Chapter 17: Meet Mudra

65 1 0
                                    

No'ng nasa loob na kami ng school and the coast was clear, bumitaw na ng pagkaakbay si Kapre sa akin. "Bakit kasama mo 'yon?"

"Sinundo ako, eh. Hoy, Kaps. Bakit ba ang hilig mo sumingit?! Pinaglihi ka ba sa singit?!" napatingin na naman sa amin 'yong mga papasok rin na students kaya hininaan ko ang boses ko. Parehas kami ni Kapre ngumiti ngiti lang sa kanila na para bang walang nangyayari hanggang mga nakalagpas na sila.

"Yuck, ha. I mean the singit bit. Kaya naman ako umextra sa inyo kasi..."  "Kasi?"

"Kasi kunwari nga ako ang boy friend mo, 'di ba? Para lang hindi na umaaligid ang ex mo sa'yo at kung sino pang mga lalaki na nag eexist na walang taste."

NAKU! Kung abot ko lang siya, baka binatukan ko na hanggang mapugot ang ulo, eh!

"Ang yabang mo, ha. Parang nakakalimutan mo kung saan ko kayo ng mga alipores mo nakita kahapon." ngumisi ako sa kanya no'n, at ninerbyos ang mukha niya.

"Hoy, bubwit..."  "Ah, bubwit pala, ha..." 

"Joke lang! O sige na nga.. HOY, beast.." akmang isisigaw ko na ang maitim niyang sikreto ng.. "Hoy, Beauty!"

"Ayun naman pala, eh! Kaya naman pala ako tawagin sa pangalan. Tsk!" hahaha! Sarap asarin ng Kingkong na 'to! Namumula na, eh!

"Hoy, Beauty.. Kapag may nakaalam ng nangyari kahapon.."  "Ano? Anong gagawin mo?"

"Sasabihin ko sa pangit mong ex na fake lang ang pagiging mag bf/gf natin. At sasabihin ko mahal mo pa rin siya."

"HOY! Sinong may sabi sa'yo, ha!!? Papatayin ko!" yuckkk! Mahal mahal siya diyan.. Never ko naman minahal ang mokong na 'yon! Isang malaking pagkakamali 'yon!

"Basta, huwag mong ipagkakalat.. At saka oo nga pala.. Ihahatid kita sa inyo mamaya."

Muntik matanggal sa bungo ko ang mga mata ko sa lubha ng pagkaluwa nito sa sobrang gulat.

"ANOH?! BAKETTTT?!?!"  "Makareact ka naman parang gustong gusto ko gagawin ko, ah. Tsk!"

Gashong talaga 'tong mamaw na 'to, eh! Hindi naman sa gano'n! KASO, WHY?!?!?!

"Huwag kung ano ano iniisip mo diyan. Ambisyosa 'to." umiling iling pa siya no'n as though nasisiraan ako ng bait. "Ihahatid kita pauwi kasi kailangan ko kausapin ang Mom mo."

Lalong lumuwa ang mga mata ko no'n. "Bakit?!?!?!"

Nagbell naman bigla, at tumakbo na si kupa*. "Mamaya ko sasabihin sa uwian!"

GRRRRRRRRRRRRR!

..

Sinundo ako ni Jam sa classroom no'ng recess. Umirap effect pa nga kay Paloma, eh. Buti na lang talaga at mabait si Paloma, eh. Hindi na lang pumatol. ^___^ No'ng nasa canteen na kami...

"Bes, anong trip ni kuya London kaninang umaga? Bakit sinundo niya ako?" lumunok muna si Jam ng kinakain niyang Haloumi sandwich bago sumagot, "Kasi crush ka niya, eh."

Napabuga ako ng iniinom kong gulaman no'n. NAKU! Buti na lang at hindi si Jam ang nabugahan ko kundi magwawala 'to! Pero, napabuga ako sa tabi niya. WTF?!?!

"Makareact ka naman diyan, bes. As if hindi mo halata ano."

"Medyo halata.. Pero, grabe.. Why me? I mean.. Paano? Kailan?..."   "Sino, bakit, saan?"

ANG PUTIK. Singit na naman ang kapre na 'to?!?!

"Ano na naman ginagawa mo dito?!" shete naman. Napalakas na naman boses ko. Bakit ba kasi siya entra ng entra?

"Ang sungit mo sa boyfriend mo, ah. Usog nga, paupo." nakanganga lang si Jam sa kanya no'n at nakatitig yata lahat sa amin ang mga nasa canteen. Hilig talaga gumawa ng eksena nito, eh.

Miss BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon