Chapter 42: With U ♥♥♥

29 1 0
                                    

After 8 years...

AUTHOR'S NARRATION (NAKANAKS ULIT!)

Hi, readers! ;) I suggest na habang binabasa niyo ang chapter na ito ay nakikinig kayo ng With You ni Chris Brown. Bakit? Wala lang Kasi With U ang title ng chapter na 'to, eh. HAHA.

And, saka kasi wala lang, para mafeel niyo lang. At saka para may background music, right? :D

So, lumipas nga ang 8 years.. 25 years old na sila. (Kitams? Bilis ano?)

BEAUTY'S POV

Nandito ako ngayon sa bahay ni Jam na bago. Oh, bagong kasal na nga pala siya ngayon. Nagpakasal sila ni Kaizer last year, eh. And three months preggers na siya sa magiging pinakafirst anak nila ni Kaiz.

"Hindi ka ba pupunta sa restaurant mo, bes?" tanong niya sa akin, nasa kalagitnaan kami ng panonood ng pelikula.

"Saturday naman, eh. At saka tumawag naman ako kay Francia, kaya siya na bahala doon." tinaasan ko ng kilay si Jam. "Teka, pinapaalis mo na ba ako dahil malapit na ang lunchbreak ni Kaizer, at gusto mong mapag isa kayo kapag umuwi siya?"

Namula si Jam no'n. "Ahehe.." tskk. Palibhasa kasal na, eh. Tumayo na ako no'n sa kinauupuan ko, sinukbit ko ang shoulder bag ko, at bumeso na kay Jam.

"Siya, your wish is my command. Aalis na ako. Pasalamat ka *jontis ka kaya pagbibigyan kita." (BEKI GUIDE: *Jontis= Buntis)

"Ingat ka, bes. Love you!" kumakaway kaway siya no'n sa akin, hindi nga man lang tumayo sa sofa, eh. Tsk! Ano pa kaya kapag malaki na tiyan no'n. :3

Oo nga pala.. May isang maliit na business na ako. Food business siya. Isang maliit na restaurant that specializes in grilled food (ISAW ang specialty!) at desserts. Yes, nakatapos ako ng Culinary. At 'yong sinabi ko na Francia kanina, siya 'yong tagapamahala ko or manager sa aking restaurant na nagsisimula pa lang. Actually, last month pa lang siya nagbukas.

AUTHOR'S NARRATION

Si Jam at Kaizer ay kinasal last year. 24 sila no'n. May sariling clothing line si Jam na sikat na sikat sa bansa ngayon dahil fashion designing ang kinuha niyang kurso. Si Kaizer naman ay nag aaral pa rin ng Medicine. Balak niyang maging Paediatric Surgeon.

Now, balik tayo kay Beauty. Na ngayo'y naglalakad na patungo sa sasakyang naipundar niya gamit ang sarili niyang pera.

BEAUTY'S POV

Saan ako tatambay ngayon? Ala una ng tanghali.. Kay Paloma kaya.. Nah.. Gumagawa ng lesson plan 'yon malamang kasi English teacher na siya sa Green Oak's Middle School. Oh, taray, right?

Si Brix ay kumukuha ng law ngayon sa UP. Balak mag attorney ng gunggong, hehe. Nasa school pa rin ang kumags na 'yon. Bf/Gf na nga pala sila ni Paloma. Pero, hindi pa sila kasal, or engaged. They are taking it slow pa raw, eh. (NAKS!)

Saan ako pupunta? Hmm.. Ah, gagala na lang muna ako mag isa sa mall.

Teka, may tumatawag... Si Mudra..

ROMEO'S POV

Grabe.. Ang tagal ko nang hindi nakapunta dito. Dito sa salon/bahay nila Bubwit ko.

Nandito ako sa tapat ng salon nila.. Pagpasok ko ay..

"Mamu Jackie!" tumakbo ako sa kanya at yumakap. Gulat na gulat silang lahat sa akin no'n.

"Oh, my god!" sigaw ni Mamu Jackie. Nagkamot siya ng mga mata niya no'n, kumurap kurap, at napanganga sa akin. "Ikaw nga, son in law!" yumakap siya sa akin, at nagsilapitan na rin ang mga ninang ni Bubwit.

Miss BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon