AUTHOR'S NARRATION
6 years later..
So, ito. 31 years old na sila Beauty, Romeo, at ang mga kaibigan nila. You want to know how I'll end this one?
Okay.. Simulan kay Jam.
Si Jam, at Kaizer ay nagmigrate na sa USA. (Umuuwi uwi pa rin sila sa Pilipinas para magbakasyon) Dalawa na ang anak nila. Parehas babae.
Si Jam ay isang fashion advicer sa Hollywood (OOOH. That is soo Cali!) Si Kaizer naman ay nagpaprivate practice na. PAEDIA SURGEON, IHH!
Sila Paloma, at Brix naman..
Ikinasal sila 2 years after no'ng kasal nila Beauty, at Romeo. Isa pa lang ang anak nila. Babae rin. Teacher na sa Green Oak's Highschool si Paloma. (English teacher) At si Brix ay isang batang attorney at 31 nga. (Intelehente, eh!)
Sila Mudra at mga ninang ni Beauty ay doon pa rin nakatira. (Kahit mga bigatin na sila) Kasi nga naman may meaning ang bahay na 'yon sa kanila. Pero, sosyal! Marami nang branches ang salon nila sa bansa, ah! ;) Sikat na sila sa pagpapaganda industry!
Si Landon na kuya ni Jam ay binata pa rin. (Hindi pa nakakasettle down kasi may pagkaladies man! ;D) Nasa Paris siya ngayon. Siya ang namamahala ng showroom nila ng mga luxury, at sports car doon.
Juliet.. Ooh, dalagang dalaga na at 19! Nasa UK ang parents nila Romeo kaya may sarili na siyang condominium. International Studies ang kinukuha niya, at part time model na siya ngayon. (Ganda ba naman, at tangkad! Biruin niyo.. 6'2 lang naman ang height!) Nagbabalak nga yata sumali sa Miss Universe.. Goodluck, Juliet! :*
And, LAST but not the LEAST..
Ang mga bida nating mga monggoloid. AHEHEHERR.
Si Romeo ay may sarili ng Engineering firm sa Pilipinas. (Nakatira sila sa MALAKING bahay rin. Hindi man pabor masyado si Beauty dito, pero kailangan kasi..)
Lumalaki na ang pamilya nila! >:D<
May lima na silang anak (Dalawang kambal na lalaki, dalawang lalaki na hindi kambal, at isang babae. (At kasalukuyang buntis si Beauty ngayon sa kambal na parehas naman daw girl!)
HAHAHAHA. Hindi halatang pinaninindigan nila ang pangarap ni Romeo na 10 anak ano?
Marami na, malaki, at malago na ang restaurant ni Beauty. Sikat na rin ito, at successful na. Masaya sila. May mga arguments pa rin sila, at nag aasarin pa rin, pero, masaya sila. They couldn't be any happier than they already are.
~~END~~