Chapter 36: NEW YEAR =D

36 2 0
                                    

BEAUTY'S POV

Pop up ng pop up sa ulo ko 'yong nangyari kanina sa bahay nila Romeo.. WAHHHHHHHHHHHH!! Kinikilig ako! Gusto ko tumili! Kaso madaling araw na kasi, eh. Tulog na, at medyo tipsy sa champagne si Mudra kaya quiet na lang ako dito. Kahit na gustong gusto ko talaga sumigaw!! \(>w<)/

Grabe.. 'Yong mga nangyari kanina.. Ang intense. Hindi ako makaget over. Napahawak ako sa locket na ibinigay sa akin ni Romeo, at napangiti na parang ewan. Saan niya kaya nakuha 'yong picture ko na nilagay niya dito? Siguro kumuha na lang siya sa FB ko. (Modern na mga sisterakas, at braderets!) Pero, kinikilig talaga ako! (>W<)

Nag online ako sa computer namin. Pagbukas ko ng FB ay.. May relationship request si Romeo. WAHHHHHHHHHH! Hindi ko pa halos mapaniwalaan na pinindot ko na nga 'yong accept.

Beautiful Lady Anggara Punzalan is in a relationship with Romeo Sy O'Hara

Pinisil pisil ko ang mga pisngi ko para maconfirm kung panaginip ba itech.. OUCH! Masakit! Ibig sabihin totoo! WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!

____

So, kami na nga officially ni Kapre. Magkasama kami buong Christmas vacation. Kung hindi siya pupunta at mangungulit sa bahay ko, nandoon naman ako sa bahay nila. Palagi kasi ako ni mommy Alyn pinapapunta doon. (Tinuturuan niya ako magbake, wieee!) Nahihilig na nga ako sa baking, eh. Nakilala ko na nga rin pala ang aso ni Kapre na Labrador retriever na nakikita ko lang dati sa FB niya. Ang cute cute, pero, sobrang kulit! (>w<)Ang pangalan niya ay Archie. ♥ May tatlo pa silang aso. Dalmatian, Golden Retriever, at German Sheperd. Puro babae na 'yong tatlo, hehe. Names naman no'ng tatlo ay Lulu, Lili, at Lala. (Parang tanga lang! HAHA.)

Ooh, by the ways, highways, magninew year na! (Three minutes na lang NEW YEAR NA!) Nandito kami sa beach ngayon. Kasama ko si Kapre, Jam, Kaizer, Brix, Paloma, Nelson, at Patrick. (No parents ang sumama. Magkasama ang mga parents namin naman na nagcecelebrate.) Nagrent ng hut si Kapre, at si Jam naman ay nagrent ng Karaoke machine. Potluck kami ng pagkain, at inumin. (FYI: Hindi kami uminom ng kahit anong alcoholic. HEHE.) Nagreready na kaming lahat dito. May hawak kaming lusis, and when the clock striked 12 am.. "Guys, New Year na!" sigaw ni Patrick, at ayun, may mga fireworks sa langit, and pinaputok na rin namin 'yong lusis na hawak naming lahat. Iba ibang kulay.. It was AMAZING!

Nagkaraoke, kumain, at nagkwentuhan kaming lahat no'n hanggang sa magkapaguran na, at magkayayaan umuwi. (Pinagbigyan nila ako kumanta this time, hahahhaa! Kumanta ako ng Clumsy, tapos sabi ba naman ni Kapre para raw akong tumutula. HMMP! Pasalamat siya at labs ko siya ano. :P)

Pasukan na ulit sa iskulembang three days later. At alam niyo bang si Jam, at Kaizer ay magjowa na rin! (Bilis ano? HAHAHA!) Kaya si Paloma na lang ang hindi pa IN A RELATIONSHIP sa amin. Nililigawan pa kasi siya ni Brix, eh. ;) Ilang days pa ang lumipas, at third quarter exam na namin. WHEW! Aray, ha? Sakit sa utak no'ng inaral namin. Naalala ko tuloy no'ng nag aral kami ni Kapre sa bahay nila. >:D< Nagpatulong ako sa kanya sa Trigo, eh. (Mas magaling kasi siya sa Trigo.) Kaso, hihiramin ko 'yong sinabi niya, it was a LOST CAUSE, kasi hindi talaga magprocess ang utak ko no'n. Kaya nag end up kaming nakikipaglaro kay Juliet. (Pinagtripan namin siya, hahaha! ) Pinagsuot namin siya ng daster, tapos minake upan siya ni Juliet. Nagpicture picture nga kami no'n, eh. Pero, syempre hindi namin inupload sa FB. (Baka machismis pa na tumagilid na siya, eh. HAAHAHAHHA!) Basta, ang saya no'n.

Today.. Today na ang results.. "Anggara, average of 90." awtsubells! ANG SAKIT! Napakasakit, kuya Eddie! TOP 5 na lang ako? Bumaba ako ng isang baitang sa TOP?! WHY?????!!!! :'(

Bad trip ako buong araw. Asiwa nga ako, eh kahit no'ng cotillion practice namin kanina sa gym para sa Prom na gaganapin sa February 15 (next month).

At dahil nga bad trip ako sa resulta ko (Malamang karamihan sa inyo OA tingin sa akin ngayon. ), chineeer up ako ni Kapre no'ng uwian. Nagpunta kaming dalawa sa mall no'ng uwian. Kasama pa nga namin si kuya Fernan, eh. HAHAHA. >:D< Nagpunta kami sa arcade, at nagpakasaya. Naglaro kaming tatlo ng Slam Dunk doon sa Arcade. POTEK. Mas nataasan ko pa ng score si Kapre, eh. >:D< Talaga palang shunga mag basketball. Tsk! Sa tangkad niyang 'yon. :P

Nag dance battle rin kami sa dance revolution, then again, natalo ko na naman siya. (At si kuya Fernan.)

Namaril kami ng mga zombies, nag karera, tinry kumuha ng mga stuffed toys (tapos FAIL) at nag soft ball battle kami. Pagkatapos naming magpakabusog sa isang korean resto doon sa mall, ay umuwi na rin kami.

No'ng nasa kotse kami ni Kapre, nakaakbay siya sa'kin, at nakasandal lang ang ulo ko sa balikat niya. Officially Missing You ang tumutugtog sa radio ngayon. (Walang konek ano? HAHHAA.)

At bigla na lang namin napagusapan 'yong future. "Ano'ng plan mong kunin na course?" tanong niya sa akin. Napaisip ako.. "Napapahilig na rin ako sa baking, eh." sagot ko sa kanya. "So, baka kumuha ako ng Culinary. Or, ano ba.. Pastry making?"

"Mas maganda culinary para marunong ka rin magluto, hindi 'yong puro desserts lang. Tignan mo si Momma, sa bake lang magaling, hahaha!" loko talaga 'tong Kapre na 'to. Pagtawanan ba naman daw ang nanay. HAHAHA. (A/n: Tumawa ka nga, oh! :P)

"Eh ikaw, Kaps? Ano'ng course kukunin mo?" tanong ko naman sa kanya habang nilalaruan ang palad niya. "Mmm.." kiniss niya muna ang buhok ko bago niya ituloy ang sasabihin niya, "Gusto ko mag Engineering."

"Anong klase ng Engineering naman, aber?"

"Civil." murmur niya sa buhok ko. Ahhh.. "Dito ka naman sa Pilipinas mag aaral, 'di ba?" tanong ko. Hindi siya sumasagot. Kinurot ko siya. "Aray." reklamo niya.

"Diba?" ulit ko sa kanya. "Oo. Sakit mo naman mangurot, eh." hinihimas niya pa 'yong tagiliran niya no'n. "Oopsie, sorry!"

"Sorry, tapos tumatawa ka?" nag tampo tampuhan face siya no'n. "Itigil mo nga, Kaps. Hindi bagay. Muntanga." halakhak na naman ako no'n  hanggang sa nahawa na rin siya sa kakatawa.

"Ilang anak ang gusto mo?" napatigil ako ng tawa no'n. Nagulat naman ako sa tanong. Aba, bakit parang seryoso naman mukha nito? "Umm.. 5 siguro? Ahehehe.." sagot ko. Nagbablush na siguro ako. JUSME!

"5 lang?"  "Eh?!?!" gulat ako, ah. Anong 5 lang!? LANG!

Tumawa siya ng bahagya, at hinilig sa noo ko ang noo niya. Forehead to forehead kami ngayon. "I want 10 kids." napanganga na lang ako sa sinabi niya. Grabehan! Kakayanin ko ba naman 'yon? 10! Doble ng amount na gusto ko 'yon, ah! :OO Hinampas ko siya ng mahina sa dibdib.

"Losyang na ako no'n, tangi ka."  "You will be forever beautiful in my eyes." hmmp. Pwet. Forever raw. HAHAHA. Kilig naman ako. :")

"Basta, Kaps, ah. Ayaw ko ng bahay na sobrang laki, ah. At saka dapat marunong rin magtagalog ang mga anak natin."

"Kahit marunong pa sila mag gay language okay lang sa'kin." kumindat siya no'n, at natawa ako. "Matutuwa sila Mudra." ani ko. Napasmile ako naiimagine ko pa lang.

"Sana tayo na forever." seryoso kong pagkakasabi. Kiniss niya ang noo ko, "Of course naman. Hinding hindi kita pakakawalan ano."

"Dapat lang! Kundi.." itinaas ko ang kamao ko, at nautal na naman siya, "Hehe.. A-ano ka b-ba naman! Hahaha!" hehehe! ;)

Bago ako bumaba ng kotse niya no'n, "Thank you for today, Kapre. Thank you sa pagchicheer up sa'kin." at dahil nanonood sa amin si kuya Fernan na nakangisi pa ng malaki, ay sa cheek lang ang kumiss sa kanya. "You are the best boyfriend ever. I love you."

"I love you, more." nagblush siya no'n, at ayun, sinarahan ko na ng pintuan. HAHAHAHHA.

Miss BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon