Chapter 21: Romeo and Juliet

45 0 1
                                    

BEAUTY'S POV

Nandito ako sa bahay nila Jam. Buti na lang at nasa Cebu si kuya London ngayon. WHEW! Kung nandito 'yon, nakuu.. Ewan. Baka mailang lang ako.

"Bes, bakit ba kasi hindi ka pa magthumbs up kay Romeo?" tanong ni Jam sa'kin, kakapasok niya lang ng kwarto niya at may dalang tray na may merienda para sa aming dalawa.

"Ano ibig mo sabihin, bes?" slow ko, eh!

"Bakit hindi mo pa siya patawarin? Aba, nageeffort naman siya, ah. What are you waiting for ba? Pasko?"

"Wala naman. Pinapahirapan ko lang naman siya. Aba, bes! He hurt me, ah. Sa mga pagdedma niya sa akin bago pa 'yong nangyari sa amin sa greenhouse."   "That's what she said!" biro ni Jam sa akin.

"Gaga! Green minded ka talaga. Loka ka." natawa na rin ako no'n. Pasalamat siya at wala ako sa mood magbato ng unan ngayon. "Alam mo, bes. Okay lang 'yong magpahard to get ka, eh. Pero, hello? One week? OA ha!" pailing iling pa si Jam no'n.

"OA na kung OA, pero.."  "Bes," singit niya sa akin, "he wants your forgiveness. Give it to him na. Tama nang pagpapahirap, bes. Mamaya magsawa na siya sa'yo niyan."

WHAT?! MAGSAWA? As if naman may gusto rin sa akin 'yon! Eh kung balahurain ako no'n parang akala mo hindi ako babae, eh!

"Sige na, bes. Patawarin mo na ang Romeo mo." ani Jam sabay subo ng strawberry short cake. Sosyales talaga kahit pagkain dito sa mansyon nila, eh!

"Kaunti na lang, bes. Kaunti na lang." kumindat ako sa kanya no'n at kumain na rin ng cake.

____

Sabado today kaya gala sa mall na lang muna ang drama ko. Wala, mag iikot ikot lang. Wala akong  *anda, eh. HEHE. (BEKI GUIDE: *Anda=Money)

Gusto ko lang mag unwind ngayon kaya mag isa lang akong nagpunta. A day free from Jam, Paloma, and kung sino sino pa. Just me, myself, and I. ;)

Nandito ako ngayon sa Patsy's Pastries. Wala, nakatambay lang at nagpapalamig. (70 pesos pataas ang presyohan dito kaya upo upo na lang ako dito. HEHE.)

Nagsasight seeing lang akey.. Ang daming dumadaan na busog sa biyayang  KAGWAPUHAN, sheteness!! Busyng busy ako kakasight seeing ng may naramdaman akong kumalabit sa balikat ko. Sino... ?

KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~! (

*O*)  \(>W<)/

MAIIIGODDDD! Ang cute na bata! WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!

Ay.. Teka.. Naiyak?!?!

"Hi, bata. Anong pangalan mo?" worried kong tanong. SHUCKS. Mukhang manika! Pagkagandang bata nire! "I am lost." nag quiver ang bottom lip niya, at humikbi ng mahina. WAHHHHHHHHHH! Nawawala?!?! Chance ko na 'to ampunin siya!! (JOKE)

Teka.. Englisherang bata itech! Well, anak ng foreigner ito for sure. Ang ganda talaga, eh! Mukha siyang porcelain doll.. 'Yong mamahalin!

"Umm.. Anong pangalan mo?" tanong ko ulit. Ay, bongals! English nga pala! KUU PO!

"Umm.. What's your name, pretty girl?" ulit ko. Hinahaplos ko na ngayon ang brown curls niya. WAHHHHHH! Pers taym ko may kasamang bata na ganito kaganda, na cute na waaaaaah!

"My name's Juliet." woahh! British accent na bata! British nga ba? Basta, parang UK!

"You have a very beautiful name. Now, tell me.. Who were you with earlier?" naks! Bigyan ako ng parangal! Tuwid na tuwid na english, teh!

"Uh.. My brother."  "Just your brother?" tumango siya.

"Okay. Can you describe your brother? Tell me about your brother." tumayo ako no'n, hinawakan ang kamay niya, at lumakad palabas ng Patsy's Pastries habang pinapakinggan ang pagdedescribe niya. "My brother is handsome."  

Miss BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon