BEAUTY'S POV
Dumating ang Sabado. 8 PM raw, eh? Namili ako ng bagong masusuot sa kanila. Nainlove ako sa pink, satin dress na nakita ko sa isang vintage store. Grabeyy! My white, sequined, heels na regalo ni Jam no'ng last birthday ko would look perfect with it.
Minake over na naman ako nila Mudra no'n. Mga 7:30 kami umalis ng balur no'n. Kasya naman kaming lahat sa BMW ko. (Asensado ano?)
Pagdating namin sa balur nila Romeo.. Aba, teka.. May mga bisita na mga nakaformal na suot rin na napasok.. What the hell.. Akala ko dinner...
"Ma'am, welcome po. Ituturo ko po 'yong reserved parking spot niyo." bati sa akin no'ng isa sa mga bagong gwardiya nila Romeo. Ipinark ko ang kotse ko katabi ng mga.. Oh, well.. Magagarang grabe na tsekot nila. Pagababa namin, dumiretso kami sa may garden kung saan nandoon nagtipon ang mga guests. (What's with mayayaman people, and holding their party sa hardin?!) It didn't take long naman bago ko makita si Romeo.
Ayun, hindi malapa ng crowd. Ang tangkad kasi ng gunggong. Napakagwapo sa Chocolate colored suit niya, at masayang nakikipag usap sa isang matandang babae.
"Bes!" napaikot ang ulo ko no'n. Teka... ABA! Nandito si Jam, at Kaizer?! HA?? Anong mer.. "Ang ganda ganda mo, bes! You look lovely! Bagay ang dress mo sa shoes na binili ko for you!" yumakap si Jam sa akin no'n, alinsunod naman si Kaizer.
"Aba, anong ginagawa niyong dalawa dito, aber?" namewang ako no'n. Aba, sila Mudra nandoon na sa buffet. Akala ko kukuha sila ng food, punch lang pala. HEHE.
"Hindi lang ikaw ang invited, Xiao Yu, ano." asar ni Kaizer sa akin. HUH?? So, may iba pa..
"Hi, guys!" as if on cue naman, dumating si Paloma, at Brix. ABA, ABA.. Ano ba 'to.. Reunion party namin? "BL!" yumakap rin sa akin si Paloma.
Maya maya ay nandito na rin sila Nelson, Patrick, Karlo, at 'yong ibang mga classmates pa namin dati.
"Bubwit! You made it!" ikinulong ako ni Kapre sa mga bisig niya, nakatalikod ako sa kanya no'n. Gulat nga ako, eh. Humarap ako sa kanya, at tinaasan ng kilay. "Hindi mo sinabing reunion pala itech."
"Hehe.. Sort of. Pero, kasi.. This is not just your USUAL party." kumindat siya no'n, kissed me sa cheek ko, at lumakad palayo. Nakipag high five sa kung sino sino.
HA! Ano na namang natakbo sa kukote ng mamaw na 'to? Nakita ko sila mommy Alyn, Dad, at si Juliet no'n.
"Oh, sweetie! Hello!" niyakap ako ni mommy Alyn. Grabe, may itatanda ba 'to? Mukhang bata pa rin, eh! "Darling girl!" lumutang na naman ako sa yakap ni Dad.
"Hello, Dad." cheerful ko rin na bati sa kanya. "Ate, I missed you!" yumakap rin si Juliet sa akin. Ano ba 'to, HUG BEAUTY DAY?
"Ate, doon tayo sa pool!" hinila ako ni Juliet sa bandang may pool. Matatas tatas na rin magtagalog si Juliet. Palibhasa kasi sa Green Oak's High na siya nag aaral, eh. Pero, talagang lalabas pa rin ang english niya. Lumalabas tuloy siya na parang Jam sa pagkakonyo, pinalala version lang.
"Oh, what's wrong, Juliet?" lumalaking magandang dilag itech! 13 pa lang, ang ganda na ng hubog ng katawan, eh. "Do you know kung bakit you're here, ate?"
KONYO LEVEL: JULIET O'HARA
"Nope, Juliet. Bakit ba?" sasagot na sana siya no'n ng magsalita si Romeo. Nakamic. TSS!
"May I get your attention everyone." oh, I believe you already have the world's attention, mister. Ui, hindi ako nagsabi niyan, ha! Isipin niyo pa galing ko na mag english. Si Juliet 'yon na nakangisi sa tabi ko. HUHU. Gandang bata/dilag.