Nakaglue lahat ang mga mata namin sa pintuan. Hindi halatang inaanticipate 'tong "O'HARA" guy na ituuu ano?
Pumasok ang isang sobraaaaaaaaaaaang... wait.. wait.. parang ang familiar..??
Pumunta sa harapan 'tong guy, at ngayong nakaharap na siya... HA?!?!?! Si ano 'to, ah... Si.....!!!
"KAPRE!!!!!"
ROMEO'S POV
What in the blazes is this stupid girl doing in this school?!
"KAPRE!!!!!!!"
Ugggh! Nakakainis na 'tong bubwit na 'to, ah?!
Napatingin silang lahat kay bubwit na napatayo bigla. Mukhang napahiya nga, eh. HAHA. Umupo siya ulit, at ang adviser namin ay.......
"Miss Anggara, I'll talk to you later after school." seryoso, at parang may pagkanakakatakot na babala ni Sir.. Sir Lagayan.. (?) Not sure of his surname.. Nakalimutan ko, eh.
"As for you, Mr. O'Hara, you may sit now. Sit next to Mr. Gardame." itinuro ng teacher namin na panot ang upuan na a seat apart from bubwit. May babaeng naglalaway yata sa aking angking kagwapuhan, ang nasa gitna ng row namin. Just a row apart, bubwit! HA! Saktong classmate pala kita.. I'll make your life a living hell dahil sa pagtawag mo sa akin ng KAPRE.
BEAUTY'S POV
Hindi!! Hindi maaari ito! Kaklase ko 'yong walanghiya na 'yon?! 'Yong kapre na 'yon?! Ano bang height no'n, 10'10?!
"Ang laki ng school na 'to, ano?" nabalik ako sa realidad sa sinabi ni Paloma. Magkasama nga pala kami ngayon. Recess na kasi, and new siya, and friends na kami. ^_____^ Napakabait niya kasi, and she's.. Basta, magaan ang loob ko sa kanya, you know...
"Oo, pero, masasanay ka na rin in a month or two. Sanayan lang talaga." nakasmile kong sagot sa kanya. Nasaan kaya si Jam? Kating kati na ako ikwento ang kababalaghang nangyari today!
"Alam mo, Paloma, may ipapakilala ako sa'yo.. Kaso, hindi ko pa siya nakikita.."
"Really? Sino?"
"My best friend, Jam." napa ahhh lang siya no'n, at patuloy kaming naglakad papunta sa cafeteria.
"Ah, Beauty, bakit nga pala gulat na gulat ka doon sa classmate natin na si Romeo," nag giggle pa siya no'ng inadd niya ang, "at bakit naman KAPRE talaga ang nasabi mo?"
"Ano kasi, kilala ko 'yong kupa..." naku!! Muntikan ko na masabi 'yong KUPAL.. Muntikan ko masira ang malinis kong reputasyon sa school na ito! "I mean, kapre na 'yon. Bastos 'yon, eh!"
Nanglaki ang mga mata ni Paloma no'n. "No! I mean.. Not bastos na you know.. Manyakis.. Bastos na..." "Rude?" singit ni Paloma. Tumango naman ako no'n.
"Saan mo siya nakilala, at bakit parang galit ka sa kanya?" bago ko pa sagutin ang tanong na 'yon, nakita ko na si Jam na nakaupo sa usual table namin. Tinawag nga ako, eh. Sa lakas ba naman ng boses, rinig ng lahat. Talagang agaw atensyon kami ano?
"Tara, Paloma. Excited na akong ipakilala ka kay Jam." medyo pahila kong sinama sa table namin si Paloma sa excitement ko ba. No'ng nakarating na kami sa table, tumayo si Jam, at nag rated E.P. (Eye Poor, in tagalog, Mata Pobre. MATAPOBRE) kay Paloma. As in 'yong head to toe na pangkikilatis na ang maldita ng dating.
"Who's this girl with you?"tanong niya sa akin. Parang nagseselos na jowa lang ano?
"Ah, bes, si Paloma nga pala. New classmate, and new friend," tumingin ako kay Paloma no'n, at inilahad ang kamay sa gawi ni Jam, 'yong nag iintroduce na gesture ba, "and ito naman si Jamaica ang best friend ko."