BEAUTY'S POV
Pasok na naman today.. Hayy.. Naaalala ko pa 'yong mga araw na mahal na mahal ko ang school ko. Ngayon.. Ngayon!!! HATE KO ANG SCHOOL KO DAHIL SA ROMEO O'HARA NA IYON!
Feel kong 'di pumasok araw araw dahil araw araw lang akong maiimbyerna sa kanya!
HAYYYY. Pero, kailangan.. Sabagay, last year ko na 'to sa school na ito.. Hindi na kami magiging magkaklase after nito. WHEW.
Windang na windang nga ang kabahayan kahapon no'ng nakita akong umuwi na gano'n ang hitsura.
SCENE KAHAPON>>
Me: *Pumasok ako sa salon*
Mudra: JOSKO! JUNAKIS?! Anyare sa'yo?! *Taranta mode*
Mga ninangs ko: *Taranta mode*
Me: Mudra!! Niaway ako ulit no'ng kapre na 'yon!!! *Hagulgol*
END SCENE>>
Nakakahiya nga kasi ang baho baho ko, at may mga customers sila no'n.. Pero, grabe...Hindi ko napigilan talaga umiyak. Sobrang inis na inis kasi ako. Si Mudra nga nainis rin. Buti napilit kong huwag nang pumunta sa school.. Aba, gusto niya sugurin si kapre! Eh sa laki ng tao na 'yon! Delikado ang Mudra ko.
Ngayon.. Papasok na nga sa school.. Ito na nga, bumaba na ng taxi. Malinis na ako ngayon. Grabe, sandamakmak na clorox ang kinuskos ko sa buong katawan ko para maibalik sa dati nitong linis! (JOKE!) Basta, pagkatapos ko maligo, ligo ulit, ng ligo, ng ligo.. Hanggang today nga, eh. Sakit na nga ng balat ko kakakuskos, eh! NAKAKADIRI KASI TALAGA KAHAPON! May etchas ako sa mukha!!! GRRRRRRRRR.
"Hi, Beauty." "Hi.." nahihiya kong sagot sa grupo ng first year na nag hello sa akin.
"Hello, Beauty!" "Hello rin.." bakit ba kasi kilala ako ng mga taga school? Hindi ko naman kilala lahat, eh.
"Bes!" si Jam! Kumakaway siya sa akin no'n. Nandoon siya sa second floor ng building, sa tapat ng classroom nila. "Punta ako diyan!" sigaw ko sa kanya.
"Okay!" sigaw niya pabalik sa akin.
"Kay aga aga ang ingay ng bunganga mo." may bumangga sa akin... At sino...
Epal talaga 'tong kapre na 'to! Gusto ko na sana siya patulan kaso... Naalala ko na baka kapag pinatulan ko siya ulit, masira na ng tuluyan ang image ko. Tama na, Beauty. Umayos ka! At saka kung papatulan mo lang siya, ibig sabihin pikon ka.
Hmmf.. Dedmahin mo.
ROMEO'S POV
Wala yata sa fighting mood si bubwit, ah? Ano ba kasi pangalan nito??
Sinundan ko ulit. Hindi ako sanay na hindi siya nagtatatalak.
"Huy." binunggo ko siya ng mahina sa tagiliran.
ABA. Dedma? May sakit kaya 'to??!
"Bubwit." hihilahin ko sana buhok niyang nakakulot, pero, tumakbo siya.
???
Ang weird niya, ah...
BEAUTY'S POV
"Grabe, bes, maglilinis kayo ng banyo for 2 weeks?!" tumango ako no'n. Gulat na gulat ang mukha ni Jam.
"Nakakainis nga, eh, kasi..." "Anong nakakainis? Taray nga, eh! Biruin mo.. Magkasama kayo naglilinis for 2 weeks! Baka magkadevelopan na kayo!!!" nang aasar, with pagtulak tulak effects pa si Jam sa akin.
"Magtigil ka nga, bru. Ang importansya ng lalaking 'yon sa buhay ko ay parang kulugo sa mukha!"
"Pero, may importance siya sa'yo, aminin!!!" ugggh! Makapang asar talaga 'to, WAGAS!