"Beauty, my dear, darling, junakis! Kumusta ang first day? May bago bang fafable?" ang mainit na greeting ni Mudra sa akin matapos ang shift nila for the day. Kakasara niya lang ng salon, at pakain na kami ng dinner ng mga ninangs ko.
"More like EPAL, Mudra. *Imbey!" bumeso ako sa kanya, at bumalik sa pagseset ng table.
(BEKI GUIDE: *Imbey= Imbyerna)
"Ay, why, oh, why, baby girl? Sino 'yang epal na 'yan? Nakuu! Buti hindi nasira ang beauty mo!"
Naupo na kaming lahat no'n sa dining, nagdasal, at saka ako sumagot. "Naaalala niyo ho ba 'yong kwinento ko na nakatapon ng cocktail sa pagkaganda kong dress sa party ni kuya London?"
"You mean sa party ng future son in law ko?"
"Mudra naman!" hayyys! Si Mudra talaga. Palagi na lang ako inaasar kay kuya London.
"Bakit? Eh, bagay naman kayo ni London, eh." pang aasar pa ni Ninang Faye. Hmmp! Palibhasa kasi naisama siya sa Bora no'ng summer kaya boto na kaagad kay kuya London.
"Pero, brother ko na 'yong si kuya London."
Nag WEH silang lahat no'n. HAYYYY. Mga echosera talaga 'tong mga 'to. "Anyways, as I was saying, Mudra.. 'Yong guy na tumapon sa damit ko.. Well, kaklase ko lang naman."
"Oh, my, gosh! Talaga?!"
"Yup. And imbyerna ako all day. Nakakaasar siya, Mudra! 'Yong kapre na 'yon.. Grrr!"
"Hinahon lang, beh." si Ninang Madonna 'yon na kasalukuyang sumsandok ng beef steak.
"Kasi naman po.. Dahil sa kanya ay gagawing taga linis ng kubeta ang beauty ko!"
"WHAT?! OMG, hindi pwede ito! Magwewelga ako sa *iskulembang mo bukas, my dear. Sa bahay nga hindi ka namin pinapakilos masyado, eh!" awww.. Sweet ni Mudra. (BEKI GUIDE: *Iskulembang=School)
"Pero, po.. Umm... Medyo kasalanan ko rin naman." nagsitaasan ang kilay nilang lahat.
"What did you do, junakis?" nag aalalang tanong ni Mudra.
"Bullying raw, Mudra. Kasi makailang tawag ako sa kanya ng KAPRE, at pinahiya ko pa siya sa canteen kasi tinalsikan niya ako ng tubig sa drinking fountain."
"Bullying? Eh ikaw ang angel ng tahanan na ito, ah? Impossible 'yan, baby cupcake!" si Ninang Lotlot naman 'yon. "At saka siya naman ang nagsimula, ah?" inis na si Ninang Faye no'n.
"Naku, junakis.. Baka crush ka no'n kaya nagpapaepal sa'yo!"
*UBO UBO* Nakuu! Muntikan pa ako mamatay dahil dito kay Mudra! Nabulunan tuloy ako sa bakang nginunguya ko.
"Hinay hinay kasi sa paglafang, babycupcake. Dapat kaing dalagang filipina!" saway ni Ninang Lotlot habang inaabutan ako ng isang baso ng tubig.
"Naku, mudra, yuck! May I die na lang ako." sabi ko matapos ko uminom ng tubig.
"Naku.. Paglilinisin nila ang junakis ko. Banyo pa!" nag aalala na ang mukha ni Mudra no'n. "Paano kung madulas, at mabagok ang ulo ng junakis ko?!" OA naman si Mudra.
"Hayaan niyo na po, Mudra. Isang linggo lang naman po. Sure naman po ako na makakasurvive ako."
____
"SUKO NA AKO!!!!"
WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH.
KADIRI ANG MGA BANYO SA SCHOOL NAMIN!!!!!! Dinaig pa ang public toilets sa baho, at dumi!!!!!
Grabe.. Naturingang banyo ng mga babae 'to, tapos.. ANG DUMI DUMI! Anong pag etchas, at pag ihi ba ang ginawa ng mga magagandang dalaginding ng iskulembang na itech?!