Chapter 26: Takes time to realize

37 1 0
                                    

Maya maya lang ay nandito na kami ni Kapre sa van na dinadrive ng mom niya. Nandito ako sa harapan katabi ng mom niya, nasa likod si Romeo. Nakatingin lang sa bintana.

Nagsalang ng CD ang mommy niya, at tumugtog sa van. Ooh, I like this song! Kaso hindi ko alam ang title, at singer. "Ano po title ng song na 'to, mommy?" oh, 'di ba? Feeling close lang! Makamommy naman ako. ;)  "Baby Now That I've Found You. Si Alison Krauss 'yong singer. You like it?" tumango ako. "Awwie! That's sweet. Gusto rin ni Romeo ang kantang 'yan, eh."

Humagalpak ako ng tawa no'n. Nahawa na rin sa tawa ko ang mommy niya, at napatingin ako kay Romeo... Nakapikit.. Aww.. Nakatulog na siguro ang loko. :) Pero, nakakatawa, ha. Nakakatawa ang mga type na kanta ni Romeo. Hindi manly masyado.. Love songs ang gusto amp. HAHAHA.

Maya maya lang ay nandito na kami ni Romeo sa Starbucks. Nagpaiwan na lang si mommy Alyn sa kotse tutal hindi naman daw kami magtatagal. Nandoon na si Courtney, Harold, at.. -___-

"Romeo!" kumaway na naman ng ubod ng enthusiastic 'tong makeup na tinubuan ng mukha na Yukikong 'to. -___-  "Hello." kumaway lang rin si Romeo sa kanya. Dinedma ko lang si Yukiko no'n, at nakipag apir kay Harold, at Courtney. "Oh, mga bruha. Nasaan si Alphonse?" tanong ko.

"Jumigle lang. Babalik rin kaagad..." tinaasan ako ng kilay ni Harold, "anong meron, teh? Bakit saksakan mo ng ganda?!" inikot ako ni Harold no'n na akala mo'y model ako.

"Oo nga, Beauty. Ang ganda ganda mo!" si Courtney naman ang nagsabi no'n. "Cheh, mga bolera kayo, ah." biro ko sa kanila, sabay kindat. Kinabig ako ni Harold, at bumulong. "Tignan mo 'yang si Yukiko, makakapit sa jowa mo wagas!" -_____- Nakapulupot na naman siya kay Romeo. ANG LANDI, shete!

"Gusto mo i*boogie wonderland ko 'yan, teh?" natawa na lang kami ni Courtney no'n. (BEKI GUIDE: *Boogie wonderland= Bugbog/Bugbugin) "Pero, Beauty, wala pa ring sinabi sa'yo 'yang si Yukiko. Pwe, namake upan lang 'yan, eh. Eh ikaw? Kahit wala, beauty na! Ano pa kaya kung meron?" aww.. Sweet talaga nitong si Courtney kahit mahilig sa chismax. :")

Hindi nagtagal ay dumating na rin si Alphonse, kaya ayun, gumorah na kami sa van. "Hello, guys." bati ni mommy Alyn sa kanila no'ng pagpasok nila. Nakatabi si Yukiko kay Romeo ngayon. -___- Nasa gitna si Yukiko ni Romeo, at Alphonse. Si Harold, at Courtney nasa likod na likod.

"Driver niyo, Romeo?" tanong ni Yukiko. Napatanggal ng shades si mommy Alyn no'n, at tumaas ang kilay. MY GOD! Tinawag niyang driver mommy ni Romeo?! Sa gandang 'to, driver lang?! *Bobonicles of Narnia ka talagang Yukiko ka! >____<  (BEKI GUIDE: *Bobonicles of Narnia= Bobo/Tanga)

"Ehe.. No, Yuki-chan. She's.." sumingit si mommy Alyn kay Romeo no'n, talagang tinignan pa sila sa likod. "I am his Mom." gulat na gulat ang mukha ni Yukiko no'n. "Gomenasai! I mean, sorry! Sorry po, tita." nagdrive na si mommy Alyn no'n, pero, nakita ko nag roll ang eyes niya. Panira talaga ng mood 'yang Yukiko na 'yan. Throughout the drive, tinry daldalin ni Yukiko si mommy Alyn. Daldal here, daldal there, pero hindi naman siya sinasagot ni mommy Alyn kaya nanahimik na rin siya. Napahiya malamang. Pagbaba naming lahat ng sasakyan...

"WOW!!!" sigaw nila Courtney, Harold, at Alphonse. Si Yukiko, nakakapit sa arm ni Romeo. "Omg, Romeo. I love your house! It's bigger than ours.. I love it!" kakababa lang ng kotse ni mommy Alyn no'n. "Anong pangalan mo, hija?" tanong niya kay Yukiko. Si Yukiko naman nag bow, at nag introduce. "So it's Yukiko." tinignan siya ni mommy Alyn ng seryoso. "Yukiko, let go of my son's arm." lumakad na parang model paalis si mommy Alyn, at no'ng nasa tapat na siya ng pintuan.. "Beauty, sweetie, pinaready ko ang study room kay Yaya. Romeo knows kung nasaan 'yon. Doon kayo gagawa ng project, okay?" nagblow pa siya ng kiss sa akin no'n, at pumasok na sa loob. Napatingin ako kay Yukiko no'n na bumitaw na kay Romeo, at naka mukhasim ang mukha. Hinawi ko ang buhok ko, at inakbayan sila Courtney at Harold, and ushered them in.

Miss BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon