BEAUTY'S POV
So hatid/sundo na nga ako palagi ni Kapre. Talagang tinotoo eh 'no? Kilig na kilig nga ang mga ninang, at Mudra ko palagi, eh. Tsk! Kung alam lang nila na it's jafake lang naman talaga kami ni Kaps. Pero, nakuuu! Baka kurutin ako sa singit ni Mudra kapag nalaman niya ano.
Pero, nakakatuwa si Kapre, ah. Nakikipagbond siya kanila Mudra at ninang. Talagang hindi labag sa kalooban niya. Paano, libreng merienda ba naman siya, eh. Hehe.
Pero, that's not it. Talagang masaya siya naman makipagkwentuhan. Hindi tulad ng ibang mga lalaking dumaan sa buhay ko (talagang MGA eh 'no? Haha!) na parang nakicreepyhan sa kanila. Including ang walanghiya kong ex na si Pablo kaya ayun tuloy, hindi siya talaga gusto nila Mudra dati. Eh itong si Kapre? Naku! Kung gusto nila Mudra si kuya London, ngayon maka Romeo na sila. Hindi nila gusto si Kapre.. MAHAL na nila! Kalurky!!
"Oi, kinakausap kita!" nakakagulat naman 'tong Kapre na 'to! Nagvovoice over pa ako dito, eh!
"Ano ba 'yon?! Makasigaw ka naman diyan akala mo boss kita. Hmmf!" tawa tawa siya diyan!
"Patulala tulala ka pa kasi diyan, eh. Tsk! Iniisip mo siguro ako ano?" pinakita ko ang kamao ko sa kanya no'n. "Ano ba kasi 'yong sinasabi mo?"
"Sabi ko huwag ka muna uuwi at may practice pa kami." ah oo nga pala. Football player na nga pala 'tong si kumag. WEHHHHHHHH.
"Eh anong gagawin ko dito eh umuwi na si Jam, at Paloma? Kuuuu!" "O 'di panoorin mo muna ang boyfriend mo magpractice." kumindat pa siya muna no'n bago tumakbo. GRRR! Balatan ko siya ng buhay diyan, eh!
Hay, no choice. Doon na nga lang muna ako sa bleachers sa may football field. Sayang naman din ang pamasahe ano. Magtetext text na lang aketch doon. Ha! Akala naman niya panonoorin ko talaga siya doon.
Pagdating ko doon, naupo ako sa may pinakamataas. Nandoon na nga ang mga football players ng school sa field. And.. Yeah, kasama ang ex ko na bwisit na kasalukuyang nakatingin sa akin..
"Beauty!" napatingin ako sa tumawag sa akin.. "Ui, Karyn!" bati ko pabalik. Si Karyn Diamante pala at ang mga kasama namin sa cheering squad rin. Aba, reunion ba ito?! Ayun, batian portion kaming lahat, at umupo na sila sa tabi ko. "Himala yata't nanonood ka ng practice, Beauty. 'Di ba nagbreak na kayo ni Pablo?" wika ni Karyn sa akin. TSK. Kaya ayaw ko naman dito, eh. Nauungkat lang ang nakaraan, at nakikita ko pa ang damuho kong past.
"Wala naman.. Kasi hinihintay ko si..." "Romeo O'Hara! Oo nga pala boyfriend mo na nga pala siya ngayon!" singit naman ni Melody, isa pang taga football cheering squad rin at ayun nagtilian na silang lahat. Mga gaga talaga mga 'to! Napatingin tuloy mga players pati si coach sa amin. HAYYZ.
"Ikaw, Beauty, ah! Hindi mo man lang sinabi sa akin!" kinikilig kilig pa si Karyn no'n habang sinisiko ako. "Eh nabusy kasi ako. Fourth year na, eh." awkward laugh ako no'n sabay baling kay Melody, "Saan mo naman nasagap ang chismax ha, Mel?"
"No'ng isang araw lang naman, girl. No'ng napadayo si Courtney sa classroom namin. Alam na nga naming lahat, eh." sabi na, eh! 'Yong babaitang 'yon na naman, eh. KUUUU! Hanggang 3rd year pala alam na, wahhhhhh!
"Well, wala kasing kaclose 'yang Courtney classmate mo sa section namin, eh. Kaya pala ngayon ko lang nalaman!" napasigh pa si Karyn no'n. "Pero, swerte mo, Beauty! Hotness ang boyfriend mo ngayon! Grabe, hindi nga namin alam kung bakit pinatulan mo si Pablo ano. I mean, magaling siya sa football and stuff, pero naman ang fez!" tawanan sila no'n at nagsipag apiran pa.
Mga 'to talaga hindi ko alam kung mga kaibigan ko talaga oh mga kurimaw lang, eh. "Pero, ate Beauty, inggit kami, ah." bira ni Steph, freshman member ng cheer squad namin at tumango tango na parang eng eng naman sila. Swerte? Ha! Kung alam lang nila kung paano kami magbarahan ng kapre na 'yon. Well, marami na ngang nakasaksi, eh. Hehehe!