Chapter 10: The Game

40 1 0
                                    

ROMEO'S POV

Baliw talaga 'yong babae na 'yon. Mag pagnanasa na yata sa pagkalalaki ko 'yon, eh, at talagang napapatingin siya sa gawing zipper ko. Tsk!

Naglalakad na ako papuntang gate no'n.. Hindi ko pa rin tanaw si kuya Fernan. Nasaan kaya? Hintay na lang muna ako dito.

Patay! Palabas na rin ng gate si amazonang bubwit! Baka ngatngatin niya ako ng buo kapag nakita niyang nandito pa ako.. Paano ako magkacamouflage eh ang laki kong tao...

Ito na.. Tatanggapin ko na lang ang kapalaran ko.. Hanggang dito na lang talaga ang buhay ko...

Ba..Umirap lang sa akin? Himala!

"Beast!" tawag ko sa kanya. Hindi lumingon, ah? Sundan ko nga.. "Uuwi ka na?"

"Ay, hindi! Papasok pa lang ng school." tsk! Pilosopa.. Pilosopa kasi girl siya 'di ba? Pwede rin ba Pilosopo?

"Madilim dilim na, ah?" ngumisi siya sa akin. "Bakit? Concerned ka? Crush mo na ba talaga ako?"

ABA ABA.. "Hoy, baka ikaw ang may crush sa akin talaga. Palagi mo na lang minemention na crush kita, eh. Siguro sinasabi mo 'yan para magkacrush rin ako sa'yo. Sorry to say this, pero, hindi mangyayari 'yan sa lifetime na 'to."

"Kapal mo! Bakit ako magkakagusto sa Narra Tree na katulad mo?! Tao ang gusto ko, hindi puno, FYI."

"If I know, Tall, dark, and handsome ang mga type mo."

"Bakit?" namewang siya, "Dark ka ba? Mukha ka ngang multo sa kaputlaan mo, eh. Pwe."

"Pero, handsome ako. Try mo ideny."

...

Tahimik lang siya. Tsk! Nagagwapuhan nga sa akin. HAHAHAHAHA. "Alam ko naman na gwapo ako, eh."

Tahimik pa rin.. Bakit ba 'to.. Saan siya nakatingin? Napatingin ako sa likuran ko, at.. Ahhh.. Nandito pa pala 'tong pangit niyang EX. Tsk.. Bagay sila.

"Hi, EX ni Beauty." sinimangutan lang ako ng EX niya na Paolo ang pangalan? Ano ulit?

"B. Ngayon ka pa lang pala uuwi? Madilim na, ah?"

"Eh ano naman? Kaysa hintayin ko pa magliwanag bago ako umuwi?" itong babaeng 'to talaga hindi makausap ng maayos ng kahit na sino.

"Hatid na kita sa inyo." ano ba talaga storya ng dalawa na'to? EX na nga siya, gusto pa rin niya maghatid? WTF?

"Hindi na kailangan. Ihahatid naman ako pauwi nitong crush ko, eh." ngumisi si Beauty este si Pangit sa akin. ANO?!

"Sus. May kotse ba 'yang crush mo?" mayabang na tanong no'ng EX niya. Makatanong 'to.. Just how rich is he?

Tamang timing naman na dumating na si kuya Fernan. O 'di nakita ng hung hang ang pangsundo na kotse sa akin. HA! Tulo laway siya, eh.

"Ser! Sorry, po late ako dumating. May pinahatid po kasi si Mommy niyo sa shop niyo, eh." napatingin si kuya Fernan sa aming tatlo. "Ser? Mga friends niyo?"

Friends? Si bubwit lang 'no.. Teks, friends kami nito? LABO. "Kuya Fernan, sasabay crush ko sa atin. Hatid natin siya." mukhang nagulat ang mukha ni kuya Fernan, pati na rin si Beauty, at ang EX niya. Bakit?

"Crush niyo, Ser?" nakasmile si kuya Fernan ng maluwang no'n. AH, sh!t. Ako nga pala ang supposedly CRUSH ni bubwit. Ang tanga ko naman..

"Ha? Ah.. Eh.." ngumiti na lang ako kay bubwit, "Feeling's mutual. Sinasagot na kita."

BEAUTY'S POV

"Ang kapal talaga ng mukha mo." nandito na kami ni Kapre sa kotse nila. Wala, eh. Napilitan siya maghatid sa akin. Epal naman kasi si Pablo! Kung 'di dahil sa kanya.. Edi sana umuwi ako mag isa, at hindi ko kasama 'to! Edi sana hindi ako nagkukunwaring crush ko 'tong si Kapre!

Miss BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon