BEAUTY'S POV
Lumipad ang apat na araw na parang amihan. Sa kinabusy busy ng class namin kakaplan, heto na nga't Friday na! Today's the day na pupunta kami sa Home for the Aged. Excited na ako! Alam niyo kung bakit? Mahilig kasi ako sa matatanda. (LOL.. Parang ang ewan pakinggan?) Okay, para hindi naman ewan pakinggan.. Itong term na lang. Natutuwa ako sa mga matatanda. As in geriatric people. :-)
6 am na, at dapat nasa school na ako ng 8 dahil aalis ang bus na sasakyan ng section namin papunta sa Home for the aged ng 8:15. Malayo layo kasi 'yong Pearly White. Mga 11 AM raw ang estimation na dating namin doon. Inaayusan ako ni Mudra ng buhok no'n. Ginawang vintage style ang buhok ko, light make up, at pinagsuot ako ng full skirt na red (nakalobo siya at hanggang tuhod), at black na long sleeve, na off shoulder.
"Tarush!! Ang ganda ng beh namin!" tuwang tuwa si Ninang Madonna no'n. Pumapalakpak palakpak pa nga siya, eh. "Isuot mo naman 'tong heels ko. Hiramin mo since magkasize naman tayo ng paa." inabot ni Ninang Faye naman ang high heels niyang itim na kumikinang. WOAH!!!!
"Ninang akin na lang 'to! Paarbor!"
"Ay, hindi pwede, darling! Pabili ka sa Mudak mo."
HAHAHAHAHA. Ninang Faye talaga. "Sige, junakis. Ika'y humayo na, at kabugin mo lahat ng classmate mo. Naway makaakit ka ng *otokong ubod ng *richard gomez at *chopopo ang peg!"
(BEKI GUIDE: *Otoko=Lalaki *RICHard Gomez=Mayaman *Chopopo=Gwapo)
Hayy. Asaness naman 'tong si Mudra. Wala naman akong chopopo na classmate. Well, marami actually, pero nasasapawan ng kabanuan. Nasa section B kasi 'yong mga type kong gwaponess. (HINDI SI PABLO, AH. EWW.)
Pagbaba ko ng balur, paglabas ng parlor, ay may taxi ng naguhintay sa akin sa labas. ABA. Ayaw ni Mudra na maarawan ang beauty ko kahihintay ng taxi at talagang nagtawag na. Awww!!
Dumating na rin ako sa wakas sa skulembang ketch. Nagkasabay pa kami ni Jam no'n.
"OH MY GOSH, bes! Ang ganda mo! Stariray ka, ah." she hugged me, at amoy na amoy ko ang Elizabeth Arden niyang pabango. "Thanks, bes. Si Mudra kasi inayusan aketch. Dapat raw ayon sa ballroom ang outfit ko."
"Oo nga pala, ikaw ang nag organize ng ballroom para sa home for the aged. Goodluck, bes! Ang ganda mo, promise! No joke! Mas natangkaran mo pa ako dahil sa pamatay mong heels!"
I winked at her, nag babush, at diretso na sa classroom. Pagpasok ko...
Lahat sila napatingin sa akin.. Isang malaking katahimikan, at stillness. Ano ba naman.. Nahihiya na ako. "Wow." pinutol ni Courtney ang katahimikan. Nagpuntahan sa akin mga kaklase kong girls, at ayun, para akong artistang dinumog.
"Ang ganda mo, Beauty!" -Olga
"Yeah!! Bagay na bagay kayo ni Romeo mo!" -Dorothy
Ano ba namang pinagsasabi ng mga 'to?! YUCK. Nakita ko si Romeo na kakapasok lang ng room. Nagkatinginan nga kami, eh!
Bakit siya naka tuxedo, at may hat pa na itim, at cane... AHHH. Siya nga pala 'yong majikero mamaya doon kaya gano'n.. O siya, tama ng titig Beauty. Baka isipin pa niyan nagagwapuhan ka. Hmmf! Mukhang shunga nga, eh.
"Ayiee! Bagay sila!!" bwiset 'tong klase na 'to!! Lakas mang asar!!!!!!!! >_<
Si Romeo naman parang 'di affected. Nakipag high 5 lang sa mga katropapips niya, at ayun, nakipagkwentuhan. "Guys! Guys!" Derick got our attention. Maka GUYS GUYS naman kasi parang may sunog!
"Labas na! Nandiyan na 'yong bus sa labas! Aalis na tayo!" okay! Puro sigaw! WAHHH! Sakit sa tenga! Takbuhan naman palabas ang drama ng mga kaklase ko. Si Paloma, kumapit sa braso ko, at panay compliment sa hitsura ko.