapikunan na naman.
Pasalamat siya at ang cute cute ng kapatid niya, ah. Kung hindi dahil kay Juliet, baka matagal ko pa siyang pinahirapan para makuha ang matamis kong OO. (Joke lang! Ang I FORGIVE YOU ko .)
Hindi ko pinost sa FB ko ang picture naming tatlo. (Kahit kating kati ako na ipagyabang sa mga FB friends ko na may kasama akong cute na mukhang manika na bata sa picture.)
Wala lang.. Gusto kong for my eyes na lang. ;-) Screensaver ko nga sa cp ko ngayon, eh. (Pero, syempre hindi alam ni Kapre ituu, hehe.)
Kakatapos lang ng second quarter exams namin last week. (Bilis ano?) Kaya malamang mag checheck lang kami ngayon ng mga test papers at hindi magkaklase. (YAHOO!) Kaya naman ang saya saya kong pumasok ngayon. Talagang ang aga aga, at ang gaan ng feeling. (Hindi ko lang sure kung naipasa ko ang Trigo for this quarter.. Nakakadugo utak, eh!)
Maaga aga rin pumasok si Paloma ngayon kaya heto't magkadaldalan kami habang hindi pa naman nagbebell, at wala pa ang adviser namin. Nagchikahan kami about sa nalalapit na laban ng school namin.
"Two weeks more, 'di ba? Naku, BL! Sana manalo sila boyfriend mo!"
"I wish."
"I wish na ano? Na manalo sila Romeo, or totoong boyfriend mo na lang talaga siya?" naku, itong si Paloma, oo. Parang si Jam rin minsan, eh. Hilig mang intriga.
"I wish na manalo sila against MKHS." palusot ko na lang. Pero, deep inside.. Hmmf! ERASE ERASE!
"Ah, Beauty, nasaan na si Romeo?" tanong ni Brix sa akin na kanikanina lang ay humahagalpak kakatawa sa likuran. "Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi naman kami live in partners ano."
Ngumisi lang si Brix no'n, kumindat kay Paloma, at bumalik sa likuran. "Gwapo ni Brix."
"Hay, naku, PR. Huwag ka papadala sa pakindat kindat no'n." natatawa kong babala sa kanya. Nasaan na ba kasi ang kapre na 'yon? Sa akin tuloy siya hinahanap, buset.. Ano ako, yaya niya?!
Dumating na rin ang adviser naming panot kaya bati na naman kaming lahat. NASAAN NA SI KAPRE? ABSENT?
"Sit down, class. Oo nga pala, may new classmate kayo..." as if on cue naman, biglang pasok si Kapre. "Sorry to interrupt you, sir." mabilis na pumunta si Kapre sa upuan niya. Tinaasan ko pa nga ng kilay no'ng napadaan sa harap ko, eh.
"As I was saying.. May bago kayong classmate. Obviously, a new transfer sa school." DUH, sir? DUH?
"Galing siya ng Japan. Babae ang new classmate niyo..." nadistract na naman si sir sa pagsasalita dahil naghiyawan ang mga kaklase naming lalaki. (Except si Kapre na nakapoker face lang. Walang reaksyon naman ang mukha.) Tsktsk! Mga classmate ko talagang lalaki..
"She's half Japanese, half Filipina. I want you all to make her feel comfortable here." napatingin si sir sa bukas na pintuan namin, "Class, meet Yukiko Nakahara." naglue rin sa pintuan ang mga mata ko, at pumasok ang babaeng...
Well.. Straight na straight ang buhok tapos nakacurl ang dulo, nakafull bangs, may highlights na brown ang buhok, at.. Nakalight make up. Okay, in short, she's pretty.
"Ohayo.. Oops. I mean, good morning." nag bow siya no'n, at 'yong mga kaklase kong mga lalaki, naku! Mga nakatanga!
"Anggara." napatayo na naman ako na parang robot sa pagkaautomatic ko. "Yes, sir?"
"Ikaw ang mag orient kay Ms. Nakahara mamaya, okay? Itour mo siya sa buong school mula recess, hanggang lunch. At kung may time ka hanggang uwian.."