Chapter 41: See you..

43 2 1
                                    

BEAUTY'S POV

Agos ang luha ko ngayon habang tumatakbo papunta sa suite ni Romeo sa top floor.. Malakas ang dagundong ng mga paa ko, at ng puso ko..

TUGUDUG. TUGUDUG. TUGUDUG. TUGUDUG. TUGUDUG..

Sa bawat hakbang na papalapit ako, pakiramdam ko ay mauubusan ako ng bait..

Romeo..

Romeo....

Romeo....

"Romeo!" ubod ng lakas kong nasabi pagbukas ko ng pintuan. Napatingin sa akin si mommy Alyn, at si Dad na nakatabi kay Romeo.

"Romeo!" tumakbo ako sa gawi niya... "Ba.. Bakit po hin.." nauutal ako.. Hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil umiiyak nga ako.

"Nakatulog siya ulit, eh." nakangiti kahit na may mga luha ang mata na wika sa akin ni mommy Alyn. MY GOD.. Totoo ba ito???! Nagising na talaga si Romeo???

Yumakap ako sa kanila ni Dad ng mahigpit, at umiyak. Sa sobrang saya.. Sa sobrang galak.. Ligtas... Ligtas ang Romeo ko!!!

THANK YOU, LORD!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

"He'll definitely wake up soon, darling girl. And do you know who came in to his head the very moment he woke up?" ani sa akin ni Dad. Umiling ako, nakangiti ng maluwang, at hindi pa rin natatapos ang kakaleak ng mga luha ko.

"You." hindi galing kay Dad ang sagot, hindi rin kay mommy Alyn.. Hindi kay Mudra, o sa mga ninang ko...

....

Napatingin ako sa pinanggalingan..

Galing sa lalaking.. Galing sa lalaking bumubuo sa akin. Nakatingin sa akin, at nakangiti ng ngiti niyang nakakatunaw. "Ro.. Romeo.." nauutal ako dahil sa hindi ako makapaniwala.. Agad akong yumakap sa kanya, at humagulgol sa leeg niya. GRABE.. Hindi ako makapaniwala na gising na siya.. Na nabuhay siya.. Na magkasama kami ulit!

Hinahagod hagod niya lamang ang likod ko no'n, at hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. "Areku.." kumalas ako no'n. Ay, oo nga pala. Injured siya. Naku naman! Sorry naman! Namiss ko 'to, eh. :'))

Iniwan muna kaming dalawa lang dito sa kwarto para makapagmoment raw muna kami. Pagkalabas na pagkalabas nila ng kwarto ay yumakap ako sa kanya ulit. "ANO KA BA, HA?! NAG ALALA AKO SA'YO! HALOS MAMATAY AKO SA PAG AALALA! HALOS ISANGLA KO NA ANG KALULUWA KO PARA LANG MAGISING KA NA.." humagulgol na naman ako, at hinahagod niya ang likod ko.

Kumalas lang ako ng bahagya sa kanya para mahawakan ko ang ulo niya, "Bakit ngayon ka lang nagising? Hindi mo ba alam kung gaano ako nasaktan? Hindi mo ba alam kung gaano kita namiss?"

May mga luha ring nagbabanta na tumulo sa mga mata niya no'n. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay, at kiniss ito parehas. "I'm so sorry, Bubwit ko. Hindi ko sinasadya." lalo akong naiyak no'n, at yumakap na naman sa kanya.

"Sinabi mo huwag akong bibitaw... Hindi ako bumitaw." nanginginig kong sinabi sa kanya.

"Akala ko mamamatay na ako. I guess napakaswerte ko na mabigyan ng pangalawang pagkakataon mabuhay... Alam ko na ang purpose ko sa mundong 'to.." nag pause lang siya saglit sa sinasabi niya para hagkan ang mga labi ko ng mainit niyang halik, "ikaw. Ang manatili sa tabi mo, mahalin, at protektahan ka habang nabubuhay ako." patuloy niya matapos niyang gawin ang ginawa niya.

"Huwag mo na ulit gagawin sa'kin 'yon, ah?" hinagod ko ang buhok niya. Tumango siya no'n, ngumiti.. Sabay kumunot ang noo. "Bubwit.. Bakit namayat ka?"

"Dahil sa'yo, duh?" biro ko, himala ng mga himala, tumawa ako ulit. GRABE, matagal tagal rin no'ng huli akong tumawa, ha.

"Tsk.. Hindi pala bagay sa'yo pumayat. Mukha kang bangkay, hahahahahha!" aba, aba! Kakagaling niya lang nang aasar na?!

Miss BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon