Chapter 14: 1 Friend request

34 1 0
                                    

ROMEO'S POV

Makaiyak naman 'tong babaeng 'to.. Hanggang dito sa bus. Hindi na nahiya, eh. Bakit kaya siya affected masyado?

"Ui.." kinalabit ko siya. Yumakap siya sa akin. Yuma.. WHAT?!

Nakakapit siya ng mahigpit sa akin, at nagsheshake pa habang umiiyak ng tahimik. Buti na lang at 5 PM na, madilim dilim na at pagod ang mga kolokoy sa bus kaya karamihan tulog.

Niyakap ko na lang rin siya.. Tinatapik tapik ng mahina ang likod niya. "Sige, ilabas mo lang."

At ayun...

Matapos ang ilang minuto, kumalas na rin siya.

"Pwede mo na akong bitawan." ay.. Nakayakap pa pala ako. Bumitiw ako, at sumandal naman siya. "Okay ka na?" tumango lang siya.

Oo nga pala.. Maitanong nga.. "Bakit mo ba ako sinungitan no'ng nagpapaserve ako ng pagkain?"

Tumingin siya sa akin no'n, parang nahurt ko siya. "Wala.."

"Bakit.."

"Kasi sinabihan mo akong malandi. Nahurt ako." ay, sh!t. Really? Hindi ko tanda.. "Sorry. Pero, sinabi ko ba talaga 'yon?"

Ngumiti na lang siya, a sad smile, at tumingin sa kawalan. Ano ba 'to.. Nakakaguilty naman. Bakit ko kasi siya sinabihan ng gano'n?? Teka.. Isip.. Isip.. Ahh! Kasi kinakausap niya 'yong nurse! At ang lapit lapit nila! At nakangiti siya ng maluwang. Namumula siya.. Naasar lang ako! UGH!

Teka.. Wait a minute.. Bakit ako naasar?

"Ano, Romeo..." tinawag niya ako sa pangalan ko!!!! ANO ITO?? Ano ang ipinapahiwatig niyong senyales, panginoon sa langit?

"Ano 'yon, B.. Beauty?" medyo awkward kong reply. "Umm.. Thanks."

Kanina galit siya sa akin.. Ngayon nagtethank you?? ANo ito??

"Saan?"  "Wala. Basta, thank you."

"Okayy.. Ah, sorry rin. Kanina. Nainis kasi ako, eh. Kaya ko nasabi 'yon." nagtaas ang kilay niya.

"Bakit ka nainis?"

"Ewaaann.." nagsmile na naman siya sa akin, "Wala na 'yon. Hindi na ako galit."

WHAT THE HELL. Bakit siya ngumingiti sa akin?? Ayaw ko ng ngumingiti siya... Nakaka.. Nakakaewan! Nakakakilabot!

Ang imba ng feeling.. Ang.. (Napa dota language tuloy ako.) Ayun, natulog na. Hayyy. Nakakaconfuse ang babaeng 'to. Mas gusto ko siyang inaasar. Mas gusto ko siyang naaasar. Hindi ako sanay sa ganito....

__

Nandito na ako sa bahay ngayon. Magseseven na nga, eh.

"My Romeo!" tumatakbo si Juliet sa akin no'n. May hawak pa siyang manika na Bratz. "Hello, Juliet mine." kinarga ko siya, at kiniss sa cheek.

"Hullo, son." ooh. Nandito na si Dad? Aga naman niya umuwi. "Hullo back at you, Dad." binaba ko si Juliet no'n, at nagtanggal ng shoes.

"How was your day at the shelter? Had a blast?"

"Mmm.. So, and so." nag smile ako kay Dad, at umakyat na sa kwarto ko. Pagkashower ko, pinababa na ako ni Yaya Marie. Magdidinner na raw kami.

Hindi ako sanay na ang aga ni Dad sa bahay. Mga 11 kasi dating niyan, eh. Ako ang nag grace tonight, at matapos kumain, umakyat ako sa room ko. 10 PM pa lang. Hindi pa ako inaantok, eh.

Oo nga pala.. Ang tagal tagal ko ng hindi nakakaopen ng FB ko. Last online ko pa nga, a day before ako pumasok sa school for the first time. Tagal na ano?

Miss BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon