JAM'S POV
Nandito ako sa bahay ng best friend ko. Tumawag kasi siya sa akin no'ng nasa taxi siya pauwi. (TAKE NOTE on TAXI! Isa lang meaning. Hindi sila magkasabay ni fafa Romeo niya.)
At ayun, naiyak nga kasi siya sa phone. Tskk. Ano kayang nangyari?
"Bes, ano ba 'yang drama na 'yan? Paki explain! Lab u!" biro ko sa kanya. Pero, hindi siya tumawa. Ano ba naman 'tong girl na 'to. Ang laki ng problema, ah.
"Ano ba kasi nangyari, bes? Si Romeo ba 'yan?" tumango siya. Sabi na, eh. Naku, makaiyak 'to. Tapos kapag nakita siya nila tita Jackie na umiiyak, ako pa tatanungin. Naku!
"Oh, tahan na. Ikwento mo na kasi, sige ka.. Mamaya interbyuhin ka pa nila tita Jackie." inabot ko sa kanya ang box ng kleenex, at saka lang siya pumormal.
"O sige, tell me na. What happened ba? My god, makaiyak ka naman."
"Malandi ba ako, bes?" HUH?! Sinabihan siya ni Romeo ng malandi?!?!
"Hindi, ah. Sinabi niya ba sa'yo 'yan, bes?" naku, kung sinabihan niya ng gano'n ang best friend ko... "No. Pero, parang iniimply niya, eh. Maiksi raw ako manamit, at pinapangalandakan ko raw na sexy ako. So, siguro totoo nga. At saka baka akala niya malandi ako kasi kung sino sino ang pinapatulan ko."
"Naku, bes. Hindi ka malandi, ah! Fashionista ka lang. Ang ganda kaya ng porma mo sa practice kanina." nagthumbs up pa ako sa kanya para lang iassure siya, and.. That's when it hit me!
"Oh my gosh, bes!" nagulat siya no'n. Hinampas ako ng unan, eh. Hahaha!
"Could it be because.. He's... Jealous? Baka kasi may gusto na talaga siya sa'yo kaya nagalit siya!"
Agad agad namang nag shake ng head si Beauty. Sows! Nega talaga 'to!
"Sinabihan niya akong nakakainis. Inis na inis na raw siya sa'kin. At saka paano niya ako magugustuhan kung gano'n ang tingin niya? At saka ano ba ang panama ko sa kanya? Hindi naman ako mayaman, hindi naman ako super maganda, at saka bwisit naman ako. So, impossible talaga 'yan."
"Umm.. Bes? Gusto ko maging 101% honest ka sa isasagot mo sa tanong ko, ah?"
She shrugged. "Shoot."
"Err.. Do you like him na?"
......................................................
......................................................
"Eh ano naman kung meron? Basura lang naman ako sa paningin no'n, eh."
BRIX'S POV
'Nak ng jueteng naman 'tong si Romeo, oh. 9 PM na nagyayaya pa dito sa 7-eleven. Anong trip nito sa buhay?
"Tsongs, ano ba 'yang problema mo?" naiirita na ako sa pagikot ikot niya ng straw niya sa slurpee niya. "Paano mo naman nalaman na may problema ako?"
"Ay, wala ba, tsong? Sige, uwi na ako." pabiro na akong aalis no'n. Natawa siya ng bahagya, at naupo ako ulit. "Si Beauty kasi, tsong."
Boom! Naku. Tama ang hinala ko, eh.
"Umm.. Sige lang, ituloy mo." nagpipigil ako ng tawa dito. HAHAHAHAHA! Namomroblema rin pala 'tong si O'Hara? Love life pa!
Ayun kwinento niya nga 'yong nangyari. Mga nangyari. At isa lang ang nasabi ko, "Imba."
"Ay, salamat, tsong! Ang astig mo kausap." nilagok niya 'yong slurpee niya, at akmang aalis na, pero pinigilan ko. "Dyok lang, tsongs. Upo na dali, isolve na natin 'yang love life mo."