Alam niyo ba yung pakiramdam na kailangan mong umalis at iwan yung bansang kinalakihan mo pati nadin yung mga taong mahal mo? Kaibigan, relatives, boyfriend basta lahat lahat kasi no choice ka?
Tapos babalik ka para malaman na kinamumuhian ka nila kasi iniwan mo sila, kasi nawala ka, kasi di siya yung pinili mo? Tapos malalaman mo na yung taong mahal mo, nagmahal na ng iba kasi INIWANAN at SINAKTAN mo siya. My nakakaalam ba sainyo kung anong pakiramdam?
My nakaisip din ba sainyo kung ano yung nararamdaman nung taong umalis at iniwan kayo? WALA! Kasi sa mundong to, kung sino ang ng-iwan siya ang masama, siya ang walang pusong sinaktan yung mga taong nakasama niya. Tama diba? Nakakaasar!
NAKAKAASAR! Bakit lahat kayo nababaling yung loob niyo dun sa taong NAIWANAN? Bakit di niyo muna intindihin yung taong NG-IWAN? Nang iwan hindi para makalimot o makasakit kundi para naman mabuo yung pamilya nila?
Nakita niyo ba kung pano din unti-unting pinapatay sa sakit yung taong umiwan sainyo kasi wala siyang magawa? Nakita niyo din ba kung pano siya umiyak MAG-ISA kasi wala na kayo sa tabi niya? HINDI! Hindi diba?
Ganito lang yan eh, sa mga pelikulang napapanuod niyo, my nakaisip ba sainyo sa nararamdaman nung kontrabida na kahit napakasama ng ugali eh totoong mahal niya yung taong yun? WALA! Wala ni isa sainyo ang nakaramdam o nakaisip kung gano din siya nasasaktan diba? My nakaisip din ba sainyo sa nararamdaman nung taong patagong minamahal yung isang lalake, pero hindi niya masabi kasi hindi siya yung bida sa kwentong yun. WALA diba? WA-LA!
Tayo kasi nakikita lang natin kung ano yung pinapakita satin. Tama? Walang taong hindi nasasaktan, wala din tao ang natutuwa pag nakakasakit o nasasaktan sila.
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...