Who's Got the Pain?: Thirty Seven

376 7 2
                                    

Pumasok na kami sa loob ni Paul na magkatabi lang. Hindi magka holding hands o akbay. Pero parehong di maalis yung ngiti saaming dalawa.

At gaya nga ng inaasahan ko. Tuksuhan nanaman ang sumalubong saamin.

"Ang tae! Para kayong elementary kung manukso. Ang korni" sinimangutan ko lang sila pero di maalis yung saya sa mga mukha nila. 

Gaya ko. Naguumapaw din sila sa tuwa. 

"Salamat naman at natapos na ang kadramahan niyo sa buhay na dalawa" sino pa nga ba ang magsasabi nito kundi si AA. 

Sa wakas nga, feeling ko. Sasaya na ko ng sobra ngayon. Etong regalong natanggap ko ngayon? Walang wala na atang makakapantay dito.

At speaking of regalo. Shooot!

"Hoy Paul. Asan na yung tinapon kong regalo kanina ha?" nilahad ko yung palad ko para hingin yung tinapon kong regalo kanina. Di ko kasi alam kung san napunta yun kasi di ko naman nadampot.

Pero instead na ibigay niya, pinatong niya yung kamay niya sa kamay ko at hinawakan niya yung kamay ko.

Waaaaaaaaaaaaaa.

"Ewan ko. Ikaw nagtapon. Baliw" kahit ano pang sabihin niya sakin na insulto, matutuwa padin ata ako. Masyado kasi talaga kong masaya sa tabi ng taong to.

"Gago ka kasi. Regalo ko yun sayo tapos ibabalik mo. Aish!" umiling iling nalang ako para makita niya na hindi talaga ko makapaniwala sa gagawin niya sana.

"Tara na nga. Hanapin na natin" pinasok niya yung kamay namin sa bulsa niya at naglakad na kami palabas. Super oblivious na ko sa paligid namin na parang siya lang yung nakikita ko ngayon.

Tiningnan ko siya habang naglalakad kami at nasa bulsa niya padin yung pareho naming kamay. Halos matunaw ako nung nakita ko siyang nakangiti at diretso lang ang tingin sa daan.

Mas napangiti tuloy ako. Siguro nga, hindi lang ako yung nasaktan at nahirapan sa nangyari saamin. Kasi ngayon, yung saya namin pareho, parang walang kapantay.

Lumakad kami papunta sa poste ng ilaw at nakita naman namin agad yung regalo ko slash regalo niya sakin. Syempre binitawan niya na muna yung kamay ko para makuha ko yun. Syempre ibabalik ko to sakanya.

"Paul, wag na wag na wag mo na ulit to ibabalik sakin ha? Sayo po kasi to!" iaabot ko na sana sakanya yung regalo kaso bigla niya kong hinila palapit sakanya at agad niya kong niyakap. 

Niyakap ko din siya at hindi maalis yung ngiti ko at yung malakas na tibok nitong puso ko. Pakiramdam ko nga naririnig niya na eh.

"A-akala ko talaga Alex, hindi mo ko magugustuhan" naramdaman kong huminga siya ng malalim at medyo hinigpitan niya yung yakap niya saakin.

Bakit ba..bakit ba sobra ko siyang mahal?

"Hindi lang naman kita gusto eh. Mahal kaya kita" para akong bata na nakayakap sakanya. Sa bewang niya kasi ako nakayakap eh. Hindi sa leeg. Ewan ko ba kung bakit. 

Naramdaman ko yung paghalik niya sa ulo ko. Mas napangiti ako. 

"Pasok na tayo? Dito kadin ba matutulog?" naramdaman kong tumango siya at unti-unti niya kong binitawan para iharap sakanya.

"Hahatid ko lang muna si Hannah. Di kasi siya pwedeng mag sleep over. Kukuha din muna ko ng gamit ko" pinat niya yung ulo ko saka siya ngumiti sakin. Kung natutunaw lang ako, malamang wala na ko sa kintatayuan ko ngayon.

"Papasalamat pa pala ko kay Hannah" nakokonsensya ako kasi nainis ako sakanya at sobra ko siyang pinagselosan pero sa huli pala, siya lang yung tutulong sakin. Siya yung dahilan kung bakit andito kami ngayon ni Paul, magkahawak kamay at di maalis yung ngiti namin.

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon