Chapter 2: Chez Delgado

75 5 0
                                    

Napuyat kami kagabi nila Mudra, at ng mga ninangs ko kakahanap ng isusuot ko na dress.

SCENE KAGABI>>

Mudra: Naku, my dear, darling, Beauty, dapat maakit mo si London sa isusuot mo, para ikaw na ang next tagapagmana ng Hacienda Delgado! *Tarushh!

(BEKI GUIDE: *Tarush=Taray)

Nakuuu! Si Mudra talaga! Mga pinagiisip, eh. Parang kapatid ko na kaya 'yong si kuya London. At saka, wala namang Hacienda mga 'yon, eh. OA talaga si Mudraks minsan!

Ninang Nina: Oi, teh Jackie.. Kakabreak lang nitong *junakis *motchi doon sa jowabells niya no'ng kailan ba 'yon?? *Sabay tingin sa gawi ni Ninang Sheryl*

(BEKI GUIDE: *Junakis= Anak *Motchi= Mo as in YOU)

Ninang Sheryl: Last month?

Hayyy. Itong mga 'to talaga.. Budburan pa raw ba ng iodized salt ang sugat ko?

Me:  Hayy. Kayo talaga. Basta, dress to kill raw sabi ni Maica. (Si bes Jam. Whateberrr. Kung anik anik lang tawag ko do'n. Maica, Jam.. Bes.. Bru..)

Ninang Madonna: Naka move on ka na ba doon sa lumapastangan sa'yong 'yon, beh? *Nag aalala eyes*

Mudra: Hayy. Naku, baka mastress lang itong junakis kong mahal sa topic na 'yan at chumaka pa bukas. Enough na sisters! Back to dress hunting tayo!

Ninang Madonna: Okay sa alright! Tara back to dress hunting mga sis! At.. *Baling ulit sa akin* Buti na lang napatigil ko 'to magluto kanina, kundi, naku!!! Big problemo! Baka nalapnos pa balat niyan.

HAYYYYYY..

END SCENE>>

At ito, nasettle na ako sa Silver cocktail dress na 'to. Halter dress siya. 'Yong isang shoulder lang ang covered, at mettalic siya kaya magshashine bright like a diamond raw ako mamayang gabi!

Kasalukuyan kaming nanananghalian sabay sabay ngayon. Breaktime kasi nila.

"Junakis, my dear, darling, Beauty, paabot ng patis." inabot ko naman kay Mudra 'yong patis. Nilagang baka kasi ang tanghalian namin, eh. YUM!!

"Ayy, oo nga pala, baby cupcake, tumawag kanina sa landline sa parlor si.." hindi naituloy ni Ninang Lotlot 'yong tirada niya kasi sumingit si Mudra.

"Lumafang ka na nga lang diyan, Lot. Talagang *more kuda dapat?"

(BEKI GUIDE: *More kuda= Madaldal/ Makuda/Maboka you name it!)

"Hmmf!" iritang reply ni Ninang Lotlot sa kanya. Aba, sino ba kasi? May nililihim sila sa akin, ah!

"Mudra, *sinetch itong mystery caller na *itis?" tanong ko , with matching taas pa ng kilay.

(BEKI GUIDE: *Sinetch= Sino *Itis= Ito)

"Waley, junakis. *Wit mo *knowsing."

(BEKI GUIDE: *Wit=Wala/Hindi  *Knowsing= Know/Alam)

"Si Pablo ho ba?" tanong ko. Medyo naseryoso ang mukha ko, at napatigil sa pagkain.

"Kasi naman, bakla! Ang daldal mo, eh!" ani Mudra kay Ninang Lotlot, tapos bumalik sa akin ang atensyon niya. "Ayaw ko sana na you know.. Malaman mo, kasi, baka mastress ka na naman, eh."

Tumawag si Pablo? Bakit kaya?

Pablo Dante De Vera Soledad. Pang prime time, mexicanovela, ang dating ng name niya ano? Ex jowabells ko siya.. 'Yong binreak ko last month...

"Naku, Mudra.. Waley na akong pakialam sa kulangot na 'yon, my gasss. Wit na! Wit!" nag fake laugh ako no'n para malighten up naman 'yong tensed mood sa mesa. Buti na lang convincing ang pag arte ko! Bigyan niyo na ako ng FAMAS award!

Balik ulit kami sa pagkain, at pagchichikahan lahat. Ibang topics na.. Pero, singit pa rin ng singit 'yong walang hiyang 'yon... Akala ko siya na talaga... Pero.. Hmmp! Next time ko na ikekwento! Baka masira ang mukha ko sa inis, at hindi ako magningning sa party mamaya.

"Maica, dearest, ingatan mo 'yang si Beauty, ah? Kung hindi lang kasi busyng busy sa salon, sasama kami ng buong familia diyan sa party ni London." si Mudra 'yan, nagsispeech na naman ng kung ano ano.

7 PM na nga pala, at heto, sinusundo na ako ng nasa itaas.. Joke! Ni Jam.

"Yes, of course, sure, Tita Jackie!" ang ubod ng enthusiastic na reply ni bes kay Mudra. May YES na, may OF COURSE na, at may SURE pa. Hindi rin naman masayang sa salita 'tong bruhilda na 'to ano?

"Basta, Maica, dearest, dapat umuwi ng buo 'yang daughter ko. Walang galos, walang nawawalang hibla ng buhok..."

"Bye, Mudra." singit ko na bago pa humaba hanggang Edsa ang habilin niya. Nagbeso kami ni Jam sa kanilang lahat, at sumakay na sa kotse nila.

"You're stunning!" sabi sa akin ng best friend ko no'ng nakasakay na kami. With matching thumbs up pa.

"Why, thank you, my dear best fraaand. Ikaw rin. Ang ganda ganda mo." balik ko sa kanya. Maganda naman talaga siya ngayon. (NGAYON LANG! Joke.) Naka red na party dress siya with full sleeves, at mga silver na alahas. Hindi naman orig mga suot kong jewellry, pero, winner naman sa hitsura! Hindi mo aakalaing jafake lang. ;-)

"And your make up.. Pang red carpet, girl!" bira niya ulit. Okay, quota na 'tong babaita na 'to sa compliments, ah. Malamang lang, parloristang magaling ang Mudra ko!

Minutes later ay nandito na kami sa magara, malaki, at maganda nilang mansyon.

'Yong hitsura ng bahay nila, imaginine niyo, 'yong mga nasa telenobela at puro kadramahan, at kamalditahan ang nangyayari sa loob.. Pramis!! Pero, syempre, mukhang gano'n lang. Iba naman ang family nila, eh. Both mabait ang parents ni Jam, hindi strict, at loving naman sila. Pero, palagi namang nasa USA ang Daddy dearest niya. Umuuwi uwi lang minsan. Tulad nga ngayon kasi summer vacation nga. Pero, aalis rin 'yong si tito Leo. Si kuya Don don (London) lang ang magsesettle na talaga. 

Miss BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon