BEAUTY'S POV
December na, pipols of de Filifins! \(^O^)/ Amoy na amoy ko na nga sa hangin ang pasko, eh. (Pati bibingka, at puto bumbong.. YUMMEH!!) December 15 ang Christmas party namin. Ang nabunot ko nga na kaexchange gift ay si Paloma, eh. (Naku, ibalot ko na lang si Brix sa wrapping paper ay ayos na, eh! HEHE. Jokez.) Kaya heto't kasama ko si Ninang Sheryl na mamili ng pang exhange gift kay Paloma sa mall tutal it's a Saturday naman, at sa Lunes pa ang Christmas party namin, tapos no'n Christmas vacation na! YAHOOOOOOOOO!
Nandito kami ngayon ni ninang Sheryl sa Sanrio. (Mahilig kasi sa mga cute na bagay si Paloma, eh. At saka cute naman siya, eh, kaya Hello Kitty na lang! HEHE.) "Ninang, ito kayang liptint set at nail polish set?" pinakita ko 'yong hawak kong liptint set at nail polish set kay Ninang Sheryl, pero, ampuga.. Dedmax! "Ninang, She! Ui!" saka lang siya napatingin sa akin. Paano ba naman busy katetext!
"Ay, sorry, bebegirl. Yes? Ano 'yon?" pinakita ko ulit sa kanya 'yong hawak ko, nag thumbs up siya, at bumalik na naman sa pagtetext. HUHU. Si Ninang naman, nagkajowa lang ulit ng bago, may sarili na namang mundo. HUHUHUHUHUHU~~~
No'ng nabili ko na 'yong gift ko kay Paloma, nagpunta na nga kami ditey ni Ninang Sheryl sa foodcourt. Nanginginain lang kami ng mais dito habang naghihintay kami sa bagong jowa ni ninang Sheryl na Jeff ang pangalan. Siya kasi maghahatid sa amin pauwi, eh.
"Ninang She, fafable ba 'yang jowa mong 'yan at sobrang kukuru itayness ka naman diyan?"
"Errm.. Okay na. *Compared to lugaw, ahihihi!" aba, aba! KILIGNESS over max si Ninang! WUSHU! (BEKI GUIDE: *Compared to lugaw= Mapagtiyatiyagaan na/Compared to nothing)
"Naks, Ninang She, hindi ka SMP ngayong December, ah. Tarush!" alam niyo naman siguro ang meaning ng SMP ano? Kung hindi, isearch niyo na lang. HAHA. Maya maya lang ay dumating na rin ang jowa ni Ninang She. LUH. Anong nakita niya do'n?! Mukhang pwet ng kaldero, eh! #SOBRANGMEAN
Pero, injerness.. Mukhang masayang masaya si Ninang, ah. At ang sweet sweet niya kay Ninang.. Na OOP na nga ako dito sa backseat ng taxi niya (Taxi driver ang jowa ni Ninang Sheryl right now.) tapos naglalambingan sila doon sa harap. HAYYYY. Teka, bakit ako nag eemo dito? May Kapre naman ako, ah? HAHA. makulit nga.. Kinuha ko ang *jelpaks ko (BEKIGUIDE: *Jelpaks= Cellphone) at nag FB. Sakto namang online ang Kapre. HEHE.
Beautiful Lady Punzalan Anggara
huy!!!!!!!!
Romeo Sy O'Hara
Nakakabingi naman to. :P
Beautiful Lady Punzalan Anggara
hehehe ♥♥♥
Romeo Sy O'Hara
May kailangan ka noh? ;) ♥
KAPRENG 'to talaga. Tsk!
Beautiful Lady Punzalan Anggara
nkta lng me u n onlyn no. tmang hnala u nmn kgad eh >.<
Romeo Sy O'Hara
Teka, nagnonosebleed yata ako..
Beautiful Lady Punzalan Anggara
ha?!?!
Romeo Sy O'Hara
Biro lang. Hehe. Ikaw kasi, eh. Jologs mo naman magtype. :P
GRRRRRRRRRRRR.
Akala ko naman nag nosebleed na talaga 'yong Kapre na 'yon! Nang aasar na naman pala, kuu.