Chapter 32: That KID from Karate class

29 2 0
                                    

BEAUTY'S POV

Magkajoinalyn viray na kaming kumain palagi nila Kapre kasama na rin mga friends niya kapag recess at lunchbreak. Alam niyo ba, napapansin ko nga na parang nagiging close na si Paloma, at Brix, eh.

"Tignan mo 'yong dalawa kung mag usap." bulong sa akin ni Kapre. Aba, parang naglalandian na nga sila Paloma, ah.

"Bagay sila ano?"

"Mas bagay tayo, Bubwit." nagwiwiggle wiggle pa ng kilay na sagot sa akin ni Kapre. ASUS. Talagang adib adibs. ♥♥

May kumalabit sa balikat ko no'n. Nilingon ko, at...

WOAH. May lalaki na.. Cute siya, ah! Hindi siya tisoy, hindi rin naman maitim.. Katamtaman lang. Mga 5'9 siguro... May dimples. (Nakangiti sa akin, eh.) And injerness, may pagkahawig kay fafa Coco Martin ang koya mo! Pero, bakit naman ako kinakalabit nito?

"Yes?" tanong ko, nakaupo pa rin ako. Nakatingin na rin sa kanya lahat ng kasama ko sa table.

"Beauty?" oh! Bakit kilala ako nito? Well.. Kilala naman ako ng karamihan dito, eh. Pero, hindi ko pa 'to nakikita, ah.

"Ako nga." lumaki ang ngiti niya no'ng sinabi ko 'yon. "Sabi na ikaw 'yan, eh. Hindi mo na ako tanda?" teka.. Sino ba 'to? Familiar nga siya kung tutuusin. Pero, umiling pa rin ako.

"Sorry, ah.. Hindi ko matandaan.. Pero, kilala kita?" tanong ko. Tumango siya.

"Kilala mo ako, Xiao Yu." naglakihan ang mga mata ko no'n, at napatayo ako. "Jin!"

Napakayakap ako sa kanya no'n, at yumakap rin siya sa akin ng mahigpit. Si Jin! Ehe.. Hindi talaga JIN ang pangalan niya. Kaizer Delas Alas ang pangalan niya. Dati ko siyang naging buddy buddy sa karate classes ko. Jin at Xiao Yu ang palayaw namin sa isa't isa kasi 'yon ang favorite Tekken players namin. (Alam niyo naman siguro ang Tekken ano?)

Narinig kong nag AHEM ng malakas si Kapre no'n kaya napaharap ako sa kanila. "Ah, guys. Meet Kaizer, my friend from childhood. Kaizer, friends ko."

"Hello." bati ni Kaizer sa kanila. Bumati rin naman sila, pero, nakatingin lang si Kapre sa kanya na hindi mo maipinta na naman ang mukha. "Kaizer, naaalala mo si Jam? 'Yong best friend ko na minsan nakasama mo rin kumain no'ng dinala tayo sa Jollibee nila Mudra?"

"Ah, yes. Hello, Jam." tumayo si Jam, at nakipagkamay sa kanya. Nakasmile nga ng maluwang si Jam, eh. Nabalik ang atensyon ko kay Kaizer. "Grabe, tagal nang panahon mula no'ng huli tayong nagkita, Jin!"

"Oo nga, eh. Bakit hindi ka yata tumangkad masyado, Xiao Yu? Mas matangkad ka sa'kin dati, ah." aba! Loko rin 'tong Jin na 'to, ah. Guluhin ko nga ang buhok. "Yabang mo, Jin! Ikaw rin naman, ah. Sabi mo pa sa'kin magiging six footer ka."

"Hehe..Oo nga, eh."    "Paano mo nga pala ako nakilala?" tanong ko.

"Well, kakatransfer ko lang dito. Sakto namang may naging friend ako sa class ko na may crush sa'yo at walang bukang bibig kundi ikaw. Kaso, may nangliligaw na raw sa'yo, ah." parang 'yong hitsura ng mukha niya no'n ay 'IKAW HA!'

"Hehe.." napatingin ako kay Kapre no'n, at ngumisi siya sa akin. "Romeo, pare." tumayo si Kapre, at nakipagkamay kay Kaizer. Nagulat naman si Kaizer kasi nga ang tangkad ni Romeo pagtayo niya, at dahil nagpakilala nga sa kanya.

Tumingin sa akin si Kaizer. "Ito 'yong manliligaw mo, Xiao Yu?" napakamot ako ng ulo, at tumango.

ROMEO'S POV

Aba, 'tong si Bubwit... Parang kinahihiya pa yata ako, ah!

"Nice. Ang tangkad ng manliligaw mo, Xiao Yu." said the KAIZER guy. Talaga. At hindi lang matangkad, gwapo pa, at star player ng football dito.

Miss BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon