Chapter 24: Officially Hating HER

35 1 0
                                    

JAM'S POV

Nandito ngayon sa house ko si Beauty, and ang new friend ko na si Paloma. :) I know, I know. Hindi ko rin akalain na magiging friends nga kami nitong si Paloma. ;)

"Ui, alam mo ba Jam, kaloka 'tong si BL kanina! Nagwala ba naman kanina sa harapan, tapos.."  "Ui, PR, hindi ako nagwala. Kumanta ako." nagpout si Beauty no'n, humagalpak naman ako ng tawa.

"HAHAHAHAHAHA! Parehas lang 'yon, bes. Hay, finally..." bumaling ako kay Paloma, "narinig niyo na rin ang singing voice ng best friend ko na pang HOLLOWEEN." hinampas ako ni Beauty ng unan. HAHAHAHA! Eh sa 'yon naman talaga ang totoo, eh. Pero, kahit pang nangangaluluwa ang boses niyang best friend ko, love ko 'yan. ♥

"Ano ba ang nangyari at napakanta niyo 'tong si Rebecca Black kanina?" nagbibiro ko na namang tanong kay Paloma.

"Kumanta kasi siya para mapansin siya ni Romeo. Nilalandi kasi ni Yukiko sa likuran, eh..." grrrrr! Bwiset na babae talaga 'yong Yukiko na 'yon, eh. >__< One of these days, cocornerin ko 'yon.

"Ay, sige lang, Paloma. Tuloy mo lang." said I. Napatigil kasi siya ng kumunot ang noo ko, eh. HEHE. "Yeah, so, BL here did catch his attention. And you know what happened next?"

Ooh, I am dying of curiosity here!

"What?" asked I. Kwinento ni Paloma 'yong nangyari nga in full details, pang ookray ni Romeo sa boses ng best friend ko, pagpigil ni Romeo kay best friend no'ng lalabas na sana siya, pagpunas ng luha thingy, hanggang sa yakap, at kiss sa noo!

"WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" okay, okay. Ako 'yong tumili. Nakakakilig na kasi ng sobraaaaaaa, eh! \(>w<)/

"Naku, Jam. Kung nandoon ka lang talaga, nakuu! Nakakakilig!" napatingin ako no'n sa mukha ni Beauty.. Aba, kinikilig rin ang bruha!

"So, ano na plan mo, bes? Mukhang may gusto naman pala sa'yo 'yang si Romeo, eh."

"HA?! Hin.. Hindi, ah. Impossible 'yan. Nakakakilig 'yong nangyari kanina, alam ko.. Pero, alam ko namang ginawa niya lang 'yon para hindi nga ako mahurt masyado sa panglalait niya, and ano.. Pinapangatawanan niya lang ang pagiging jowa-jowaan ko kunwari."

Naku! In denial pa 'tong si Beauty, eh! Halatang halata naman na na gusto na rin siya ni Romeo.. Aba, sa mga nangyayari sa kanila.. Basta, halata na, eh!

"Hay, naku, bes. Bahala ka nga diyan kung mag mamanhid manhidan ka. Ikaw rin..."

"Baka maagaw pa ng IBA DIYAN si Romeo kapag nagmanhid manhidan ka pa diyan." pagpapatuloy ni Paloma sa sentence kong putol.

She has got a lot of thinking to do, all right. "Ay, anong oras na, bes?"

"Mag sisix thirty." reply ko matapos ko tignan ang vintage clock ko na medyo malapit sa fireplace ko na never ko naman ginamit.

"Ay, uuwi na ako. Baka mag alala pa si Mudra."  "Ako rin!" said Paloma. Bumeso na lang silang dalawa sa'kin, at sabay na umalis. Tama lang dahil parating na rin si kuya from school. :P Baka kasi hindi makaalis ng buo 'yong best friend kong manhid kung 'di pa siya uuwi.

BEAUTY'S POV

Walang tao sa salon/bahay pag uwi ko. Nabasa ko ang note ni Mudra na nakadikit sa ref. (Alam niya kasing diretso sa ref ang drama ko pag uwi. HAHAHAHA!)

Dear Junakis,

Late night show na kami makakauwi ng mga fairy god mothers motchi kasi may sosyalan kaming susugurin. dont worry junakis! uuwian ka na lang namin ng lafang ;) tsaka may niluto ako for you jan sa ref. Pinagluto kita ng halabos na hipon ♥ Osha! I shall return! See you when I see you. 

Miss BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon