ROMEO'S POV
Uwian na, uwian na! Palabas na ako ng classroom no'n ng tawagin ako ni Sir Laguyan. Kami na nga lang palang dalawa sa room. Pero, nandito pa sa loob ng room bag ni bubwit. Lumabas kasi siya...
"Mr. O'Hara." napaikot ako no'n, "Yes po?"
"Huwag mo kakalimutang maglilinis kayo ni Beauty ng banyo." inayos niya 'yong mga gamit niya, inilagay sa bag.... Oo nga pala! Maglilinis nga pala ako.. Kabanas! Pero.. Sino kasama ko?
"Sir?"
"Ano 'yon?"
"Sino po si Beauty?" natawa si Sir no'n matapos ko sabihin 'yon. "Grabe na lang kayo mag away hindi mo pa pala alam ang pangalan niya.. Si Anggara, siya si Beauty. Beautiful Lady P. Anggara."
HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA!
"O, bakit ka tumatawa?" curious si Sir no'n. "Ang pangit po kasi ng pangalan niya, eh. Bukod sa hindi bagay, ang baduy pa." tawa na naman ako. Napailing lang si sir. "O siya, aalis na ako. Magbihis ka na ng panglinis mo na damit. Si Beauty nagbihis na 'yon sa banyo panigurado."
Nag goodbye ako kay Sir, at no'ng umalis siya tawa pa rin ako ng tawa. Pangalan niya BEAUTIFUL LADY? Anong kabaduyan 'yon?!
Sinara ko 'yong bintana sa room, at since nakasara naman ang pintuan, dito na ako magbibihis. Tinanggal ko ang polo ko, ang sando ko, sunod na 'yong pants ko no'n. Nakababa na hanggang tuhod ko 'yong pants ko ng....
BEAUTY'S POV
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!" my goodness!!!! Naghuhubad si Kapre! WAHHHHHHHHHHH!!!!
"HOY! Nangboboso ka.. Labas!" tumuro pa si Kapre sa labas para lumabas ako, mabilis na naitaas ang pantalon, at namumula siya na parang kamatis!
"LABAS! Anong tinutunganga mo diyan?!" saka lang ako natauhan no'n. Karipas ako palabas. Karipas papunta sa storage room kung saan kukunin ko ang rubber gloves, ang basahan, mop, timba, mga sabon, etc.
GRABE! Feeling ko nakalutang mga paa ko ngayon ngayong naglalakad ako papunta sa storage room... Nakakagulat 'yong bumulaga sa akin! Si Kapre... Naked from the top.. At naka boxer brief lang na red. Nasa tuhod na kasi niya 'yong pantalon niya... AGHHH! Bakit kasi siya doon nagbihis?! At saka, bakit ako napatunganga?! Isipin pa no'n puno ng kahalayan ang utak ko!
Pailing iling ako ngayon. Teka, nasaan ba ako dinala ng mga paa ko? Sa library? Maling direksyon!
Iikot ako pakaliwa no'n ng may pumigil sa akin. Sa braso ko.
"B." si Pablo na naman! "Bitiwan mo ako, Pablo." agad siyang bumitiw, at nilagay sa hoodie pockets niya ang kanyang mga kamay.
"Bakit ka nakajogging pants at T-shirt na maluwag?" tanong niya.
"Paki mo?" lalakad na sana ako papuntang storage room ng pigilan niya ako ulit. "Teka.. Bakit ka ba umiiwas sa akin?"
"Tinatanong mo 'yan, Pablo? Bakit sa tingin mo? Ang kapal mo naman! Matapos mo makipaghalikan kay Stacey, ano?" nanglaki ang mga mata niya no'n.
"B..." "Huwag mo akong kausapin."
"Bakit ba bitter ka sa akin? Mahal mo pa rin ako, ano?" aba!! WALANGJO 'to!
"Ang kapal, ah! May gusto na akong iba. Anong akala mo ikaw lang lalaki sa mundo?" nagtaas siya ng kilay, at nag cross ng arms. "Sino?"
"Ako. Ako ang crush niyang bago. Ikaw pala ex ni Beauty?" galing sa taas ng ulo ko ang boses? Walang iba kundi si..