Who's Got the Pain?: Five

602 11 0
                                    

Sorry Alex, pero siya na ang mahal ko ngayon. Mahal na mahal

Sorry Alex, pero siya na ang mahal ko ngayon. Mahal na mahal

Sorry Alex, pero siya na ang mahal ko ngayon. Mahal na mahal

Sorry Alex, pero siya na ang mahal ko ngayon. Mahal na mahal

Sorry Alex, pero siya na ang mahal ko ngayon. Mahal na mahal

WAAAAA! Sh*t!! Paulit-ulit ko yan naririnig sa isip ko. Parang sinisigaw sakin ng malakas na malakas para talagang marining ko. Para talagang siguradong masaktan ako, masaktan ako ng sobra. Gusto ko siyang habulin habang palabas siya sa kwartong to. Gusto ko siyang pigilan at gustong-gusto ko siyang bumalik sakin. Pero hindi na, kahit kailan hindi na pwede. Isa nalang akong X at mananatiling X sakanya. 

Naiwan ako sa kwarto at ano pa nga ba, eh di umiyak lang ako ng umiyak. Ano pa bang magagawa ko? Mag move on? Takte! Sinong my sabi na madaling mag move on? Na madali lang planuhin ang mga dapat gawin para makalimutan mo ang isang taong minahal mo at alam mong minamahal mo padin?! Sabihin niyo nga! Tangna talaga!!

Maya-maya pumasok na si AA, kasama niya padin si Marianne na halatang nag-aalala siya sakin. Pero wala na si Tads at Nathan. Ano kayang pinag-uusapan nila? Kinocomfort kaya nila yung isa't-isa gaya ng mga nababasa kong kwento na pag andyan na si kontrabida sinescure nila yung isa't-isa na hinding hindi sila masisira ng kahit ano o kahit na sino? Magkahawak ba kamay nila ngayon at nangangako na kakayanin nila tong dalawa? Magkayakap ba sila ngayon at sinabi kung gano nila kamahal ang isa't-isa? Habang ako hindi ko na alam pano ko ulit haharapin yung bukas. Pano ako mumulat ng hindi umiiyak at gigising ng hindi nakakaramdam ng sakit. 

Sa paningin nilang lahat ngayon ako ang kontrabida, ako ang sisira sa buhay nila ako basta ang masama! Kasi umuwi umuwi pa ko. Pero ang sakin lang naman sana sinabi man lang nila sakin di ba? Sana man lang. Para walang ibang nasasaktan ngayon, para kahit ako na lang sana at wala ng nadadamay pa. Eh di sana masaya sila ngayon, sana andoon padin ako at hindi na umuwi. Eh di sana hindi ako nagmumukhang kontrabida, desperada at higit sa lahat hindi sana ko nagmumukhang tanga ngayon. TANGA! ANG TANGA-TANGA KO!!!

Niyaya na nila kong umuwi, alas otso na daw kasi. Pero parang wala akong lakas para tumayo o kahit iangat man lang yung ulo ko. Ubos na ubos na kahit yung natitirang lakas sa katawan ko.

"Alex kailangan mo ng tumayo. Ano ba!!" si Marianne, wala na ba siyang ibang gagawin kundi sigawan ako? Kailangan ko ng kaibigan ngayon. Kailangan ko ng masasandalan at malalapitan ngayon, kahit ngayon lang ulit. Kahit sandali lang.

Lumapit sakin si Marianne para ata itayo o hilahin ako palabas, pero bigla ko siyang niyakap ng sobrang higpit at humagulgol sa mga balikat niya. Halatang nagulat siya dahil hindi siya nakagalaw agad. Pero ayoko siyang bitawan, kahit galit pa siya o namumuhi sakin. Kailangan ko ng kaibigan ngayon, kailangan ko sila ni AA ngayon. Kailangan ko sila habang buhay, kahit hindi na nila ako kailangan. 

"Kahit ngayon lang ulit Anne, kahit ngayon lang" bulong ko sakanya at hinigpitan ko pa yung pagyakap ko. Ayokong bumitaw, ayoko. Ayoko ng mawala sila sakin, ayoko ng iwan ulit sila. 

Nagulat ako ng sobra ng bigla niya din akong yakapin at naririnig ko na siyang umIiyak "Shhh! Tama na Alex, andito lang kami, tama na ha?" bulong niya din sakin. Pero imbis na tumigil ako mas napaiyak ako dahil masaya ako kahit pano. Masaya ako na handa ulit siyang damayan ako kahit pansamantala lang.

"Anne, I'm so..sorry" hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa kakaiyak ko. Bumitaw na ko sakanya at pinunasan mga luha ko para mas makita ko na sila ng husto. Nakita kong nakangiti si AA sa aming dalawa, masaya siguro siya dahil kahit sa ngayon lang, okay na kami. Okay na kami ni Anne. 

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon