Who's Got the Pain?: Eighteen

414 8 1
                                    

Umuwi muna kami sa kanya-kanya naming bahay at mamayang 6pm nalang ulit kami magkikita-kita. Wala naman kasi kaming gagawin sa campus at wala naman magandang panuorin ngayong hapon. Alangan naman manuod kami ng chess diba? 

Pagdating ko sa bahay nagpahinga lang ako at nakipag-usap sa mga ate ko. Kung gano ako kasaya ngayon, ganun din sila. Tuwang-tuwa daw sila kasi hindi na daw ako yung iyakin na parang baliw na babae noon. At least daw nakamove on na talaga ko kay Nathan. Pero naisip ko, moved on na nga ba talaga ko? O iniisip ko lang na moved on na ko kasi andyan si Paul? Pero pano pag wala si Paul, babalik ba ulit ako kay Nathan? Ewan ko. Kasi kung pipili ako, ayoko! 

Tsaka, baliw na ko! Sino ba nagsabi na pipili ako?! Pero kung sasagutin ko yung tanong ko kung minamahal ko na si Paul? Siguro, OO na. Minamahal ko na siya pero hindi pa ko inlove sakanya. Papunta palang siguro dun. Kaso syempre, hindi niya to pwedeng malaman. 

Pero kung tatanungin ako kung mahal ko pa si Nathan? Di ko alam. Pero kung ang tanong ay gusto ko ba ulit malayo sakanya. Hindi ang sagot ko. Di ko na ulit gugustuhin mangyari yun, kasi....kasi di ko din alam. Ang gulo no? Syet yan. Sakanila nalang ba iikot ang mundo at isip ko? Waaaa. Nababaliw na ko.

Umalis ako ng bahay nung 5:30 na. Mga 15 minutes ang byahe ko kaya medyo mauuna ako nito sakanila lalo pa't sanay sila sa Filipino time. Sa Canada, pag sinabing 6pm, 6pm talaga andyan na sila. Pero paki ko ba, pilipino padin ako eh. 

Nung nakarating na ko tumambay lang ako sa labas nung malaking hall, kasi alangan naman mauna na ko sa loob. Pero maya-maya lang my bigla nalang nagsalita sa likod ko.

"Ang aga ha" halos napatalon ako kasi naman sa tenga ko talaga nagsalita. Madali pa naman akong magulat. 

"Oh...Nathan" nilingon ko siya para naman magkaharap na kami. Alam kong siya yun kasi kilalang kilala ko boses niya. Hindi ko alam pero medyo kinakabahan akong kausapin siya ng kami lang. 

"O bakit parang disappointed ka?" nakangiti niyang tanong sakin. At dahil kilalang kilala ko siya, alam kong manunukso siya ngayon "Kasi di ako si Paul?" para akong binuhusan ng mainit na tubig sa narinig ko. Tae na! Sabi na nga ba, siya ang unang unang makakahalata sakin kasi siya tong nakakakilala sakin ng sobra. Pati ayaw at gusto ko, alam na alam niya.

"H-huh?" panilit kong magmukhang hindi makapaniwala sa sinabi niya, yung para bang ano-bang-pinagsasasabi-mo look. Kasi hindi to pwede eh! Ano nalang sasabihin niya sakin? Na super landi ko? Pakatapos kong magmakaawa sakanya noon, eh heto ako ngayon, magkakagusto sa kaibigan niya? Ayoko naman na isipin niya yun sakin.

Ngumiti lang ulit siya sakin at ti-nap ako sa balikat ko. Bigla naman ako nun nakaramdam ng parang kuryente kasi after 5 years, ngayon niya lang ulit ako hinawakan. As in siya yung naunang humawak sakin. "Nakakalimutan mo na ba Alex?" tapos tinaas niya yung kilay niya "Sa lahat ng taong to, ako ang pinaka nakakakilala sayo" tapos hinawakan niya ulit ako, this time sa dalawang balikat ko na tapos pinantay niya yung ulo niya sakin. 

Masyado akong nagulat sa pag hawak niya sakin dagdagan pa nung mga sinabi niya. Kaya naman di agad ako nakasagot at tumango nalang.

"Huli na pala ko" tapos inalis na niya kamay niya sakin at tumayo na ng maayos. Hindi naman ako bobo para hindi magets yung sinasabi niya. Kahit pano, alam ko naman eh.

"Nathan" pabulong kong sabi sakanya. Kasi ayoko tong pag-usapan. Ayoko naman na pag sinagot ko ng ewan lahat ng tanong niya eh bigla nalang niya kong iwasan. Ayokong mangyari yun.

Tinitigan niya ko sa mata bago ulit siya nagsalita, tinitigan ko din tuloy siya. Ewan ko pero, ibabalik kaya ako nito sa past ko? "Wag kang mag-aalala. Kasalanan ko kasi" tapos nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga "kung sana hinayaan nalang kitang bumalik sakin nung...nung nasa clinic ka..kung sana tinanggap ko nalang na ikaw padin talaga" hindi niya padin inaalis yung tingin niya sakin. Okay lang kasi hindi ako nakakaramdam ng awkwardness ba, ang nararamdaman ko lang ngayon ay sincerity. 

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon