Chapter 39: COLLISION

38 1 0
                                    

BEAUTY'S POV

Naglalakad na naman kami ni Kapre sa garden. Itong garden na may table for two na naman. Nakatuxedo siyang puti, at nakabistida ako. O___o

Magkahawak kamay kami, at naglalakad. Tumingin ako sa kanya, nakangiti siya pero parang may lungkot sa kanyang mga mata. "Bakit bad trip ka pa rin? Ano bang meron? Kanina ka pa sa mall..." inistorbo niya ang pagsasalita ko, "What will you  do if I were to leave?" napabitiw ako sa kamay niya no'n, at humarap sa kanya. "Ano ba 'yang pinagsasasabi mo? Nakikipag.. Nakikipagbreak ka ba sa'kin? An.." hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil umiiyak na ako ng todo, at niyakap niya ako ng mahigpit. ANG LAMIG! Ang lamig ng katawan niya.. Parang yelo...

"No. I am not breaking up with you." kumalas siya ng yakap sa akin, at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "I love you." malamlam, at malungkot ang kanyang mga mata no'ng sinabi niya 'yon.

"Mahal na mahal rin kita, Romeo."

"Then don't let go. Don't let me go. Promise me that you'll never let go."

Bago ko pa masagot ang sinasabi niya, nagising na ako. Napaupo ako sa kama, at basang basa ang mukha ko ng luha. Umiiyak na pala ako. Ano ba namang panaginip 'yon! Ang weirdo.. Pero, ang sakit sa dibdib, ha. Napatingin ako sa wallclock dito sa kwarto.. NYEK? 30 minutes pa lang akong natutulog? (A/n: 7:30 na ng gabi.)

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto, at ang bumungad ay ang humihingal pa, at naglalakihang mga mata na si Mudra. Anmeron???.. "Junakis! Si Romeo!!" shett. Hindi ko gusto 'to, ah. Napatayo ako. "Anong meron, Mudra?" ang bilis bilis ng kabog ng puso ko ngayon.

"Eh tumawag sa akin 'yong mother niya.. Nasa ospital si Romeo, at 'yong driver niya dahil nabangga 'yong kotse nila no'ng pauwi na siya."

"Ano!?!?!" dali dali akong tumayo, nagbihis, at habang nagbibihis ay nagsasalita ako. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. "Saang ospital? Ligtas na ba siya?" naku, Lord. Please.. Shet.. Ano 'tong nangyayari?!

"Sasamahan kita. Nasa Zeus Memorial sila ngayon." dali dali akong nagbihis, at maya maya lang ay nasa taxi na kami. Ang bigat, bigat, bigat, bigat ng dibdib ko. Nakatulala ako sa bintana ng taxi.. Nag uunahan ang pagtulo ng mga luha ko.. Kaya ba ako nanaginip ng gano'n? Kaya ba panay siya I love you kanina kasi iiwan na niya ako? SHET. Erase, erase! Hindi pwede.. Hindi niya ako pwede iwan ng ganito.. Unfair sa'kin 'to, eh!

"Junakis." niyakap ako ni Mudra, at umiyak ako sa kanya. HINDI. HINDI PWEDE.....

No'ng nakababa kami, nilipad ko ang ER. Ewan ko ba kung bakit parang mata ng agila ang mga mata ko ngayon, at nakita ko kaagad si mommy at daddy ni Romeo. Tumakbo ako papunta sa kanila. Niyakap ako ni mommy Alyn, at umiiyak siya. Parehas na kami.

"Mommy.. Si Romeo po.." napabitaw ako sa kanya, at napatingin sa pag reresuscitate ng mga doctor sa kanya. HOLY.. Ano 'yong parang nasa bibig niya na pinapump nila?!

Isinara ng isang nurse 'yong kurtina, thank God. Hindi ko kaya pa mapapanood ang bayolenteng pagtatry nilang salbahin ang Romeo ko.. Nagflash lahat sa utak ko 'yong mga nangyari sa amin.. 'Yong sa isawan.. 'Yong sa homecoming party.. "Beauty!" iyon ang huli kong narinig bago ako lamunin ng dilim.

_______

Napabangon ako sa kama na hinihigaan ko.. Nasaan ako? Ay! Nasa ospital pala.. Nakaupo si Mudra sa tabi ko, at ngumangalngal. "Mudra?" nanginginig nginig ang boses ko.. Bakit siya ngumangalngal? May nangyari ba... ?

"Mudra.. Ba-bakit p-po.. Kay-ooh.. Umiiyak?" noo.. Please, no...

"Kasi nag alala ako sa'yo! HUHUHUHU." at ayun, yumakap siya sa akin. Nagsipasukan rin sa room lahat ng mga ninang ko. WHEW! Akala ko naman.. Akala ko..

Miss BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon