ROMEO'S POV
Pumalo na rin ang bwan ng Pebrero sa wakas. (Naks, makapagtagalog naman. Lol!) Inaanticipate ko ang month na 'to kasi bukod sa may Valentine's Day tuwing February, magbebirthday rin ang pinakamamahal kong babae, si B_a_t_. HAHAHA. February 14 kasi ang birthday niya, eh. (Astig, ano?) Paano ko nalaman? (AHEM! I stalked/AHEM!/ her FB/ AHEM!/ profile.)
FAST FORWARD>>>
February 14 na today! Halos naligo na ako ng pabango ngayon, at kahit ang sabi ng adviser namin na pula ang isuot namin, or pink na damit today, ang sinuot ko ay 'yong binigay ni Beauty na T-shirt sa akin no'ng Christmas. (HEHE! Rebel with a cause.) Aga aga kong pumasok sa school today. HEHE! Excited na ako sa 10 surprises ko para kay Beautiful ko. Pagpasok ko ng classroom, aba, ako nga lang ang naka sky blue dito. Okay lang. HEHE. Nasa dulo ng classroom si Brix, at Paloma. Nagbubulungan na naman. (Oh, well, Valentines naman. Hindi ko na sila iistorbohin.)
Naghintay lang ako na dumating ang Bubwit ko. Hintay lang ako ng hintay.. Nakatingin sa relo... Putek, anong oras na? Hindi naman nalelate 'yong si Bubwit, ah? Tsk, nasaan na ba 'yon? Lalabas na ako ng pintuan no'n ng maharangan ako ni Harold na may dalang isang box na kasing laki yata ng Microwave oven.
"Ay, Romeoness! Haller." "Hello rin." bati ko sa kanya. Palabas na ako no'n ng hawakan niya ang braso ko. "Sandali, Romeo." ibinigay niya sa akin 'yong box.. What the hell?
"Ano 'to?" tanong ko. "Buksan mo ng malaman mo." sagot niya. Binuksan ko naman. Pagbukas ko.. Puro chocolates, letters, home made chocolate cake, refrigerated cake, brownies.. Tapos may stuffed toy pa. What the hell?
"Ano 'to, Harold?" tanong ko na naman. Naku, putragis, ah. Parang kumukulo ang dugo ko... Mga bigay na naman siguro ng fans ni Beauty 'to na mga lalaki. "Mga pinabibigay sa'yo ng mga malalanding babae diyan sa tabi tabi. Sa dami nga kailangan ko pa tuloy maghanap ng box. Imbey!"
"Eh?!" muntikan ko mabitawan 'yong box na hawak ko. Sa akin 'tong mga 'to?! Hindi ko alam kung matatawa ako, or ano, eh. Langya.. First time ko 'to, ah. Hindi pa naman ako nakareceive ng ganitong treatment sa Ireland. HAHAHAHA. Iniwan ko na muna 'yong box sa taas ng table ko, at lumabas. No'ng makita ko si Jam, tinawag ko. "Oh, 'musta, Romes?" nag high five pa muna kami bago ko siya sagutin. "Si Bubwit kasi wala pa rin, eh."
"Ay, naku, hindi pumapasok 'yon kapag birthday niya." nakatawa niyang sambit." I mean, gusto niya, kaso hindi siya pinapapasok ng Mudra niya kasi pinaghahanda talaga siya no'n, eh."
"Ahhh..." ang tangi kong nasabi. Naku.. Pumasok pa ako. Sayang naman. Ay, teka.. Hindi pa naman nagsisimula ang classes, eh. Time to cut! WAHEHEHE. "Ah, Romeo," napatingin ako kay Jam no'n, "Teka lang, ah! Diyan ka lang." tumakbo siya papunta sa classroom niya, at pagbalik sa akin ay may dala siyang dalawang gift. "Pakibigay na lang 'to kay girlfriend mo, slash best friend ko. Galing sa amin ni Kaizer 'yang mga 'yan."
"Hindi ka ba pupunta mamaya?" tanong ko. "Ahehe.. May date kasi kami ni Kaiz today, eh. Eh tutal pupunta ka naman mamayang uwian, right? Pakibigay na lang. Babawi na lang ako do'n. O siya, bye na muna, ah!" at ayun, tumakbo na nga paalis.
Dali dali akong bumalik sa classroom para makasplit pa ako habang wala pa ang palaging late na adviser namin na according to my girlfriend ay si Sir Panot. HAHA. Pagpasok ko ng classroom, dali dali kong nilagay sa box 'yong mga regalo ni Jam, at Kaizer, kinuha 'yong box, at akmang lalabas na ako ng tawagin ako ng mga kaklase ko. Napaharap ako sa kanila, "Ano?"
"Saan ka pupunta?" tanong ni Paloma. "Sa bahay nila Beauty."
"Magkacut ka?!" tanong ni Olga, gulat na gulat ang mukha. "Yeah." sagot ko.