Who's Got the Pain?: Twenty Five

380 13 1
                                    

Pa-vote/comment naman po after niyo basahin. Maawa na kayo:D HAHA! Thanks. Enjoy reading nalang. 

*********************************

Ang saya-saya ng pakiramdam ko na parang feeling ko nga ako yung my debut ngayon. Feeling ko super special ko dahil sa sinabi ni Paul. Yung kahit pabulong niya lang yun, masaya padin ako. Kasi, ako yun eh. Ako.

Yung feeling na sinabihan ka ng mahal mo na maganda ka. Sinong di sasaya niyan diba?

Pero pano ka nga magsasaya kung sa tabi mo, my nasasaktan naman. 

Syet!

Ang unfair sakin ng mundo. Hindi ba pwedeng free nalang na maging masaya ako? Yung walang nasasaktan o walang masasaktan pag sumaya ako.

"Ngiti mo. Narinig ko din yun" bumulong sakin bigla ni Nathan. Nawala tuloy agad yung ngiti ko. Takte!

Ewan ko. Tiningnan ko siya pero nakangiti naman siya. Ang gago niya! Bakit ang martyr niya? 

"Baliw!" yun nalang yung nasabi ko sakanya. Kasi ano paba dapat kong sabihin diba? Aish.

Maya-maya bigla nalang lumapit sakin si AA tapos my binulong. Si Paul naman, kausap lang sina Marianne.

"Alex. Andyan na si Hannah oh" sabay nguso niya dun sa my pinto. Anak ka ng! Bakit di pa siya sumama sa bestfriend niya at nauna na dun sa venue? Bakit andito pa siya?

"Eh di, mag-Hello tayo" ngumiti ako ng plastic kay AA, di niya pa kasi alam na umamin na tong si Hannah kay Paul.

Syempre expected ko na lalapit siya kay Paul. At yun nga ang nangyari.

"Hi Paul. Kanina pa kayo dito?" narinig kong tanong ni Hannah. Naiinis ako or sabihin na natin na nagseselos ako. Kasi nakakaiinggit siya. Kasi my lakas siya ng loob na sabihin kay Paul yung nararamdaman niya. Samantalang ako? WALA. 

Wala naba akong karapatan maging masaya? Yung free na sumaya?

"Alam mo Alex" biglang bulong sakin ni AA. Napatingin naman tuloy ako sakanya "feeling ko, my gusto siya kay Paul" pakarinig ko nun, ngumisi lang ako ng mahina. Kasi totoo diba? 

"Oo. Umamin na nga siya kay Paul eh." nagbigay lang ako sakanya ng faint na ngiti nung tiningnan na niya ko na para bang WHAT-THE-HELL look. 

"Akala ko pa naman ang hinhin niya. Nasa-" di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"A, di naman porke umamin siya, eh malandi na siya or kung ano man yan na iniisip mo. Kung titingnan mo siya, mabait naman talaga siya. Tingin mo ba sasama pa sakanya si Paul kung flirt siya?" mahinahon kong pagpapaliwanag kay AA. Alam ko naman kasi na di ganun si Hannah, kahit di kami close, nakikita ko naman kung anong ugali niya.

Tsaka base dun sa kwento ni Paul kung pano siya umamin, halatang halata na super nahihiya siya. Kaya wala ako o kahit sino man ang my karapatan na husgahan siya. Masyado siyang mabait para sabihan ng kung ano-ano.

"Sorry Alex" pabulong ulit na sabi ni AA. Tapos pagtingin ko sakanya nakayuko lang siya. Nahiya ata siya sa sinabi niya.

"Okay lang yun no. To naman" at ngumiti ako sakanya ng super ngiti. Para naman di siya mag-isip ng kung ano-ano. "Bilib nga ako kay Hannah eh. At least siya my lakas ng loob na sabihin yung nararamdaman niya. Eh ako? WALA!" umiling-iling nalang ako pero bigla niya kong niyakap.

Napatingin tuloy samin sina Marianne, as in lahat sila.

"Alam mo Alex, ang bait bait mo! Wala akong masabi sa ugali mo. Willing ka talagang magparaya kahit nasasaktan kana" nalungkot ako bigla sa sinabi ni AA. Alam ko kasing totoo, masaktan na ko, wag lang sila. Wag lang lahat ng tao na mahalaga sakin.

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon