Parang wala akong ibang makita kundi yung imahe niya na nakatayo sa my poste na nakapamulsa lang. Siguro hindi niya ko makita kasi madilim sa kinatatayuan ko at sobrang liwanag sakanya.
Bumuntong hininga ako at hinawakan ko ng mahigpit yung regalo niya sakin habang naglalakad ako palapit sakanya.
Sobra akong kinakabahan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. Pero kailangan kong sabihin to habang my lakas pa ko ng loob.
Nung ilang hakbang nalang ang layo ko sakanya, nagulat ako sa ginawa ko. Ibinato ko sakanya yung regalo na hawak hawak ko at tinamaan siya sa balikat siya.
Napalingon siya sa kung saan galing yun. Kitang kita ko yung pagkagulat niya pero alam kong hindi niya ko masyadong makita. Hahakbang na sana siya pero nagsalita na ko.
"MANHID! GAGO KA! ALAM MO BA KUNG GANO AKO NAGDUSA NG DAHIL SA KAMANHIDAN MO?! ILANG ANESTHESIA BA ANG SINAKSAK SA KATAWAN MO AT WALA KA MAN LANG MARAMDAMAN PESTE KA!! BWISET!! ANG BULAG BULAG MO." umiiyak na ko pero patuloy padin ako sa pagsigaw habang siya nagulat lang at nakatayo na parang napako sa kinatatayuan niya "Nung una, kaibigan lang turing ko sayo eh! Pero habang tumatagal, nalaman ko nalang na mahal ko na pala lahat sayo. Yung kasungitan mo, yung kaprangkahan mo, yan na pag ka mysteryoso mo. Gustong gusto kong marinig yung tawa mo gago ka! Walang araw na hindi na kita iniisip manhid ka!!! Alam mo ba yung pakiramdam na hindi na ko makahinga pag hawak mo yung kamay ko ha?! PAASA KA!!! Alam mo ba na minsan ayoko ng kumawala sa yakap mo?! Ayoko ng umalis sa tabi mo kasi tang ina!! Mahal na mahal na pala kita pero ikaw saksakan ka ng bulag!! Ang saya-saya ko nung maging kaklase kita at ang swerte ko nga naman kasi katabi kita. Nag-uumapaw yung saya ko nung nakasama kita nung Pasko na parang gusto ko nalang umamin na mahal kita! Peste!!! Pero natakot ako. Natakot ako na baka iwasan mo ko eh! Kasi sh*T!!! Ayokong mawala kanalang sakin bigla. Pero anong ginawa mo gago ka!! Pag gising ko nalang isang araw, iniiwasan mo na ko. Alam mo ba kung gano yun kasakit ha?! Ang sakit sakit Paul na parang gusto ko nalang to takasan lahat kasi..narealize ko..sobra sobra na pala kitang mahal" pinilit kong punasan yung ulo ko na tuloy tulo lang sa pag tulo.
Nakatitig lang ako sakanya at nung makita ko na wala lang siyang reaction pero alam kong gulat siya. Hindi ko napigilan at mas lalo nalang akong naiyak.
"Sa reaction mo na nakikita ko ngayon. Alam ko na ang sagot." napayuko ako at huminga ng malalim. Tatalikod na sana ko pero parang na froze ako nung nagsalita siya.
"A-alex" nung narinig ko yung boses niya, napahagulgol ako bigla. Sobra ko siyang namiss. Sobra kong hinahap hanap yung boses niya at yung pagtawag niya sa pangalan ko. "Alam mo ba kung bakit ko yun ginawa?" tiningan ko yung reaction niya. Hindi ko alam kung ako lang ba to pero nakikita ko na nasasaktan din siya. Humakbang siya ng isa pero humakbang din ako palayo.
"Tang ina kasi!!!" Nagulat ako nung nagmura siya bigla. "Alam mo ba high school palang tayo gusto na kita? Crush nga siguro. Pero mas gusto ko nun si Paula. Kung naaalala mo, sinabi ko sayo dati na niligawan ko siya nung pag alis mo. Kasi alam ko nun na wala na kong pag-asa sayo at dahil girlfriend kadin ng kaibigan ko. Pero tang ina!! Bumalik ka at akalain mo nga naman naging close tayo pero mahal mo padin yung gago kong kaibigan!! Hindi ako manhid Alex. Alam ko na nung tumagal, pareho na tayo ng nararamdaman para sa isa't isa. Pero gago nga siguro ako kasi natakot akong umasa!!! Peste!! Kasi akala ko mahal mo padin si Nathan. Siguro bwiset nga ako kasi sinasaktan kita pero MAS NASAKTAN AKO ALEX NUNG NAPATUNAYAN KONG MAHAL MO PADIN PALA SI NATHAN!" napasigaw nanaman siya pero hindi ako nakaramdam ng takot "SHIT!! Nung pasko, gaya mo gustong gusto ko nadin sabihin sayo na OO MAHAL KITA ALEXANDRA AT ALAM YAN NI NATHAN PERO TAE!! PINIGILAN NIYA KO NUN NA SABIHIN SAYO KASI MAHAL MO PA RAW SIYA!!!!" nagulat ako sa sinabi niya. Ito ba yung sinasabi sakin ni Natahan na sana mapatawad ko siya "Sinabi niya sakin na...na hinalikan ka raw niya nung debut ni Paula. Alam mo ba kung gano ako nun nasaktan ha?! Na wala akong ibang nagawa kundi gantihan nalang siya ng suntok kasi sobrang sakit Alex. Syet! Ang bading at mukha na siguro akong gago ngayon, pero yun yung totoo. Simula nun, sinabi ko sa sarili ko na iiwas na ko sayo kasi AYOKO NG UMASA!! Alam mo ba kung gano kahirap na makikita kita araw-araw na malungkot ha?! Pinipigilan ko yung sarili ko na tingnan ka kasi minsan hindi ko na matiis at gustong gusto na kitang lapitan at gusto ko ulit makita yung ngiti mo" kahit sobrang labo na ng paningin ko. Nakita ko siyang humakbang ulit palapit sakin. This time, hindi na ko humakbang palayo.
BINABASA MO ANG
Who's Got the Pain?
RomanceAkala niyo ba kayo lang nasaktan? Kayo lang yung nasasaktan? Bakit ganun? Kung sino yung nang-iwan siya yung walang puso, at kung sino yung naiwanan siya yung iniintindi ng lahat? Siya lang ba yung nasasaktan? HINDI! Inisip niyo ba yung nararamdaman...