BEAUTY'S POV
Nothing much naman for Sunday bukod sa nagsimba kami, kaya skip na to lunes. Ayun, nakapagpresent na kami no'ng sa Filipino nga. And.. We got 50/50. Biruin mo 'yon! WOOO! Saya saya ko nga no'n, eh. All thanks to the cooperation of my groupmates 'yan. :D Deserve naman namin ang nakuha naming marka. (Well, except kay.. Kilala niyo na. 'Yong babaeng wala namang ginawa halos kundi magpacute. -___- )
Rigorous practice na nga pala kami everyday. We have to win, ano ka! Isang beses pa lang natalo ang cheer squad namin.. And 'yon ay no'ng Freshman pa ako. HEHE. Kaya, sana manalo kami talaga. Todo bigay kaya kami. :P And of course, pati sila Kapre rin sana. :)
Fast forward.. Wednesday ngayon. At absent si Yukiko. HAHAHAHHAHA! Walang eepal ngayon kay Kapre, at sisira ng araw ko. :P
Pero, nak ng tong its naman, oh! Buong araw naman ako pinagtripan ni Kapre. >__< Pero, injernes... Namiss ko ang mga pangtitrip niya, ah. Mula ng dumating kasi si Yukiko, wala na rin siyang time pagtripan ako.
Nandito nga kami ngayon sa canteen, eh. Nagpaparinig ba naman!
"Naalala niyo ba no'ng bumisita si Rebecca Black sa classroom natin? I think no'ng absent si Mr. Toledo 'yon, eh. HAHAHAHAHAHHAHAHA!" ahh, gano'n pala, ah? "Jam, PR, alam niyo ba.. May nakita ako dating magkakaibigan sa palengke, tapos.." "Bubwit!"
"Ha! Tinawag mo rin akong Bubwit sa wakas! WOO! Just like the old times, Kapre." pang uurat ko sa kanya, with matching kindat, and kagat labi pa. HAHAHAHA! Mga namutla sila nila Brix, eh. Akala nila, ah. Tatatawa tawa pa sila diyan, nakuu! Nasa akin ang alas! ;P
"Oi, kayo, ah. Para kayong aso't pusa. Magkakadevelopan na kayo talaga niyan." "AYIEEEEEEE!"
Ay, talaga naman, talaga naman! Nag joined forces pa sila Jam, PR, at mga katropa ni Kapre sa pang aasar, oh. KUUUU!
No'ng uwian, matapos rin ang practice naming dalawa ni Kapre, nag gala na muna kami. (Malelate raw ng sundo sa amin si kuya Fernan kasi may inutos raw sa kanya 'yong dad ni Kaps.)
Nandito kami ni Kapre ngayon sa labas ng school. "Tara, Kapre, KTV tayo." sabay turo ko sa KTV sa 'di kalayuan. "Hay, naku, bubwit. No thanks. Ayaw ko mabingi. May laban pa ang school natin next week sa MKHS."
Unng! Hinampas ko nga ng bag. "Yabang mo, ah. Bakit? Maganda boses mo?"
"Oo. Kumpara sa'yo. HAHAHAHHA!" grrr! Ewan ko ba kung bakit crush ko 'tong gunggong na 'to, eh wala namang ibang alam gawin kundi kutyain ako.
"Yabang mong Kapre ka. Di bali na nga. Mag foodtrip na nga lang tayo."
"Anong foodtrip ka diyan, eh ang dami mo kayang kinain kaninang Lunch." napanganga pa siya no'n. "Eh sa nagugutom ako ulit, eh. Saka napagod ako sa practice, kaya tara na. Libre ko." at ayun, LIBRE lang talaga ang magic word. Sumama rin naman kaagad. Nagpunta kami sa may ihaw ihaw. "Bubwit.." bumulong siya sa akin. "Ano?" kumukuha na ako ng pera no'n sa bulsa ng bag ko. "Malinis ba 'yang.. 'Yang tinitinda nila?"
"Aba'y ewan ko. Basta masarap tinda nila dito." "Eh hindi naman bakal ang bituka ko tulad ng sa'yo, eh." bulong niya ulit. ABA, gusto yata nito makatikim ng sapok gamit ang iron fist ko, ah?
Tinignan ko nga ng masama, at ayun, natameme ang loko. HAHA! "Sampung isaw nga diyan." nakatulala 'yong tinderang kasing edad siguro namin 'to, kay Kapre. Aba, gusto mo tusukin ko ng stick 'yang mga mata mo!?!
"Huy, sabi ko sampung isaw." kaimbyerna 'to, ah. Hindi pa matitinag kapag hindi inulit ulit, eh. "Ikaw, Kapre? Anong gusto mo?" bakit nakatingin ng ganyan sa akin si Kapre.. Err.. Hindi ko mapaliwanag kung anong klase siyang tingin, eh.