BRIX'S POV
11 na pala ng gabi. Tskk. Napuyat na naman ako dahil kay Romeo. Ito, pauwi pa lang ako sa amin kasi nga galing ako sa bahay nila. (IMBA! Ang laki, at ang ganda ng bahay nila... WHEW! Rich boy masyado.)
Pinapunta niya kami nila Nelson kasi nagpapatulong nga para bukas.. Magtatapat na kasi siya kay Beauty bukas sa Homecoming dance. Ito, dinamay pa kami na back up singers niya kapag hinarana niya si Beautiful ng... Sinuggest ni Karlo na kanta. HEHE. Bagay raw kasi kay Beauty 'yong kanta. At saka kasi kailangan niya rin linawin kay Beauty 'yong nangyari nga no'ng Lunes. 'Yong kay Yukiko.. (Tae kasi 'yang si Romeo, lakas ng appeal, eh!)
HAYY. Wait, and see tomorrow. Maraming pinrepare si Romeo na kacornyhan. HAHAHAHA.
JAM'S POV
Rise and shine.. HAYY. Sarap magstretch. OMG! Today's the DAY! Homecoming ngayon, at.. WAHHHH! Magtatapat na si Romeo kay best friend! Speaking of.. Nasaan si Beauty?
Siguro nasa baba na, nag aalmusal. Maghihilamos lang muna akey, and susugod na rin ako sa baba.
BEAUTY'S POV
Nyak! Umaga na! NAKUPS.. Nakatulog ako dito sa sementeryo?! NAKERI KO 'YON?! WAHHHHHHH! Kahit na umaga na.. Kailangan ko nang umalis dito... Ayaw ko talaga sa sementeryo, HUHUHUHU.
Grabe.. Saan naman ako pupunta? Ang dumi dumi ko na, at amoy araw na ako. :\ Ehh.. Ayaw ko pa bumalik.. Gusto ko muna.. Hayy. Makapagstay na nga lang dito, tutal umaga naman na, eh. At natatanaw ko na 'yong mga keeper dito at maglilinis. I am not alone. :) May mga tao na, may cellphone akong kasama, at may Skyflakes pa naman ako sa bag, at tubig. (NAKS. Dora lang, ah! Nag aadventure, at maraming kung ano ano ang bag. HAHAHA!)
ROMEO'S POV
I can't wait.. Mamaya.. Mamaya magtatapat na ako kay Beauty. Sa harap ng mga pupunta sa Homecoming party. "Son, you okay?" napatingin ako kay Momma. Late breakfast kami ngayon, eh. 11 A.M. na.
"Yes, Momma." "Hmm.. Excited ka for later ano? Mamaya mo na isipin 'yon, son. 5 P.M. pa 'yon. Anong oras pa lang?"
Well, sabagay.. "And, son. Nakita mo na ba 'yong isusuot mo mamaya?"
"Yes, Momma. Black suit?" she nodded. "Ako mismo pumili no'n! Bagay na bagay kaya sa'yo 'yon!"
I smiled at her. Geez. Mothers. "We are so proud of you, son."
"Thanks, Momma."
JAM'S POV
Bumaba na rin ako maya maya pa. Kuya London's done eating, and patayo na ng table. "Oh? Bakit ang tagal mo sa taas?"
"Naghilamos ako, eh." I sat down, and kumuha ako ng bagel sa bread basket. "Nasaan si Beauty? Tulog pa siya?"
Nagfreeze ang kamay ko sa ere. "Nauna siya bumaba dito, ah? Pagkagising ko wala naman na siya sa tabi ko.." naglakihan ang mga mata ni kuya. "Nawawala siya?!"
I laughed. "Ano ka ba, kuya. Hindi 'yon. Baka bumalik lang sa kanila."
"But.. She would've told us, right?"
Uminom ako ng orange juice. "Or baka naman nagchill lang sa mall. Babalik rin mamaya 'yon, lalo na't homecoming today at aayusan ko siya ng bongga."
___
4:30 P.M. na, ah?! Nasaan na si Beauty!? Malelate siya sa Homecoming niyan, eh!
Wait.. Tumatawag si Romeo...
"Hello?" "Hi, Jam.. Uh..."
"Nakabihis ka na, Romeo?" "Yes. Actually, nandito na ako sa school."