Who's Got the Pain?: Seven

525 11 0
                                    

Tumango lang siya ng isang beses as a response dun sa tanong ko, di padin naalis yung mga kamay niya sa bulsa siya at nakatingin lang sakin. Yung aura niya normal na normal lang habang ako gulat na gulat dahil sa takot ko kanina. 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang nakaturo pa yung hintuturo ko sakanya. Nagulat kasi talaga ako at natakot. Pano kung hindi pala to si Paul? Pano kung masamang tao pala yung nakaupo dun kanina, eh di san na ko pinulot nito ngayon diba?

"Diba ikaw dapat ang tinatanong ko niyan?" pakasabi niya nun unti-unting nawala yung gulat sa mukha ko at napalitan nanaman ng sakit, at nung mga nangyari kanina. Sana lagi nalang pala kong nagugulat o natatakot para kahit ilang minuto lang o kahit segundo man lang matakasan ko yung katotohanan na nasasaktan ako. 

Hindi ako sumagot sa tanong niya at yumuko nalang. Kasi kahit anong pigil ko, pumapatak nanaman yung mga luha ko, at ayokong siya ang makakita nito, na miserable nanaman ako. Nakakahiya. Hindi naman talaga kami close at lalong hindi kami masyadong nag-uusap. Kabatch ko lang siya at naging kaklase ko siya nung high school pero isang beses lang naman. Nakapagtataka nga at nakilala niya ko agad at naalala ko din siya. Bakit sa dinami-dami ng tao siya pa yung makakakita sakin? Di ba pwedeng si Nathan nalang? Para naman makita niyang nasasaktan nanaman niya ko at nahihirapan nanaman ako. Shit kasing puso to!! 

Nakatayo kami dun, pero parang hindi ko ramdam yung presence niya kasi mas nangingibabaw yung mga nararamdaman ko. Nakakatawa nga naman, 2nd year Anniversary nila? Oh eh di magpaparty sila!! Ngayon alam ko na, naging sila pala nung 1st year college sila, niligawan din kaya siya ni Nathan? Pero parang hindi, parang umamin lang sila sa isa't-isa tapos yun na. Hindi sa sinasabi kong easy to get si Tads, pero naiintidihan ko, siguro sinabi ni Nathan sakanya na di man siya niligawan nito, araw-araw naman niya tong susuyuin. NAKAKATAWA!! Gaya nung ginawa niya ngayon, ang sweet kung tutuusin diba? Pero masakit kasi hindi niya yun nagawa dati sakin. Kaya hindi niyo ko masisisi kung nasasaktan ako ngayon kasi masakit talaga eh. 

"Umiiyak ka ng dahil kay Nathan?" napaangat yung ulo ko, di na ko nahiya kahit punong-puno na ng luha yung mukha ko. Hindi ako agad sumagot at tinitigan ko lang siya ng my halong pagtataka at my halong sakit. Masakit kasi kailangan niya talagang idiretso yung tanong niya? 

Nagtinginan siguro kami ng mga isang minuto saka ulit siya nagsalita "nabalitaan kong wala na kayo, kaya wag kang magtaka" diretsong sabi niya na wala man lang ka emo-emotion sa mukha niya. Tangna! Ang sarap niyang sampalin, kasi kung makapagsalita siya parang wala lang, parang hindi niya nakikita na nasasaktan ako "bakit mo siya iniiyakan? Hindi ba dapat maging masaya ka?" nanlaki talaga ng sobra yung mga mata ko sa mga sinabi niya at di na mapigilan yung galit ko.

"ANO BANG ALAM MO HA?! Kung makapag-salita ka akala mo nararamdaman mo yung nararamdaman ko ah!! Close ba tayo para sabihan mo ko niyan ha?!" tuloy-tuloy padin yung luha sa mga mata ko na parang ulan lang na pumapatak ng sunod-sunod. Sinigawan ko talaga siya, dahil nakakagalit. Dapat masaya ako? Gago pala siya eh. Pano ko gagawin yung maging masaya kung yun tanging tao na makapagpapasaya sakin ay hinding-hindi ko na makukuha pa. 

Pero kahit galit na galit ako, yung mukha niya normal lang, wala akong gulat na nakita o inis man lang. Kaya mas lalo akong nagalit, manhid ba tong taong to at hindi niya alam na nasasaktan yung tao sa harap niya? 

Humahagulgol na ko sa harap niya, sa harap ng taong di ko man lang inaasahan kahit sa panaginip ko na makikita akong ganito, pero wala na kong pakialam. Sarili ko to at hindi siya yung nahihirapan kaya manahimik nalang siya. Napaupo na ko dahil nanghihina nanaman yung buong katawan ko. Hinang-hina na ko. Sinubsob ko lang yung mukha ko sa mga kamay ko at patuloy na umiiyak habang siya nakatayo padin. 

Nagsalita siya bigla pero hindi na ko nag-abala na iangat yung mukha ko "Maging masaya ka, kasi nabigyan ka ng pagkakataon na mahawakan siya. makasama siya, mahalin siya at mahalin din niya pabalik" hindi ko alam kung san siya nakatingin habang sinasabi niya yan. Pero serysoso yung boses niya at hindi padin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. 

Who's Got the Pain?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon