Who's Got the Pain?: Eleven

463 13 0
                                    

Anong problema ni Nathan?! Bakit niya to sakin ginagawa? Galit siya kasi...kasi ano? Umalis siya kasi? Ewan ko! Di ko na alam!! Kung kailan unti-unti ko ng natatanggap saka niya ipapakita sakin na apektado siya. Apektado siya...kasi? EWAN KO! Di ko alam sagot sa bawat tanong ko! 

Tsaka apektado nga kaya siya? Ano ba kasi!! Si Tads..si Tads? Ano kayang nararamdaman niya ngayon? Syet! Nasasaktan ko nanaman siya. Pero..hindi ko alam. Di ko na alam! Ramdam ko yung patak ng mga luha ko, wala nanaman silang tigil. Sina AA at Paul wala lang silang imik, nagulat din ata sila sa ginawa ni Nathan. Tangna kasi! Si Tads..napamulat ako nun. Nakita kong nakatitig lang siya sa kawalan, halatang nanggigilid na yung mga luha niya. Walang hiya! Kasalanan ko to!!

"Ta-tads" halos pabulong kong sabi sakanya na nauutal pa ko. Hindi ko matago yung pagkagulat ko at di ko din matago yung nararamdaman ko ngayon "So-sorry" tiningnan naman niya ko. Nakita kong pumatak na yung luha sa mata siya. Syet! Mamatay na ko!! Kasalan ko nanaman kasi.

Tumayo siya at tinitigan ako bago siya nagsalita "bakit kasi...bakit kasi bumalik kapa?" nagulat ako sa sinabi niya. Yung tingin niya nakikita ko yung galit at sakit na nararamdaman niya para sakin. Para sa isang gaya ko.

Napatitig ako nun sakanya at di na ko nag abalang itago yung gulat sa mukha ko. Umalis siya bigla at di na ko hinintay na makapagsalit ulit. Ganun ba kagalit sakin si Tads ngayon? Ganun ko ba siya nasasaktan ngayon?! Pero di ko naman sinasadya eh. Hindi ko naman kasalanan na patugtugin yung walang kwentang kanta na yun!

Pero siguro kasalanan ko din, hindi ko napigilan yung sarili ko. Hindi ko napigilan na hindi titigan si Nathan. Pero..bakit hindi din niya inalis yung tingin niya sakin? Bakit ganun?! Waaaa. Ang daming tanong sa isip ko, pero wala akong makitang tamang sagot sa mga tanong na yun. Ang sama kong tao, nananakit ako ng kaibigan ko! 

"Alex" pabulong na sabi sakin ni AA. Ramdam na ramdam ko yung gulat at lungkot sa boses niya "Okay kalang?" niyakap niya ko ng sobrang higpit. Kasi naman! Masaya pa lang kami kanina eh, bakit napunta sa ganitong sitwasyon? Dahil lang sa lecheng kantang yun?!

Ngumiti lang ako sakanya at huminga ng malalim "Sundan mo si Tads, A. Kailangan ka niya ngayon" at hinarap ko siya sakin "Sorry AA ha? Tama ka, tanga talaga ako" napangiti naman siya pero hindi yung ngiti talaga na totoo. Saka siya tumango.

"Dito kalang Alex ha?" tumayo na siya at hinawakan ako sa balikat "Paul, kaw na muna ulit bahala kay Alex ha?' tiningnan niya si Paul at nginitian niya ito. 

"Hmmmm" narinig kong sagot ni Paul. Minsan nakakahiya na siyang harapin. Baka masawa na siyang kasama ang isang tangang tulad ko. 

"Sundan ko na siya ha? Tama na sa pag iyak" at niyakap niya ulit ako saka siya umalis. Nakakainis ako no? Ang daming nahihirapan ng dahil sakin. Ang daming naapektuhan dahil dito sa nararamdaman ko sa taong my mahal ng iba.

Pag alis ni AA, walang nagsasalita samin ni Paul. Feeling ko galit siya eh, kasi nagmukha nanaman akong tanga. Nangako kasi ako sakanya noon na hinding hindi na ko babalik sa nakaraan ko, kaso ewan ko! Bakit ba kasi dumating pa ulit sa ganito? 

"Pau-" di ko naituloy yung sasabihin ko kasi bigla siyang nagsalita.

"Kung mag sosorry ka, okay lang. Kung mangangako ka, wag na. Yung sorry mo matatanggap ko kasi alam kong mahirap pigilan yung nararamdaman mo para sakanya. Pero wag ka ng mangako, kasi alam kong paulit-ulit lang yun mapapako" sabay tayo niya, meanong aalis nadin siya. Tumayo nadin ako para umalis. Ayokong galit siya sakin eh. Ayoko! Si Tads galit na sakin, di ko na alam gagawin ko kung pati si Paul, oo nadin.

"Pe-pero..sorry Paul, di ko alam anong nangyari eh" nakayuko kong sabi sakanya habang pababa kami ng hagdan.

"Alam mo. Di mo nanaman napigilan yung nararamdaman mo, yun ang nangyari" madiing sagot niya sakin. Tama nga naman na magalit siya. Alam ko kasing nag-aalala din siya para sakin, ilang araw din kaya niya ko nakitang umiiyak nung simula. Tapos nung unti-unti na kong nagiging maayos, alam kong gumaan din loob niya nun. Pero ngayon? Heto nanaman ako. Andito nanaman ako sa nakaraan ko.

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon