Who's Got the Pain?: Ten

508 12 2
                                    

Lumipas ang ilang araw at lagi ko ng kasama si Paul. Nagkikita kami lagi kasi halos pareho pala ang bakanteng oras namin. Kasama naman namin lagi sina AA at Marianne at minsan sina Nathan at Tads din. Oo sabihin na natin na nasasaktan pa ko, pero hindi na gaya nung dati na halos mamatay na ko. Ngayon unti-unti ko ng natatanggap. Pero dumadating padin yung time na namimiss ko siya at gusto kong bumalik siya sakin, pero napipigilan ko na sa tulong ni Paul.

Masasabi kong close na kami nitong mysteryosong lalakeng to. Simula kasi nung kinuwento niya sakin yung nangyari sakanya nung High School, wala na ko nung nangyari yun actually, gumaan na talaga yung loob ko sakanya. Kasi alam kong naiintindihan niya talaga ko at naiintindihan ko din siya.

Hindi ko padin nga makalimutan yung expression nung mukha niya nung nag kukwento siya sakin nung tinanong ko bakit parang ang dami niyang alam.

"Kasi, gaya mo nasaktan din ako noon" kaming dalawa lang magkasama nung araw na yun. Andoon kami sa field kung saan ikalawang beses niya ko nakitang umiiyak. "Akala ko nga end of the world na nun" sabay ngisi niya at sumandal dun sa puno at tumingala.

Tahimik lang ako nun, gusto ko lang kasing makinig sakanya "Diba kilala mo si Paula, Paula Santiago?" sumagot naman ako ng Oo, pero hindi ko na masyadong tanda yung babae. "Siya yung tinutukso sakin nun, andoon kapa nun nung nagsimula yung tuksuhan, Oo gustong gusto ko talaga siya nun. Alam yung ng mga kaibigan ko, pati ni Nathan" tumigil siya sandali, naghihintay ata ng reaction ko, pero nung nanahimik lang ako nagpatuloy ulit siya."Pag alis mo nun, niligawan ko na siya. Nung una halos lumabas na lahat ng pawis sa katawan ko pag magkasama kami. Lagi akong kinakabahan tapos parang hindi ako makahinga pag kasama ko siya" tumawa siya saglit "alam ko iniisip mo para akong babae, pero babae lang ba ang my karapatan na bumilis ang tibok ng puso pag kasama yung taong gusto nila?"

Napaisip ako, oo nga naman. Kahit minsan di ko naisip na kinakabahan din ang mga lalake pag kasama nila yung babaeng gusto nila. Na bumibilis din pala yung tibok ng puso nila. Akala ko kasi babae lang yung nagdadaan sa ganun, mali pala ko. 

"Siguro 3 months din akong nanligaw sakanya. Kahit di pa kami nun, parang kami nadin naman. Ramdam kong gusto din niya ko, kaya naman ginawa ko talaga lahat" huminga siya ng malalim bago ulit nagpatuloy "sinagot niya ko nun, masaya ako syempre, masaya din siya nun. Pero dumating yung araw na kahit sa panaginip ko, di ko naisip na mangyayari. Saktong 1st monthsary namin, nasa park kami malapit sa dagat. Habang hinihintay namin nun na lumubog yung araw, hawak ko lang yung kamay niya nun. Pero kahit ganun, ramdam kong parang my mali. Sumadal siya sakin, at makalipas ang ilang minuto, nakikita na namin na palubog na yung araw pero kasabay nung paglubog ng araw na yun, yung paglubog din ng puso ko na parang unti-unting nalulunod sa dagat na yun" 

Napangiti ako nun, ibang side ni Paul ang nakita ko nun eh. Yung mysteryoso at prangkang Paul, parang napaka vulnerable at fragile niya nung time na yun, na parang isang hawak mo lang sakanya mababagsag siya. Di ko akalain na my ganitong side pala sakanya. Akala ko dati ang manhid manhid niya pero sa nakikita ko ngayon sobra siya kung magmahal. Sobra!

"Sabi niya nun sakin, masaya daw siya pagkasama niya ko, masayang masaya. Pero..akala niya pagmamahal ang nararamdaman mo pag masaya ka sa isang tao. Kaso, mali daw siya. Akala lang daw niya yun na mahal niya ko" narinig kong ngumisi siya "Akala lang daw niya yun lahat" nanlaki yung mata ko nun at napatitig talaga ko sakanya. Kasi alam kong masakit yun, harap harapan ka ba naman sabihan ng ganun, makakaya mo ba? Akala nung babae mahal niya si Paul? Akala niya lang? Anong klase yun?! 

Habang ako hindi makapaniwala yung reaction niya naman normal lang, hindi mo na makikita yung sakit at yung lungkot. Pero alam ko at naramdaman ko, base sa kwento niya na totoong minahal niya yung babae. Kaso hindi nga lang happy ending ang nangyari sakanila, kagaya din nung saamin ni Nathan.

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon