ROMEO'S POV
Nakauwi na rin ng bahay sa wakas. What. A. Day. Grabe, ang epic ng araw na 'to. Kaklase ko pala 'yong tatanga tanga na babaeng 'yon.. At pinahiya ba naman ako sa klase namin, at sa cafeteria? Kasalanan bang magkaroon ng height na 6'7? Kapre na kaagad kapag 6 footer ka? Some people talaga are.. Well, mga walang breed. Wait, what am I saying? Ako nga rin tawag ko sa kanya bubwit, eh.. Pero, whatever. Sabi nga... WHEN IN ROME.
"My Romeo!"
"Oh, Juliet!" niyakap ko ng mahigpit si Juliet. Syota ko. Dejoke lang. Kapatid ko. Oh, ano? Corny? Upakan kita diyan, eh.
Hindi ko na rin kasalanan na Romeo at Juliet ang pinangalan ng nanay ko sa amin.
"I missed you!" sweet talaga itong kapatid ko. Cute pa!
"I missed you, too, Juliet mine. Where's Momma?" hinila niya ang kamay ko papasok sa bahay namin, at ako, ito, nakasunod sa kanya.
Juliet is 5. Siya ang angel namin sa family. I just love this little creation to bits. Pero, for what I'm sure is magiging matangkad rin ito someday. Hindi tulad ng iba diyan... Ehem. Tamaan buti nga.
"Momma! Momma! My Romeo is home!" umm.. My Romeo ang tawag niya sa akin imbis na kuya. Wala, nakasanayan na niya, eh. Archaic 'tong bata na 'to na 'di mo maintindihan.
We found Momma in the kitchen with a plate of HOME MADE goodness a.k.a Pecan Pie.
"Hello, son. How was school?" nilapag niya 'yong plate ng binake niyang pie sa counter, at nag hug siya sa akin. "It was all right, Momma." nagpakarga sa akin si Juliet, at habang karga siya ay tumungo ako sa direksyon no'ng pie.
"Hep, hep.. Mag wash up ka muna before touching that pie, tapos bumaba ka ulit at ikwento sa akin ang experience sa school." ha! Experience? Nakakasuka.
Umakyat na ako no'n sa room ko, at nagbihis na ng damit na iniready na ni Yaya for me sa kama ko. HAYYY. I didn't know na ganito pala ang feeling na magschool sa Philippines.. I mean, back in Ireland.. Wala. Normal lang naman sa former school ko ang mga mukhang tulad ko. At ang height ko. Dito? Instant celebrity ako, eh. Ang daming girls na sumusunod sa akin, at.. Parang gusto ako ifriend ng mga lalaki sa class. Pero.. Nah. Hindi ako sasama sa kung anong group lang. Marunong ako mag choose ng friends.
Okay, hindi pa pala ako nakakapag introduce ng maayos..
Romeo S. O'Hara ang name ko. (S for Sy.) 50% Irish, 25% Chinese, 25% Pinoy. (Full blooded Irish kasi si Dad, and my Mom is a hybrid. Chinay.) Bakit ako marunong magtagalog kung sa Ireland naman ako galing? Good question. Dito kasi ako sa Pilipinas pinanganak, at hanggang 8 years old ako dito ako nag school. (Pero, sa international school ako nag aral) And, tinatagalog naman ako ng mother ko kahit nasa Ireland ako para hindi ko raw makalimutan ang roots ko dito. Ngayon, after 7 years, nagbalik ako dito sa Philippines. Namimiss ko na kasi dito.. Ang lola ko dito.. Mga pinsan ko.. At saka, masyado ng boring sa UK. Nahomesick ako. Payag naman si Dad na dito kami nila Momma, at Juliet, tutal, nandito rin naman si Dad.
May Patisserie si Momma dito sa Philippines. She trained to be a pastry chef sa Paris dati. Si Dad naman ay co owner ng ilang hotel joints dito sa Manila. Nakalimutan ko 'yong bilang... Sige, 'yan na lang muna ikwento ko. Next time naman 'yong iba, pagod ako galing sa school.. At masakit ang tenga ko sa mga sigaw ni bubwit. (Hindi ko pa nga pala nalalaman ang pangalan ng unano na 'yon..)
BEAUTY'S POV
Nakauwi na rin sa WAKAAAAAAAAS! Kamuntik muntikan pa masira ang BEAUTY ko sa school. Dahil kasi kay... AGHHHH! Ayaw ko man lang isipin ang sanggano na 'yon! Dahil sa kanya...