Chapter 4: Farewell, Summer! Hello, Senior Year!!!!!

73 3 0
                                    

Summer flew by fast. Buong summer wala akong ibang ginawa kundi mag hang out kasama si bes, at si kuya Dondon. Sinama nga nila ako no'ng nag family outing sila sa Bora, eh. Ang saya kaya!

Kaso... HUHUHUHU.. Hindi nakasama si Mudra kasi busy nga sa Jackie's salon. Si Ninang Faye nga lang ang pinasama ni Mudra para mabantayan ako.

Pero, happy pa rin talaga ang Bora get away namin. SUPERRRRR! Pictures dito, pictures doon. Nag jet ski pa kami, banana boat, nanood ng mga nagsasayaw na may apoy, at kung ano ano pa!

No'ng nag Bora rin kami 'yong time na nafifeel ko na na kursunada ako ni kuya Dondon..

FLASHBACK>>

Hinatid ako ni kuya Dondon sa cabin namin ni Ninang Faye no'n. Mga 8 yata ng gabi?

Kuya Dondon: Nag enjoy ka ba, today?

Me: Oo naman. Lahat naman tayo, eh. *Nakangiting maluwang*

Kuya Dondon: *Lumapit sa akin unti unti* Beauty, ang ganda mo alam mo 'yon?

Me: Hence my name. *Tawa ako* Joke lang syempre..

Kuya Dondon: Totoo kaya. *Kumindat siya*

Me: *Lunok*

Kuya Dondon: *Inislide ang kamay mula sa balikat, hanggang sa pulso ko* Matutulog ka na ba?

Me: HA.. AH. EH.. Hahanapin na ako ni Ninang Faye..

Kuya Dondon: Sayang, yayain sana kita sa cabin ko.. Manonood lang ng movie. *Smile ng sideways*

Me: Ah.. Hehe.. Next time na lang siguro.. *Lunok* Sige, kuya D. *Hinampas ko ng mahina ang braso niya* Goodnight! *Papasok na ako sa cabin no'n ng....*

Kuya Dondon: *Hugs me from BEHIND* Goodnight. *Kiss sa cheek ko* *Takbo paalis*

Me: *NGA NGA*  *NAKALUNOK NG BANGAW*  *PWE!!!*

END SCENE>>

O 'di ba? Halatang halata ano? Hindi naman gagano'n 'yon kung hindi... Pero, anyway, no'ng summer naman 'yon. Mga one week na rin kaming hindi nagkikita, kasi, you know... Busy rin siya kakakuha ng exams sa iba't ibang colleges. Balita ko nakuha siya sa UE. Good for him!

Bukas pasukan na rin sa wakas! 4th year na kami ni Jam.. Kakaexcite!!

Isang kembot na lang, 4th year na kami.. As in.. Isang kembot na lang..

___

*KRINGGGGGGGGG!!! KRINGGGGGGGGGGGGGG!!!*

"Good morning, my dear, darling, Beauty! Gising na, sunshine! 1st day of school today! You wouldn't want to be late!"

EH?

AHHSHETTTE. May pasok na pala.. HUHUHUHUHU! Gusto ko pa matulog...

"Mudra, 5:30 pa lang.." naantok pa kaya ako!

"Maligo ka na para bongga ka mamaya sa school! Ipagluluto kita ng masarap na baon, at almusal. Dali na, bebegirl! Chopchop!" napasmile na lang ako no'n sa likod ni Mudra. Ang bilis kasi kumilos, eh. Nasa kusina na kaagad.

Dali dali akong pumunta sa banyo, at matapos ko maligo, pinapunta ako ni ninang Lotlot sa baba. Sa parlor.

"Bakit po?" tanong ko.

"Tara, isastyle natin ang buhok mo!" pinaupo niya ako do'n, binlower ang buhok ko, kinulot, at niwrap na vintage style gamit ang bandanna ang buhok ko.

"O, tarush! *Gorgina Wilson na ang peg ni baby cupcake!" tama si Ninang! Ang ganda ko nga, gosh! Hindi ko na raw kailangan make upan kasi maganda na akong natural. At saka nag facial mask naman ako kagabi kaya bright, and beautiful ang skin ko! Isang dab lang ng lipgloss, at ready to go!

Miss BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon