BEAUTY'S POV
December 25 na ngayon.. Merry Christmas! (A/n: I know na hindi pa pasko talaga ngayon sa tunay na buhay, pero advance Merry Christmas sa inyo! HEHE. :3)
Mamayang gabi nga ay doon kami kanila Kapre magdidinner. Mixed emotions ako, eh. Kaba, excitement.. Lahat! Sila Mudra parang wala lang. More on excited pa sila. Kuntodo paganda kami ngayon dito lahat. Para na naman akong artista dahil sa facial, hairstyling, at make up na ginawa sa akin nila Mudra, at ng mga ever dearest ninang ko. ♥
'Yong binili ni Jam for me na sapphire blue na evening dress, at silver high heels na hindi ko nasuot no'ng Homecoming party ang sinuot ko. Sayang naman kung hindi ko magagamit ano. Humiram rin ako kay Jam ng pearl necklace, earrings, at bracelet no'n. Mga 8 pm dumating si Kapre sa bahay. Susme.. Kinakabahan ako bumaba! Nandoon na raw kasi siya sa salon sabi ni Ninang Lotlot. "Anong hitsura niya, ninang?" kinakabahan kong tanong.
"Gwapo pa rin of course! HAHA. Nakasuit siya na gray.. Fafable na fafable! Bukod kang pinagpala, baby cupcake!" ito talagang si ninang Lotlot. Lakas mang echoz.
"Ano pang hinihintay mo, beh? Pasko? Ay, pasko na nga pala. Hehe! Baba na! Rumampa ka pababa, at naghihintay na ang prince charming mo." ani ninang Madonna, ubod ng excited. Hayy, dizzizit! Tama naman sila, eh. Ganda ganda ko kaya tonight, so bakit ako kinakabahan? HAHA. Kering keri! Bababa na ako...
ROMEO'S POV
Tagal naman bumaba ni Bubwit. Aakyat na ako do'n kapag hindi pa siya bumaba. "Ay, pagpasensiyahan mo na 'yang junakis ko, Romeo son in law, dami lang talaga kaartehan sa buhay no'n." paliwanag ni Mamu Jackie sa akin na nakadress na pula ngayon. I don't think Momma'd be surprised though kasi sanay naman na siya sa mga tulad ni Mamu Jackie, ewan ko lang kay Dad.
"Ateh! Bababa na ang prinsesa!" rinig kong sigaw ng isa sa mga ninang ni Bubwit mula sa itaas. Finally!
Maya maya ay.. Woah. Sweet, baby, Jesus. Napatayo ako sa kinauupuan ko no'n, at nalaglag naman ang panga ko. This.. This girl never fail to amaze me.
I slowly walked my way to her, and noong nandoon na ako sa harap niya, kinuha ko ang kamay niya, at kiniss ito. "You take my breath away." said I. Nagblush siya, and she smiled sweetly at me. Damn..
"WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"ang pinagsama samang tili ni Mamu Jackie at ng mga ninang niya. Nakakatuwa sila. Hehe.
Lumabas na kami no'n, at sumakay sa van. Van ang pinagamit ni Momma kay kuya Fernan ngayon kasi 8 kaming pasahero niya today. (Kaming lahat na 'yon) The trip to my house was FUN. (Hindi na nakapagtataka.) Saya ng kwentuhan dito sa van, eh. Pero, napapasulyap talaga ako kay Beauty. Ang ganda ganda niya. And this girl likes me, too. Aren't I the luckiest?
8:40 pm na kami nakarating sa bahay ko. Expected ko na ang WOAH at MY GOD galing kay Mamu Jackie, at sa mga ninang ni Beauty. "Ang *Dakota Harrison ng balur mo, son in law! Pak na pak!" said Mamu Jackie pagkababa na pagkababa nila ng car. Napatingin ako kay Beauty no'n at napa HUH?
"Ang laki raw ng house mo sabi ni Mudra." natatawang translate ni Beauty. Ahhh. Hehe. Kailangan ko pa yata mag aral ng Gay language para makasabay ako sa mga sinasabi nila, ah. Lol. (BEKI GUIDE: *Dakot Harrison= Malaki)
Tanaw ko na sa main door ng bahay namin na nakatayo si Momma, at kasama niya si Juliet.
"Oh, sweetie! You made it!" she enveloped Beauty in a tight hug. Sumunod si Juliet sa pagyakap kay Beauty. "You are so beautiful, sweetie! It's unreal." inikot niya pa si Beauty, at pinagmasdan with sparkling eyes. "No wonder patay na patay sa'yo si Romeo, eh."